I'm OBSESSED with my Childhood Friend [1/2]

337 5 0
                                    

A/N: NO PLAGIARISM PLEASE. Enjoy reading :)

I'm obsessed with Childhood friend.

SIYA lang naman ang lalaking bukambibig ng mga babae.

MATALINO, MAGANDANG LALAKE, MATANGKAD, MABAIT, MAHILIG SA SPORTS at higit sa lahat MARAMING GIRLFRIENDS.

Lahat na siguro ng words na may M e nasa kanya na.

pati nga MUSO ko ee ninakaw niya.

pero bigla siyang nagbago simula nung maging girlfriend niya yung NEVER BEEN NOTICED GIRL na si Florence.

Hindi ko alam sa lahat ng pwede niyang maging girlfriend, siya pa napili niya.

Mas hamak na MAGANDA at SEXY naman ako sa kanya, hindi naman ako kasing GENIUS nung babaeng yun pero ABOVE AVERAGE naman yung I.Q. ko tapos duh ang BOYISH niya lang?

Nakakainis lang! Yung dating PLAYBOY naging STICK-TO-ONE BOY and ever LOYAL! Wala na siyang pinapansin at pinagkakaabalahan kundi si FLORENCE.

Pero I told myself, "MAGHIHIWALAY DIN SILA, TIWALA LANG!!" Ang evil ko lang di ba?

Hindi ako papayag na HINDI SIYA MAGING AKIN.

Pinangako niya sa akin nung bata pa kami na MAGIGING KAMI sa TAMANG PANAHON at nang sinabi kong AT HABANG BUHAY bigla siyang tumawa. Kahit hindi habang buhay, MAGING AKIN LANG SIYA, pwede na akong mamatay.

Para saan pa lahat nang ginawa ko para sa kanya. Pinilit kong maging top sa school para mapansin niya ako. Sinalihan ko na lahat ng sports club na member siya. Tinutulungan ko siya ayusin ang mga gamit niya, mapa-locker or bag niya, inoorganize ko lahat para sa kanya. Binigay ko na ang halos lahat ng oras ko sa kanya para ang mapansin niya ako. Pero anong nangyari? WALA! IGNORED LAHAT NG EFFORTS KO!

"Viera! Kanina pa kita tinatawag! Nakatunganga ka na naman jan sa mga picture ni Luishan? Tatanggalin ko lahat ng yan sa pader kapag mauulit pa 'to!"

Si nani ko talaga, bigla-bigla na lang papasok sa kwarto ng hindi kumakatok nawala yung moment namin ni Lui.

"Nani naman, kumatok naman po kayo nang hindi ako magulat" haaay... Luishan, mamaya na lang ulit tayo magmuni-muni. Tapos hinawakan ko yung malaking picture ni Lui sabay halik sa lips.

"See ya later"

"May pa halik-halik ka pa jan. Tigilan mo na yan, OBSESSION yan anak, hindi PAGMAMAHAL!" hindi naman ee, OBSESSED MAHALIN SI LUI kamo.

"Ayan ka na naman nani ee. Hindi nga to obsession, sadyang gusto ko lang makita si Lui every second of my every day. Mahal ko kaya siya!" tama-tama at walang mali sa ginagawa mo Viera Yllani Dezare.

"Bahala ka nga jan! Tara't bumaba ka na nang makapag tanghalian na tayo." tanghali na pala? Ambilis lang ng oras. Kabago-bago ko lang nagising ee.

Matapos ko magtanghalian, umalis ako sa bahay para pumunta sa basketball court sa subdivision. Hindi naman kalayuan sa bahay namin. May laro kasi si Lui ngayon kaya kailangan ko siyang i-cheer.

Pagdating ko sa court nagsisimula na yung game. As usual nangunguna yung team ni Lui my labs at wala yung impaktang girlfriend niya.

"GO LUI!!!" Buong lakas kong pagsisigaw. Malay niyo di ba mamo-motivate ko siya through this.

"3 points for number 22, Hilson!" YEHEY!!

"Nakaka 27points na si Hilson ngayon 3rd quarter. 54 seconds na lang ang natitira para sa 3rd quarter at nangunguna ang Ciel Tigers nang 20 points. Makakahabol pa kaya ang Verde Rhinos?" Hindi na! Asa pang makakahabol yang mga mokong na yan.

I'm OBSESSED with my Childhood Friend [2SHOTS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon