Malamig ang simoy ng hangin ang dumampi sa kanyang balat. Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Neonema nang marinig niya ang sariling yapag ng paa pababa ng hagdan.
Linggo nang gabi at walang opisina ngunit heto siya ngayon at nagtratrabaho pa rin. Pinakausapan kasi niya ang kanyang manager na pahintulutan siyang bumalik sa opisina kahapon at ngayong Linggo upang matapos lang ang kanyang trabaho. Ayaw kasi ng kanyang nakakatandang kapatid na magdala siya ng trabaho sa kanilang bahay.
Kailangang tapusin ngayon ni Neon ang kanyang report tungkol sa kanilang sales kaya nang nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan, kaagad siyang lumabas ng kanyang cubicle at tinungo ang ladies room na nasa second floor pa. Kasalukuyan kasing under maintenance ang CR nila sa third floor.
Minabuti ng dalaga na gamitin ang hagdanan kaysa mag-elevator pa siya. Gusto kasi ng dalaga na mawala ang kanyang antok, idagdag pa na may takot siya sa mga masisikip na lugar.
Matiwasay na narating ni Neon ang CR sa second floor nang maisipan niyang tahakin ang short-cut pabalik sa kanyang cubicle sa third floor matapos niyang gumamit ng palikuran. Kailangan na talaga niyang matapos ang kanyang ginagawa na report kunh hindi ay baka sumunod siya sa yapak ng paa ng kanyang pinalitan at mapagalitan ng kanilang boss.
'Speaking of the boss,' biglang sumagi sa isipan
ng dalaga ang kanilang bagitong boss. Batang-bata pa ito at walang kasintahan. Macho ang lalaki at nuknukan pa ito ng kisig. Masasalamin dito ang isang makisig na mandirigma na nagmula pa raw noong sinauang panahon.Nasa lalaki na raw ang lahat-lahat. Liban na lamang sa isang kapintasan.
Ayaw ng lalaki sa mga babae na katulad niya.
Samadaling sabi, bakla ang kanyang amo.
Sa una pa lang na pagkakakita ni Neonema sa kanilang boss ay nagka-crush na siya rito, ngunit sinaway lamang siya ng kanilang department head nang malaman ito.
"Naku! Neon, magtigil ka! Masgugustuhin pa ni Mr. Samos kung lalaki ang magkaka-crush sa kanya kaya humanap ka na lang ng iba." Natatandaan pa niyang sermon sa kanya ni Mrs. Castro. Tiya niya ang babae ngunit hindi niya ito kaapelyido noong dalaga pa ito. Step sister kasi ito ng kanyang ama.
Tahasan nitong sinabi na bakla ang lalaki dahil nakita raw ito ng sekretarya ng lalaki na nakikipagbeso-beso raw ito sa kauri nitong lalaki.
Baka mag-agawan lang daw sila ng lalaki ng damit pangloob kung magkataon.
Nakadama ng awa ang dalaga para sa amo. Sariling empleyado lang nito mismo ang nanlilibak sa lalaki.
Crush is only just a crush. Wala namang masama doon, at isa pa-- she's rooting for his happiness! Sir Jiovani, keep fighting!
Maya-maya pa ay biglang napatigil sa paglalakad si Neon.
Tumambad sa harapan ng dalaga ang rebulto ng nagtatag ng kanilang kompanya. Si Gng. Azuela Samos.
Matunog ang mga umuugong na balita na nagmumulto raw umano ito at malimit na magparamdam sa bahagi na ito ng gusali. Dito raw namatay ang matandang babae matapos daw magloko ang wheel chair nitong sinasakyan pababa ng hagdan.
Kaagad nagsitayuan ang balahibo sa braso ni Neon nang makaramdam siya ng mga pares na mga mata na nakamasid sa kanya. Dali-daling umalis ang dalaga pabalik sa kanyang cubicle. Lalo pa siyang nataranta nang malanghap niya ang paboritong bulaklak ng matanda.
Ilang-ilang.
Kung isa itong parusa sa kanya dahil sa pakikinig niya sa mga tsismis patungkol sa amo, napakasama namang parusa ito. Lima lamang sila ng mga gwardiya na nandito ngayon sa gusali. Ang dalawang gwardiya ay nasa ground floor at ang dalawa pa ay roaming sa kabuuan ng gusali.
BINABASA MO ANG
Sunday Kisses
RomanceMabigat at makaking problema ang kaniyang hinaharap. Kailangan nang malaki ni Jiovani na magkaroon ng nobya upang ibangong muli ang kaniyang dignidad na niyurak ng mga tsismosang walang magawa kung hindi pagtsismisan ang iba. Napili ng lalaki ang wo...