"Nasaan po si Diego?" Tanong ko kay Nana Luring na pinaka matagal dito naninilbihan sa casa tua, sabi niya sabay kaming magta'tanghalian pero wala naman siya dito. We called his house casa tua dahil nga Italyano siya.
"Umalis ang Ninong Diego mo Amari, hindi naman nagsabi kung saan pupunta." Sagot ng matanda habang nilalapit nito sa dalaga ang pinggan at baso. Nakahain na sila ng tanghalian kaya nga pinatawag na niya ito para kumain na.
"Gano'n po ba? Sige po." Ngumiti pa ako kay Nana, akala ko naman hihintayin niya ko pero hindi pala. Tsk, para halik lang nagalit agad? Akala yata ng lalakeng 'yon hindi ko natatandaan 'yong mga pagdala-dala niya ng mga babae dito noon tapos para smack kiss lang galit agad.
"Sige na kumain ka na iha, o gusto mo sabayan kita?"
"Sige po Nana sabay na tayo kumain." Nakakawalang gana naman kase kumain ng mag-isa kaya nga na-excite ako kanina ng malaman ko na nandito na si Diego tapos aalis naman pala ulit. Siguro lalabas na lang ako mamaya pagkakain ko, tama pupunta na lang ako sa mall o kaya sa coffee shop sa labas ng subdivision! Wala din naman akong masyadong friendship at kung mero'n man alanganin na kung aayayain ko sila.
Chill brew bar..
"Tangina kakaiba ka talaga mag-aya mag-inom, tirik na tirik pa ang araw oh." Ani ni Franco sa kaibigan na si Diego. Mag aalas tres pa lang ng hapon pero nakaka-tatlong bucket na sila ng beer, at alam niyang hindi lang ito ang maiinom nila dahil siguradong aabutin pa sila ng gabi dito.
"Namiss lang kita pare,
saka ilang buwan din tayong hindi nagkita diba." Sabi naman ni Diego, wala naman talaga siyang balak umalis ng casa tua kung hindi lang talaga siya ninakawan ng halik kanina ni Amari ay baka natutulog siya ngayon. But that woman kissed him! At hindi lang sa pisngi kung hindi sa mga labi! Alam naman niyang may pagka-sutil ang batang 'yon pero hindi naman niya inaasahan na hahalikan siya nito kanina at oo nabigla talaga siya. Pinapalampas na nga niya ang hindi nito pagtawag sa kanya ng Ninong tapos ganito pa ang gagawin?"Oh baka naman pare may babae ng gumugulo sa isipan mo kaya ka nag-aya mag-inom? Aba ano bang itsura niyan ha? Ano sexy ba? Filipina ba o Italyana?" Pangungulit pa ni Franco, kilala niya kase ang kaibigan at hindi naman ito pala-inom na tao. Ang huling beses nga na nag-inom sila ay 'yong namiss nito ang kaibigan nilang si Vero at nagka-kuwentuhan sila ng malalim lalo pa at ang anak-anakan ng kaibigan nilang 'yon ay kay Diego hinabilin.
May gumugulo talaga, bente anyos tapos inaanak ko pa. Ngaling-ngaling sabihin ni Diego sa kaibigan pero hindi naman niya puwede sabihin ang tungkol sa ginawa ni Amari. He's so sure that his friend will get dismay once he know about Amari. Isa pa hindi niya talaga maisip na papatulan niya ang pangungulit sa kanya ng dalaga, oo ilang beses na nitong sinabi sa kanya na gusto daw siya nito pero syempre hindi niya lang pinapansin. Beside he was 17 years older to her at kung tutuusin puwede niya na ngang maging anak ito kaya nga iniiwasan niyang mag-stay sa casa tio dahil nga alam niyang hindi siya titigilan nito.
"Wala, babalik na naman kase ako sa susunod na araw sa Italy at hindi ko naman alam kung kailan ang balik ko dito." Sabi na lang ni Diego, totoo naman 'yon dahil busy naman talaga siya sa negosyo. His friend Vero was his business partners, iba't-ibang klase ng baril ang binebenta nila at hindi ito 'yong mga simple lang at mumurahin. Dahil ang bumibili ng mga baril niyang 'yon ay mga mafia at may mga grupo na malalaki sa Europa kaya milyon ang bawat transakyon niya and he really earned huge amount of money from it.
BINABASA MO ANG
El Padrino (R-18 Story)
RomanceAmari Segreto and Diego Montez story. This story is now completed and pay to read on patreon and vip group. Not suitable for young readers, READ AT YOUR OWN RISK.