(Her POV)
Once a upon a time there was a Goddess princes who's making linis linis her room because the witch will visit her.
"Carmelita!!!!".
Oh~~~
Speaking of the witch
hahahhahahahahahaha"Hoy!!! Carmelita ! Buksan mo tong pinto!! Tumatawa ka nanaman mag isa diyan!!".
Padabog akong pumunta sa pinto para pagbuksan si manang kaurat! Talaga toh si manang minsan panira ng moment.
"Manang naman eh istorbo ka".
Kakamot kamot na sabi ko sakanya
"Yuck!! Carmelita! May kuto ka? Eww!!!".
Nandidiring lumayo sya sake walanjo toh!
"Grabee! Manang pagnangangamot may kuto agad hindi pa pwedeng bwesit lang sa iyo".
Halos bulong ko lang na sabi yung huli mamaya marinig ako mapalayas pa akers.
"Ay ewan ko sayo Carmelita".
Nag walk out naman si manang. ano kaya yun kakatok katok tapos nung pinagbuksan ko nag walk out Abah! Matinde tama nito ni manang.
*dingdong* *dingdong* *dindong dantes*
Napatingin naman ako sa may pintuan.
"Carmelita!!! Buksan mo!!".
Sigaw ni manang galing sa kusina. Ano naman kaya ginagawa nun sa kusina e hindi naman nagluluto yun.
*dingdong*
"Hoyy!! Carmelita!! Wag bingi!!".
edi ako na bingi. Padabong akong naglakad papunta sa pinto. Sino naman kaya toh aga aga nambubulabog"Ano hong kailangan niyo?".
"Dito ba nakatira si Ms Carmen San Jose?".
Bakit kaya nito hinahanap si manang?
"Ah Oho dito nga po saglit lang ho tawagin ko po muna ".
"o sige ".
Siniraduhan ko yung lalaki feeling ko nga nagulat siya eh syempre nag iingat lang ako mamaya magnanakaw pala yun o kaya killer mahirap na ngayon minsan yung pagiging hospitable iyan pa ang nagpapahamak well hindi ko naman sinasabi na masama maging Hospitable kaya lang kailangan alam mo rin kung kailan kalang magiging ganyan at kailan hindi.
Naglakad na akong papuntang kusina.
"Manang may naghahanap po sa inyo sa labas".
"Sino daw?".
"Hindi ko po alam".
Naglakad si manang papunta sa pintuan at pinagbuksan yung lalaki.
"Pasensya na iho sa labas kapa nag antay nag iingat lang kami".
Oh diba kahit si manang eh.
"ok lang ho".
Magalang na sa sabi nung lalaki
"Sige tuloy ka iho".
Tumuloy naman yung lalaki pinaupo siya ni namang syempre sa upuan Nagtataka siguro kayo paano ko naririnig nuh samantalang nasa kusina ako tapos nasa sala sila syempre maliit lang bahay ni manang eh malapit na malapit lang yung kusina sa sala.
"Ano palang kailangan mo iho?".
Rinig kong tanong ni manang.
"Nandito po ako kasi ipinabibigay ng mga Alcantara yung invitation card po".
Ay ang taray mga teh invitation card lang kailangan ipahatid pa talaga sa tauhan pwede namang pa LBC.
"Ah ganun ba ".
Kinuha naman ni manang yung invitation card na inabot nung lalaki sakanya.
"Inaasahan po ng mga Alcantra ang inyong pagdating kasama ho ang anak ninyo".
Anak??? May anak si manang?
"Ah ok".
Sagot naman ni manang at pagkatapos nagpaalam na ang lalaki na aalis na hinatid nadin ito ni manang sa may pinto. Pagkaalis nung lalaki agad agad naman akong lumapit kay manang.
"Manang may anak ka?".
"Ouch!!".
Grabee toh si manang batukan ba naman ako nagtatanong lang eh.
"Anong anak pinagsasabi mo diyan MATANDANG DALAGA nga eh tapos may anak anong pauso mo Carmelita".
"Pwede namang MATANDANG DALAGA NA MAY ANAK".
"Ouch!!".
Hinampas naman ako child abuse na toh
"Ay ewan ko sayo carmelita dami mong alam".
Syempre matalino ako eh
"Ang sinasabi niyang anak ikaw".
"Ako po? ".
Sabay turo sa sarili ko. Kailan pa ako naging anak ni manang?
"Ay! Hindi carmelita yung lalaki yung anak ko".
Sarcastic na pagkasabi ni manang.naks gumaganun si manang
"Nakita ka niya kasi akala anak kita".
"Ahhh".
Yun pala yun hihihihi
"So ano manang pupunta ka?".
"Ewan ko".
Nakita kong nilagay ni manang yung card sa may lamesa syempre chismosa ako eh kaya kinuha ko at binasa syempre alangan panuorin ko hahahaha #corny
"Manang engagement party pala to".
"Obvious ba carmelita".
"Sungit mo manang meron ka?".
"Eh! Kung ihampas ko sayo tong libro!!".
"Chill lang manang huwag HB ah".
"Pa HB HB kapa!! Maghanap ka nalang nang trabaho!!".
Ay!! Ang bopols mo kasi Natasha eh naalala tuloy yung utang mo!!!.
"Hihihi ikaw naman manang hindi kana mabiro ".
"Tigil tigilan moko carmelita".
"Hihihihi".
"Naiihi kaba carmelita?".
"Huh??".
Naiihi ako??? Hindi naman ah
"Anong huh ! Tinatanong ko kung naiihi kaba!".
??
"Hindi po?".
"E bakit hihihi ka ng hihihi para kang naiihi".
Itong si manang sarap sapakin
"Hindi ako naiihi manang ".
"Ah ganun".
"Anyway, ano manang pupunta ka? Sayang pagkain".
Nakita ko naman na parang napaisip si manang. Bakit ba kasi ayaw nitong matandang to pumunta sayang pagkain kaysa magtiis kami sa sardinas.
"Oshya! Payag na ako!".
"Weee napipilitan kalang ata eh".
Ouch!!
"Manang manghampas ba naman!!".
Kahit kailan talaga bigat ng kamay niya -_-
"Siraulo ka kasing bata".
Pagkatapos niyang sabihin yun naglakad na siya paakyat habang ako hinihimas himas ko paren yung braso ko grabeee bumakat yung kamay mga teh
BINABASA MO ANG
Love In A Bottle
Teen FictionWe have different journey to walk through. We may encounter difficulties that will make us more stronger than we were before. We may take risks that are worth taking.