At dahil hindi na ako pinapayagan ni Lola na lumabas sa bahay dahil nalaman niya na may relasyon kami ni Felix ay tumatakas nalang ako kapag gabi na.
Sa veranda kami sa bahay ni Kuya Dom tumatambay, nalaman na 'din niya ang tungkol saamin kaya bantay sarado 'din siya.
Tinignan ko ang cellphone ko ng tumunog ito
Honey Pumpkin Pie
alis dw tayo mamaya mag bar sabi ni kuya dom
Saktong-sakto dahil wala ngayon si Lola, pumunta kasi siya ng probinsya dahil may aasikasuhin daw siya na lupa at sumama na 'rin sakanya si Daddy kaya mas madali makalabas ng bahay ngayon. Si Jon nalang ang problema ko
Honey Pumpkin Pie
sasama ba tayo?
yes na yesss ^_^
Tinignan ko ang oras, alas diyes na ng gabi kaya lumabas na ako ng kwarto at lumabas sa bintana sa likuran ng bahay, pagkatapos ay inakyat ko ang gate namin at nakita ko si Felix na nag-aantay saakin
"Dahan-dahan lang mahal" sabi niya habang naka-angat ang dalawa niyang kamay para suportahan ako
"Okay!" sabi ko nang makatapak ako sa lupa, niyakap ko si Felix nang mahigpit.
"Huy! Tara na!" nagulat kaming dalawa nang magsalita si KL na asa likuran na pala namin
Pumasok kaming tatlo sa sasakyan ni Kuya Dom. Last na niya kasi bukas dito dahil babalik na siya sa abroad kaya magpa-party muna siya bago siya umalis, ang alam ko ay marami siyang inimbitahan at kumuha siya ng tatlong table at isa 'yun ay para saamin.
Pagdating namin doon kaagad kaming pina-upo ni Kuya Dom sa table namin at binilhan ng drinks. Limang bote ng Jose Cuervo ang nilapag niya sa harapan namin kaya sinimulan na namin uminom.
Habang umiinom kami ay nakikipag-kwentuhan kami sa isa't-isa. Naisipan ni KL na maglaro ng truth or dare dahil hindi pa daw umaakyat ang alak sa ulo niya kaya matino pa daw ito.
Pinalibot niya ang isang bote ng Heineken at sa harapan ko ito tumigil.
"Ako may tanong" sabi ni Louis "First impression niyo kay Thel" binigyan siya ng lahat ng 'pinagsasabi mo' look
"Anong first impression ka diyan! Kilala natin 'yan mula bata" sabi naman ni Ashton sakanya
"Hindi, yung parang ano..yung..ako nga mauna, noon akala ko boring kausapin si Thel pero ngayon na naging close kami, hindi pala tumitigil bibig niya sa kakadada at maaliw ka 'din sa mga pinagsasabi niya kahit walang kwenta" tumawa ako dahil sa sinabi niya
"Talaga ba Louis?" sabi ko
"Ahh ganon gagawin" sabi ni Hannah "Diba noon palagi natin inaaya si Thel na pumunta dito, gawin natin 'to, sama ka dito" tumango-tango naman ang lahat dahil sa sinabi niya "Pero hindi siya sumasama diba!" sabi nito at mas lalo silang sumang-ayon sa sinasabi nito
"Oo! Akala ko ayaw niya tayong kasama" sabi ni Jude
"Huy! Grabe ka naman hindi naman sa ayaw ko-"
"Sshhhhhh" tumigil ako sa pagsasalita nang suwayin ako ni Hannah "Moment namin 'to" sabi niya "Palaging sinasabi ni Jon na nahihiya ka daw, syempre kami hindi kami maniniwala doon kaya ang inisip nalang namin na grabe na yung status mo"
"Ha? Pinagsasabi mo?"
"Yung parang class kana, hindi kana reachable" pagsuporta ni KN sa sinabi ni Hannah
YOU ARE READING
A Malefactors Charm
Novela JuvenilWhat if she falls in love with the most unexpected person, her childhood friend who has a been sent to jail for murder. ©️ credits to those who own the pictures used for the book cover. venayyaa Date started: 03-01-23 Date finished: -