13th Drop: BEGIN AGAIN

5.3K 85 5
                                    

CHAPTER 13

DRAKE

Nandito parin ako sa kwarto niya at hindi umaalis. Bigla naman kasi akong kinabahan dahil nawalan siya ng malay.

Baka masyado siyang nasaktan sa sinabi ko kaya naman gano'n?

Totoo naman kasi.. na hindi ko pa siya kayang mahalin.

Pero tingin ko hindi ito ang tamang oras para magsabi ng gano'ng bagay sa kaniya.

I saw her, sleeping. She looks like an angel. Ngayon ko lang na titigan ng matagal ang mukha niya. Hindi ko rin naman kasi siya katabing matulog kaya naman bago 'to sa'kin.

"Im sorry Lhian, Im so stupid to hurt you." I said. Alam ko namang di nya ko naririnig dahil tulog sya pero okay lang.

Medyo nakahinga naman ako nang maluwag dahil sabi ng doktor kanina, nakatulog lang si Alliah.

Bakit naman kasi biglaan?

Pansin ko na may kaunting luha sa mata niya no'ng time na nakatulog siya.

Umiyak siya?

Oo, 'di na 'ko magugulat.. sa kabila ba naman ng sinabi ko, hindi siya maiiyak?

Naramdaman kong may luhang pumapatak sa mata ko.

"Ako naman si Tanga, sinaktan ka.. pero bakit 'di ka pa nakipag hiwalay sa'kin.. pwede mo naman akong iwan.." patuloy lang sa pag tulo ang luha ko.

"Hindi ko alam kung pa'no bumawi. Pero susubukan kong maging mas sensitive pagdating sa'yo, just give me more time." I said as I kissed her in forehead.

Then, I sleep beside her.

ALLIANAH

Kinapa ko yung noo ko, bakit basa? Tumingin ako sa kisame, wala namang butas. Eh bakit basa yung noo ko?

I checked kung ano yun. Luha? Panong nag kaluha ang noo ko? Umiiyak na din ba ang mga noo ngayon?

Bumalik ang tingin ko sa asawa kong natutulog sa gilid ko. Nakahawak siya sakin, namumugto ang mata. Umiyak ata siya.

Baka kaya basa yung noo ko? He kissed my forehead while crying o baka imagination ko lang 'yun.  Di siya mag-aaksaya ng luha para iyakan ako.

"Lhiah, gising ka na pala." He said while rubbing his eyes. He gave me a smile.

Did He just smile? Panaginip nanaman ba 'to?

"Yeah, Im fine. I thought umalis ka na. 'Di ka ba uuwi ngayon?"

"I want to stay here with you until morning." He said.

"Why?" I ask.

"I-I just want to make things up, Lhian. I'm sorry," yumuko siya at naramdaman kong tumulo ang luha n'ya sa kamay ko na kanina pa niya hawak.

Hindi ko narinig ulit 'yung sinabi niya.

"Hush, don't cry. It's okay. I accept your apology, okay? Stop crying. " I said while rubbing my palm to his back.

"I promise Lhian, babawi ako." He said and gave me a smile.

3 WEEKS LATER...

Ngayon palang ako makakalabas sa hospital. 'Di ko alam kung bakit napaka tagal kong nag-stay dun. 2 months and 3 weeks? Grabe, mamamatay na 'ko sa sobrang pagka bored dun.

But just like he said, lagi niya akong binibisita simula no'ng araw na 'yon.. maybe this is the begining of the new chapter of my story.

Kaya naman kapag dumadating si Light lagi ko syang binebelatan. Oo, lagi niya 'kong dinadalaw to remind me about the mission. For now, there are only 5 weeks left to complete my mission and I have 3 more chances.

"Wag kang mag conclude, Allian. Your mission is not yet finish. 'Wag ka munang magdiwang," he said coldly.

Ang negative niya talaga as always !! Dapat nga masaya siya kasi unti-unti ko nang naa-accomplish 'yung mission ko eh o baka naman Seryoso talaga siyang gusto niya 'kong mamatay agad para 'di na siya mapagod?

Oh by the mean time, nandito na kami sa kotse ni Drake on the way to our house. Yeah, I really miss our house.

This is the our new begining !!

====

"Good morning Hon," Drake said while hugging me from the back.

Nagluluto kasi ako ng breakfast namin. Na-miss ko ring magluto. Last time na nagluto ako eh puro sama ng loob pa yung natanggap ko.

Pero ayaw ko na ulit 'yon maalala.

"Good morning din," sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Umupo na sya sa counter at kinuha yung kape na nilagay ko dun kanina.

"Sorry Hon,ngayon lang ako nakapag luto. Naghihintay ka pa tuloy." Ayaw kasi ni Drake ng naghihintay. Lagi niya kong pinagagalitan kapag gano'n.

Lumapit siya sa'kin at niyakap ulit ako mula sa likod.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ngayon, nararamdaman ko ang init niya. Pakiramdam ko pati ako mainit na rin.

"Shhh. Stop saying sorry okay? I'm not mad. Besides, ako pa nga 'yung dapat magsorry dahil sa pag trato ko sa'yo dati eh." Sabi niya habang naka patong yung baba nya sa balikat ko.

"Okay lang.. " mahina kong sagot. Naalala ko nanaman yung mga ginagawa nya dati sa'kin. Pero dapat kalimutan ko na 'to.

"Look, babawi ako mamaya sayo ahh. Uuwi ako nang maaga." Sabi niya as he kiss my cheeks.

Natapos na ko magluto at bumalik na siya sa counter.

Natapos na siyang kumain at palabas na sana ng bahay ng bigla ko syang tawagin.

"Yung lunch mo nga pala." Sabi ko habang nakayuko sabay abot ng lunch box sa kanya. Last time na ginawa ko to, sinigawan pa nya ko at... aray! Ang sakit mag flashback.

Tanggapin mo please...

Expected..

"Sa labas nalang ako kakain! Bwiset!! Kainin mo yang mag isa, sagabal ka.. PESTE! Ano ko grade school?!"

Reality..

"Thanks Hon, ang sweet naman ng asawa ko." Then he peck my cheeks.

'Di siya nagalit? Ang saya ko

"I love you, Hon.." I said.

"Thank you.." He answered me.

OUCH!

Bakit masakit? Eh 'di ba sinabi naman na niya sa'kin na hindi pa niya ako kayang mahalin?

Pero..

Babawi siya.

Oo, babawi siya at ginagawa na niya 'yon ngayon.

*_To Be Continued_*

Hurt Me To DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon