Chapter 1

62 10 1
                                    

Madaling-madali na 'ko sa ginagawa ko. Paano na lang kapag na-late na naman ako? Tsk, malilintikan ako nito eh.

"Gabby, sige na. Umalis ka na at kami nang bahala dito." Mabuti pa nga. Nakakahiya na sa kanila dahil palagi na lang nila 'kong pinagtatakpan.

"Salamat. Sige, P're!" Ang bait-bait talaga nitong si Jeff. Kaya nga bestfriend ko 'tong tukmol na 'to eh.

"Sabihin mo lang kapag nagbugbugan kayo ng monggoloyd mong kapatid ah? Re-resbak kami, 'Tol." Hahaha. Isa pa 'tong si Allen. Palibhasa; mga bouncer sila dito sa Britania Resto-Bar.

Oo, mga bouncer sila pero kinukuha nila yung trabaho ko. Nagpapaka-janitor sila kapag kailangan ko nang umalis.

Tumango na lang ako kay Allen at pumunta na sa parking lot para kuhanin ang bisikleta ko. Ayoko kasi ng motor; magastos sa gasolina.

"Saan tayo ngayon?" Tanong ko sa isa kong katrabaho. Nasa Ice Plant naman ako ngayon; magde-deliver kami ng yelo.

"Ewan ko. Sa 7-Eleven daw ng Marikina eh." Marikina? Isang oras ang byahe papunta dun ah? Papasok pa sa eskwelahan ang mga kapatid ko; aabot naman siguro 'ko.

Aaminin kong nahihirapan ako sa pagbubuhat ng yelo; pero kailangang-kailangan ko kasi ng pera.

Matapos naming ihatid ang mga yelo; binigyan na kami ng amo namin ng tig-1500 pesos. 30 na kasi ngayon kaya araw na ng sahod.

Binilang ko muna yung mga nakuha kong pera kanina sa mga trabaho ko bago ako umuwi.

Mang Inasal (Waiter) - 1000 lang dahil hindi naman ako nagkakapag-trabaho ng 6 to 8 hours doon.

Britania Resto-Bar (Janitor) - 3500 naman ang nakuha ko. Oh huh? Hehehe, close ko kasi si Boss Toni kaya may dagdag.

J & J Ice Plant (Delivery Boy) - 1500 ang buwanan ko dyan at hindi kinsenas pero, okay lang.

So, 1000 + 3500 + 1500 = 6000. Pwede na!

"Bakit ba ang tagal mong dumating? Gusto mo na naman bang makatikim ng sapok? Ano? Nasan na ang ulam?" Nakakabanas! Yung feeling na pagod ako galing sa trabaho tapos ganito pa ang ibubungad sa'kin ng Kuya kong wala namang ibang ginawa kung hindi ang makipag-laklakan dyan sa kanto.

"Heto." Hindi kamahalan ang binili ko kaya paniguradong magagalit na naman yan.

*Slap*

"Tang-ina! Gab, anong gagawin ko dito sa pansit? Ulam ba 'to?" Nakakapagod na. Nakakapagod nang magtiis sa mga pananakit ni Kuya Gerald.

"Ano? Umaangal ka? Bakit hindi ka magtrabaho at bumuli ka ng masarap na ulam mo? Hindi mo ba naiisip na kailangan nating mag-tipid? Kuya naman!" Nakakabwiset na ang kainitan nya ng ulo!

Secret, No Clue!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon