Curiosity comes in :)

2.1K 14 0
                                    

Sa labas ng DLSU Gymnasium...

Ara: Oh! Sissy! What made you so tagal?! Ano ka ba naman!

Me: Sissy you wouldn't believe kung sino ang nakabangga sa akin. Hulaan mo dali!( Nakasimangot ako)

Ara: Ayokong manghula sabihin mo nalang!

Me: Manghula ka sige na! Ito naman!

Ara: Sige :) Ahmmmmmm..... Si Simon no?

Me: Hindi! (Pasigaw)

Ara: Si.........Si......Si............Sino? Ayoko ng manghula! Wala ako sa mood. Hahaha!( syet akala ko mahuhulaan na nya)

Me: Nakakainis ka talaga! Pero sige sasabihin ko na...No other than the Mr Mayabang himself. Kiefer Ravena!

Ara: (Tumili) What?!!!!!!!!!!!!!!!! Kiefer Ravena? As in The Kiefer Ravena?!!!!!!!!

Me: Bakit parang galak na galak ka? Binangga nya ako!

Ara: Hey! Did I just hear the word "binangga"?

Me: Oo! Binangga nya ako! Feeling ko kasi sinasadya nya! Napakayabang talaga! Dapat dun hindi pinapalabas ng campus na buhay!

Ara: Grabe ka naman! Gawin mo pang killer yang sarili mo. Pero teka nga Aereen bakit ba inis na inis ka kay Phenom hah? (Walang hiya! Hindi talaga nag-iisip si Victonara)

Me: Inis na inis? Baka galit na galit! Obvious ba?! Ang yabang kaya nya!

Ara: Naku Aereen mag-iingat ka! Baka mamaya magkagusto ka dun ah! Haha! Di ba The More you hate, The More you love?

Me: Haay naku hindi mangyayari yun! Kahit na magyelo pa ang impyerno at bumaliktad man ang mundo hinding-hindi ako magkakagusto sa mayabang na yun! Tara na nga! (Ina. Kapatid, Anak ang peg ko)

*Nakalipas na ang maraming araw mula ng insidente na nangyari sa DLSU Gymnasium. Pero hindi pa rin makalimutan ni Mika ang bwisit nya kay Kiefer.

Ara's P-O-V

Me: Sissy! Bakit nakatulaley ka? Siguro iniisip mo si Kiefer no?! Naku! Baka nagkakagusto ka na dun ah!

Mika: Haay naku Victonara! Wag mo akong simulan kay Kiefer ah! Dahil naiimbyerna ako!( Ang galing kong manghula napaka defensive ni Aereen. Haha!)

Me: Okay! Sige maliligo na ako!

*Kakatapos ko lang maligo at pinatuyo ko na ang buhok ko sa tapat ng electric fan ng makita ko si Mika na nag-Twitter. Nilapitan ko sya at gugulatin

Me: Uyyy!!!!!!!!!!!!!!!! Sissy!!!!!!!!!

Mika: Ay naka ka ng demonyo! ( Yup! Magugulatin po talaga si Mika)

Me: Ano yang ginagawa mo?

Mika: Obvious ba eh di nag-Twitter! Bulag ka na ba ngayon? hahaha! (Nahawa na sa akin tong Sissy ko)

Me: Alam ko naka-online ka sa Twitter pero bakit may Wikipedia na naka-tab?

Mika: Huh? Alin? Wala ah! (At in-off nya ang kanyang Ipad)

Me: Oh sige na maligo ka na!

(Naisip ko na buksan at tignan sa history ng Google Chrome ang ginawa ni Mika)

Me: Sissy!Pahiram ako ng Ipad ah!

Mika: (Nasa Banyo) Okay!

*Binuksan ko yung Google Chrome History at Bingo! Nakita ko na nag-searched si Aereen ng "Kiefer Ravena" sa Wikipedia"

Mika's P-O-V

(Makapag-twitter nga muna! Nakita ko si Ate Aby naka tagged kay @kieferravena ang post nya. Bigla kong naisip yung sinabi ni Ara! Na madami na daw syang nakuhang MVP award. At simula nung pagkakabangga nya sa akin hindi nya sya nawala sa isip ko. Dahil nga galit na galit ako sa kanya kasi napayabang nya. Ano ba tong pinag-iisip ko? Kiefer Ravena? Yung mayabang na yun?!)

*Nalaman ko nga na totoo pala ang sinabi ni Ara. Magaling yung isang yun. May maipagmamayabang naman pala talaga. Haay! Pero kahit na hindi pa rin sapat yan para magmayabang sya. Pero bakit ganito parang bigla akong humanga sa galing at talento nya?)

Sige maliligo na ako!

(Kumakanta ng Palagay Ko ni Aiza Seguerra sa loob ng banyo)

"Palagay ko mahal kita ikaw na nga walang iba di pa kasi masabi ng puso ang nadarama"

(Pagkalabas ko ng banyo nakita ko si Sissy na nakangiti sa akin)

Ara: Hey Sissy:)) Ayieeeeee!!!!!

Me: Anong ayieeeeee ka dyan? Nakikita ko na naman yung pouty lips mo! Naiirita ako! Hahaha!

Ara: Sissy! Aminin mo na! May gusto ka kay Kiefer no? (Parang imbestigador to si Ara!)

Me: (Namula) Huh? Anong gusto?!Yan ka na naman Ara ah! Nagsisimula ka na naman!

Ara: Kunwari ka pa! Eh nakita ko sa History na sinearched mo si Kiefer Ravena! Aminin mo na! ano may gusto ka ba?(Nawindang ako! Napaka pakialamera talaga nito ni Victonara)

Me: Pakialamera ka talaga! Ano naman kung hinahanap ko sya sa Wiki huh?

Ara: Eh di may gusto ka nga! Sabi ko na nga Mika! Sabi ko na nga! Hahaha!( Ang lakas talaga mang-asar ni Sissy!)

Me: Kasi nga na-curious ako di ba sinabi mo na madami syang MVP awards. (Palusot)

Ara: Dati-rati naniniwala ka kapag sinabi ko.Kahit hindi mo ipagtanong! Ngayon nag-searched ka pa sa Wikipedia? Hahahaha! Wag kang patawa! (Naloko na!)

Me: Wala akong gusto kay Kiefer Ravena no! Napakayabang nya!

Ara: "Kahit magyelo pa ang impyerno kahit bumaliktad pa ang mundo hindi ako magkakagusto sa kanya" Hahahaha! Kinain mo mga sinabi mo this time! Lalalalalalala.... (Gaya-gaya talaga!)

Me: Tama na Ara ah! Wala akong gusto sa kanya. Okay?

Ara: Eh di wala na kung wala! Anong problema mo? Hahaha!

Love Me or Hate Me (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon