"I Met Him When I Was 23"
✏msfangirlwriter (updated last 2022)
I always dreamed to have a perfect wedding with my dream man.
Back when I was young lagi kong iniimagine kung kanino kaya ako ikakasal, kung kelan kaya ako ikakasal.
Yes, I imagined that kind of things nung bata pa ako.
And when I was a teenager way back then, I fell inlove with a guy.
Nung una masaya, masarap sa feeling.
Akala ko pa nga nun na kung sino yung una mong mamahalin ay siya na rin yung mapapakasalan mo balang araw pero hindi pala, hindi siya totoo.
I fell inlove when I was 15 and broken when I was 16.
My first love left me at that time, sabagay bata parin kasi kami nun hindi pa uso yung mga seryosong bagay.---
Fast forward,
I fell inlove again, my age at that time was 16. Yes, kebago-bago ko pa lang na broke nun tapos nafall na naman, wala eh. Alam niyo na pag teenager mabilis mainlove.
I met this guy when I was 16, 4th year highschool ako. Same age kaming dalawa pero we don't have the same school. Nagkakilala lang kami nun through text and I don't even know where did he get my number.
As the days passed by nagkamabutihan kaming dalawa hanggang sa nagkakaibigan.Tulad ng dati may asaran, may away, may tampuhan pero nauuwi lang din naman sa lambingan.
I also thought that he'll gonna be my last pero...
Iniwan parin ako, Oo bata pa ako that time pero nasaktan ako.
Isang taon kaming nagmamahalan pero nagkahiwalay parin kaming dalawa.
Tadhana nga naman, masyadong mapaglaro.I met him when I was 16 and he left me when I was 17.
---
As the years passed by may nakilala na naman ako pero hindi na toh puppy love.
I was 20 at that time, mula nung nagkahiwalay kami nung 2nd lover ko ay di na muna ako nagmahal ulit. I focused on the other things until I met this guy.As usual, masayang kasama..
Medyo topakin kaya madalas kaming nag aaway at isa pa, topakin din ako at mataas ang pride.
Hindi kami nagtagal, hanggang 2 months lang kami.
Nakita ko siyang may kasamang iba at yun ay ipinakilala nya sa kanyang mga kaibigan na girlfriend niya. I was so stupid to believe in his lies, I thought I were just the only one in his life.Pagkatapos nun nawalan na ako ng ganang magmahal ulet, hindi na ako naniniwala sa love, hindi na ako nagpapaloko.
Hindi na rin ako nakikipag usap sa mga lalaki kahit na gusto nila akong kausapin.
May ilang nanligaw pero I rejected it, sapat nang nagmahal ako for the 3rd time mahirap na kasing maniwala eh.---
After 3 years,
I was busy scrolling at my newsfeed until someone popped out in my friend request but I ignore it.
Yes, 3 years na ang nakalipas pero wala parin akong pakialam sa mga lalaki.Pero out of curiosity, inistalk ko kung sino yung nag add sakin. Siya si "Walter Dizon" he's familiar to me that's why I confirmed his request.
Later on that day,
May biglang nag chat at si walter nga, sabi na e kilala ko nga siya pero sa mukha lang pero yung pangalan nya bago ko lang din nalaman.
Him: Hi
Nagdadalawang isip akong replyan sya kasi baka maya't maya pinagtitripan lang ako neto.
Me: Hello
Him: Yeeiih sana all pinapansin
Ang sama ko naman siguro noh kung di ko sya papansinin, sadyang ramdam ko lang talaga na mabait sya kaya ko sya pinapansin.
Me: Oh bakit?
Him: Wala lang, masaya lang ako kase pinapansin mo'ko.
I caught myself smiling after that, hindi ko alam kung bakit.
Our conversation went well at that time, masaya siya kausap tapos ang kulit din.
Magkasundo kaming dalawa, marami kaming napag uusapan.---
Fast forward,
Almost 2 months na kaming laging nagchachat ni walter and yes nililigawan niya na ako pero di ko pa sya sinasagot.
May halong takot akong nararamdaman kasi paano kung maiiwanan na naman ulet ako, sasaktan, gagawing pangalawa.
Nakakapagod masaktan.Naalala ko pa nga nun may sinabi si walter sakin.
"You have to trust on love again, kase di ka naman masasaktan kung di ka nagmamahal. Trust me, mamahalin kita dahil mahal kita, aalagaan kita hangga't kaya ko basta maniwala ka lang."
Muntik na akong maniwala sa linya niyang yan, konting konti nalang mapapaniwala nya na ako.
Yes, mabait si walter. He's caring and lovable. Lagi nya akong kinakamusta, chinicheer nya ako sa t'wing may problema ako.
---
Fast forward ulit
Lumipas ang dalawang buwan at dinala ako ni walter sa isang cafe, naisipan ko na rin na sagutin sya malay natin siya na nga ang para sakin.
Habang umiinom kami ng kape ni walter, kinausap ko sya.
"Uhm, walter?"
"Yes faith?" ibinaba nya ang cup nya saka ako tiningnan sa aking mga mata.
"Oo" sagot ko at bigla syang nagtaka.
"Anong oo faith?" tanong nya sakin
"Oo, sabi ko walter oo" nalilito parin sya kung ano yung pinagsasabi ko.
"Di kita maintindihan faith, spill it"
"Uhm, Oo walter. Tayo na, official na" yumuko ako pagkatapos kong sabihin yun.
Nakita ko sa mga mata ni walter ang saya, bigla syang tumayo at kinuha nya ang aking mga kamay hinalikan rin nya ang mga ito at pati na rin ang aking noo.
"Salamat faith! Sobrang saya ko dahil tayo na"
I smiled upon hearing those words coming from him.
Day by day, we fell inlove with each other.
Minsan may tampuhan rin kaming dalawa at hindi kami natutulog kung hindi kami nagkakaayos.
Nakikita pa nga ng ilang kaibigan namin na almost perfect yung relationship naming dalawa.
Yung iba pa nga napagkamalan pa kaming magkapatid kase nga daw magkamukha kami.Sa loob ng isang taon na pagsasama namin ni walter, walang nagbago.
Mahal talaga namin ang isa't isa, may isang beses na muntikan kaming maghiwalay dahil di na namin maintindihan ang isa't isa pero di kami bumitaw.
Marami akong natutunan sa relasyon na meron kaming dalawa at yun ang dahilan kung bakit ko pa sya minahal ng lubusan.
Not all relationships are perfect, kung may sira, ayusin h'wag tapusin.---
(Present time)Its been 10 years since we met, and now I am here in the aisle walking slowly.
I can't believe that it is already happening, my dream wedding with my dream man.I thanked God for giving walter into my life, nang dahil sa kanya ibinalik nya ako sa mundo ng pag-ibig.
Pinaniwala nya ako sa pagmamahal, at ng dahil sa kanya kami ay nagtagal at umabot sa kasal.Just like what I always believed,
Love comes at the right place to meet the right person at the right time.This is the story where I met the love of my life when I was 23.
The End.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryIba't-ibang characters Iba't-ibang stories. Love Friendship Family. Stories that inspired by people on earth.