*8 years after*
"Ma'am Viera, pinapatawag ka po ni Sir Jeoffry sa kanyang office." Ito talaga si Jeoff, kung kelan busy ako dito sa mga papers na pinapaasikaso ng mommy niya saka pa ako didistorbohin.
Sumakay ako ng elevator, pinindot ko ang 30th floor. Ang taas lang ng building nila, pero medyo nasasanay na ako, 4 years na akong nagta-trabaho dito as an executive director pero bago yan naging manager ako ng isang clothing brand nila for 2years. Ang tagal ko na di ba? 28 years old na ako ngayon, hindi 26. 2 years muna ako naging palaboy sa kalye bago makahanap ng trabaho na inoffer niya.
*Ting*
Dumating ako sa 30th floor at alam niyo bang office lang ni jeoffry ang narito. Hindi lang pala office pati isang room nang kagaya sa mga condo unit. Para daw kapag gusto niyang mag-over time, dito na lang daw siya matutulog. Samantalang yung desk nang secretary niya ee pagkaliit-liit ng space. Hahaha
"Ma'am inaantay na ho kayo ni Sir Jeoffry" sabi nung secretary.
Tumango lang ako at nagsmile. Pagpasok ko sa office, nadatnan ko ang mukha ni Jeoffry na parang binagsakan ng langit at lupa.
"Tssk, tssk, ano na naman bang problema mo? Mamatay ka na ba?" Tumingin siya sa akin at dali-dali tumayo papunta sa akin at niyakap ako.
"Vi, next week na yung kasal. Natatakot ako, ayoko maging under nung babaeng yun. Magtanan na lang kaya tayo?" Sira ulo talaga tong si Jeoff.
"Nek nek mo! Promise ko kaya sa mommy mo na tutulungan ko kayong makasal. Remember, 2 years na tayong hiwalay nang dahil sa kanya kaya Jeoff ready yourself, alam kong mamahalin mo rin siya."
"Kung hindi lang talaga ako nilasing ni mommy, sana hindi ko napirmahan yung contract. Sana tayo na yung ikakasal next week." Tapos sinubsub niya ulit ang mukha niya sa balikat ko.
"Eh nangyari na yung hindi dapat mangyari. Jeoff, i-accept na lang natin na hindi talaga tayo para sa isa't isa. At dahil ikakasal ka next week, magpre-prepare ako ---" I can feel his kissing my neck.
"Jeoff, stop doing that." Tapos tumigil siya, tinitigan niya ako sa mata then he kissed me on the lips.
Hindi ko napigilan ang sarili ko and I answered his kisses.
I remember nung panahong siya yung naging karamay ko para makalimutan ko si Luishan. He knows what happened after our graduation and he believed in me. I told him everything I did for Luishan and he assured me that he will never hurt me. 1 year siyang nanligaw bago ko siya sinagot pero masasabi kong nakalimutan ko na yung feelings ko kay Lui and finally started to love Jeoffry. Everything went perfect for 5years pero nung ipinakilala niya ako sa parents niya, nagalit ang parents niya sa kanya. I knew that his parents don't like me kasi I am not a Chinese. Yes, they are one of those Traditional Chinese but Jeoff wants to be different. Ayaw niyang sundin ang parents niya but then one day his mom took him to the bar tapos nilasing niya si Jeoff after nun pinapirma siya without letting him read the content. Kinabukasan his mom went to our house. Pinakita niya sa akin yung contract na may pirma nila, woo family and his son. Pero kailangan daw nang pirma ko 'cause I need to be a part of this contract para mag-break up na kami. The contract states that he will marry the daughter of the owner of Woo Corporation when the girl reaches 26 years old and the marriage will be a sign of merging their company. Tapos ako, I will be no longer his girlfriend and be the one to help Jeoffry na pumayag magpakasal. Papayagan pa rin nila akong makalapit kay Jeoff. Kapag hindi ako pumayag they will do everything to make my life miserable including my family. Sa takot ko na maghirap kami at sa inis ko kay Jeoff dahil pumayag siya sa contract na yun. I signed and promised her that I will do everything para makasal ang anak niya kay Ms. Woo. When he knew I agreed, he went to our house and explained everything but then hindi na pwedeng bawiin ang pirma ko and told him to ready himself kahit parehas kaming masasaktan. Nung una nahirapan akong magpanggap na hindi nasasaktan at naka-move on ako sa kanya but habang tumatagal natututunan ko na ring mag-let go. Pero sa sitwasyon namin ngayon? Parang hindi ko kakayaning ikasal siya sa iba.
BINABASA MO ANG
I'm OBSESSED with my Childhood Friend [2SHOTS]
RomanceBecause sometimes, love can be SELFISH and that love could sometimes RUIN a relationship you treasure the most.