chapter 2 : welcome

55 2 1
                                    

CHAPTER 2

Pagdilat ng mata ko ay nakatambad sa akin agad ang mukha ng isang lalaking hindi ko alam kung sino sya.Nakasuot sya ng isang unfamiliar uniform.Ang ganda ng style ng uniform pangmayaman talaga.yung suit nya ay kulay dark blue na may tatak na isang logo sa kanan ng kanyang dibdib at sa taas ng logo may nakalagay na R.U,ewan ko kung anong ibig sabihin non;sa ilalim ng suit nya ay yung white polo nya,yung necktie nya ay checkerd na kulay pula,at yung slocks naman nya ay kulay mocha.

Umalingasaw rin ang mabango niyang amoy sa ilong ko.Bigla akong natauhan pagkatapos ko syang titigan ng ilang segundo.

"kyaa~ sino ka ! ! ? Ba-ba-bakit ako nakahiga sa-sa-sayo ? kidnapper ka noh !? Pasigaw kong pagkasabi sa lalaki.

Bumangon ako kaagad at lumapit sa bintana ng sasakyan,pagkatapos ay pinilt kong buksan ang bitana pero ayaw talaga kaya ang ginawa ko ay nagsisigawan sa tapat ng bintana

.

"tulong ! tulong ! tulong ! may kidnapper dito ! ! ! kinidnap ako ! ! ! "

nabigla yung lalaki sa ginagawa ko...

Nang mapagod ako sa kasisigaw ay nawalan ako ng lakas at biglang napahiga sa sahig ng kotse.nagtataka ako kung bakit ang taas ng sahig ;lumingon ako sa itaas doon sa may frontset ng kotse.Namangha ako sa nakita ko.Nakita ko kasi lahat na kabuuan ng kotse.Sa unahan ay may   50 inches flat screen tv,sa kanan naman ay nakita ko yung ibat-ibang klase ng mamahaling wines at sa kaliwa naman ay may mga masasarap na pagkain,meron ring chocolates na nakalagay sa isang malaking bowl.Pati rin yung upuan na inuupuan namin ay unique yung desinyo.Talagang detalyado ang bawat sulok ng kotse.

"wow ! ! ! ang taas ng sasakyan at ang gara pa ! ! limousine nga ! ! " ang sinasabi ng isip ko.

"bakit ka tumigil sa kakasigaw ? ? ? sumigaw ka pa oh ! ! ! your free to do those kind of stupid stuffs " galit na galit yung lalaki .

hindi ko naman alam yung sasabihin ko kaya naging o.O ? yung mukha ko.Lumingon balik ako sa harapan ng limousine,hindi ko masyadong nakikita sino yung dalawang tao na nasa frontset.nang tinitigan kong mabuti ay si papa pala at yung driver nila na nag-uusap.

"Si papa yun ah, papa tulungan mo ako! " 

" it's futile , hindi ka rin nila maririnig dahil may dark glass na nakalagay sa likuran nila,hindi mo ba nakikita yun ? kaya kung may sinasabi sila o tayo,hindi talaga iyon naririnig " nakaupo sa gilid na parang boss. 

"ganon ba ?" Bumalik sa may upuan at umupo.tinitignan ko na lang yung view sa labas ng bintana.

natahimik kaming dalawa.Iniisip ko kung bakit hindi ko namalayan na nandito na pala ako,pumasok naman lahat sa utak ko kung ano ang mga nanyari kanina bago ako naparito.

_____________________________________________________________________________

*FLASHBACK*

"Pa 12:10 na ahh, bakit an tagal nila ? ? sabi nila na pagtapat ng alas dose ng tanghali ay nanjan na sila kaagad.,tsk ! ! ! .... "

"wag kang mag-alala anak baka malapit na yun sila "

Para na kaming pinirito ni papa dahil sa sobrang init ng panahon.halos umabot ng 43 degrees ang naging temperatura.kaya para akong nahilo dun.naging dry yung lalamunan ko pati narin yung lips ko.kaya balak kong bumalik muna ng bahay upang makainom ng maraming tubig.

"papa pwede po ba akong bumalik ng bahay? parang nadedehydrate na ata ako dito ehh dahil sa sobrang init kailangan ko talaga uminom nang maraming tubig."Habang tinatakpan ko yung mukha ko gamit ang kaliwa kong kamay .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

my forbidden first beat </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon