YUNA AND DAVIAN STORY

5 1 0
                                    

Mag iisang oras na yata akong naghihintay dito sa tabing dagat para sa pagdating ni Davian, pero hanggang ngayon ay wala parin siya.

Nangako siya na darating at makikipagkita siya sakin, alam kong mahal niya pa ako kahit na ikakasal na siya sa iba.

Dito ang tagpuan namin madalas nung hindi pa nalalaman ng marami ang relasyon namin, bago pa man namin ipaalam sa lahat ay nalaman ko nalang na nakatakda na ang pagpapakasal niya sa kaibigan kong si Valirie sa susunod na buwan, napakabilis na sa tatlong taong relasyon namin ni Davian ay ganun lang kadali matatapos ang lahat.

Masama ang loob ko sa kaibigan kong si Valirie, alam niya ang patungkol sa relasyon namin ni Davian ngunit siya pa itong nakiusap sa papa niya na ipagkasundo siya kay Davian at kausapin ang magulang nito.

Hindi ko alam na ganun pala kalalim ang pagtigin niya sa nobyo ko at nagawa niyang sirain ang pagkakaibigan namin, na siyang mas pinanghihinayangan ko.

Ilang saglit pa ay may tumakip sa mga mata ko gamit ang dalawang palad nito, at alam kong si Davian na iyon.

Nakangiti siyang tumingin sakin at hinalikan ang aking noo.

"Kanina ka pa ba naghihintay? Pasensya na may nangyari lang kasi." Saad nito.

Napawi ang lahat ng pagaalangan ko, pati na ang lungkot dahil sa kakaisip na baka hindi siya dumating.

"Halos kadarating ko lang rin, kumusta ka?" Tanong ko sakanya

"Maayos, maayos na kasi kasama kita ngayon." Saad niya.

"Masaya akong nakarating ka." Maluhaluha kong sambit sakanya.

"Sayaw tayo?" Pag aaya nito, ilang linggo narin kaming hindi nagkikita at talaga namang sabik rin akong sumayaw kasama siya.

Agad akong tumango at tumayo kami, naglakad sa dalampasigan at nagumpisa ng sumayaw. Sana ganito nalang kami, sana hindi na matapos ang araw na ito.

"Mahal, kung ito na ang huling sayaw natin pilitin mong wag malungkot ha? Ayokong nakikita kang umiiyak ng dahil sakin." Nagulat ako sa ibinulong niya habang magkayakap kami, at parang may ibig sabhin siya rito.

"Ano bang sinasabi mo.. oo nga pala-- Tama, baka nga ito na ang huling sayaw natin dahil malapit na ang kasal nyo ni Valirie." Saad ko.

"Basta, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." Saad nito

"Ikaw lang ang nagiisang babae na minamahal ko, at mamahalin ko sa susunod pa nating buhay" Anya, hindi ko maiwasang mapatitig sa mga malamlam niyang mata.

Napakapalad ko, dahil nakatagpo ako ng lalaking katulad niya. Ngunit hindi kami ang itinadhana.

"Alam ko yun, pero sana itrato mo ng maayos si Valirie. Siya man ang naging dahilan ng paghihiwalay natin ng landas, subukan mo na matutunan siyang mahalin." Litanya ko.

Nakangiti ko siyang tinignan at bahagyang hinaplos ang pisngi niya, napakasakit-- masakit man pero kailangan kong tanggapin.

"Napakabait mo mahal, hindi ako nagkamali na piliin ka." bigla akong napahinto sa sinabi nito.

Sinasabi niya ba na hindi siya magpapakasal kay valirie? Kapag nangyari 'yun ay magagalit ang mga magulang niya, binantaan rin siya na sa oras na hindi siya pumayag ay paniguradong may mapapahamak. At inisip niyang ako iyon.

"Anong ibig mong sabihin??" Tanong ko.

"Magdidilim na, umuwi ka na at magpahinga. Tandaan mo na mahal na mahal kita." Anito at agad na naglakad palayo.

Nakakapagtaka siya ngayon, napakalungkot ng mukha niya-- namumugto ang mga mata niya. Gusto ko man siyang ipaglaban pero paano?

Tadhana na mismo ang humadlang sa pagmamahalan namin ni Davian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MULING SAYAW (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon