Chapter 2

33 2 0
                                    

"Boss Toni, bakit nyo po ako ipinatawag?" Ano kayang kailangan nito?

"Favor lang sana." Favor, hindi ko yan matatanggihan. Kahit ano!

"Ano po ba yon?" Sana, may kasamang raket. Hehehe.

"Pwede bang ilabas mo muna yung totoong ikaw-" Anooo? Matagal ko nang nakalimutan yon. "I mean; temporary lang naman. For 2 to 3 weeks lang dahil kailangan talaga ng bestfriend ko. Sige na, Gabriella."

Sa lahat kasi ng in-applyan ko; dito ako nabuko. Nalaman agad ni Boss Toni na hindi ako tunay na lalaki dahil nagpanggap lang ako; yung tipong mas lalaki pa 'ko kaysa sa mga kaibigan ko.

Kinailangan kong gawin yon para mapakain ang mga kapatid ko dahil ayaw namang mag-trabaho ni Kuya Gerald.

"Sige, sige. Dapat may bayad yan ah? Eh ano bang gagawin ko?" Naalala ko lang, kailangan pala ni Gini ng pang-tuition nya sa susunod na buwan.

"Really? Thank you so much, Gabriella. Oo naman; bibigyan ka nya ng 300,000 pesos kapag nagawa mo ang gusto nyang ipagawa sa'yo." Ang gulo naman nitong kausap. Kung 300,000 pesos yon; pwede na!

"Eh ano nga pong gagawin ko? Saka, 'wag mo 'kong tatawaging Gabriella dahil ang sama-samang pakinggan." Ang pangit! Tss, baduy kaya.

"Well... Hindi nya sinabi eh. Pero; ito yung calling card nya, kailangan ka na nya tomorrow kaya tawagan mo sya agad. Sabihin mo na ikaw yung friend na sinasabi ni Toni Marquez. Okay? Sige, I have to go." Ganon lang yon?

Meanwhile...

"Ate Gab, kailangan ko na po talagang bumili ng scientific calculator. Meron ka na po bang pera?" Nilapag ko muna yung bag ko bago ako umupo sa sofa.

"Eh Gina, manghiram ka na lang muna kay Ate Gini mo pero itanong mo muna kung gagamitin nya ba. Wala pa kasing pera si Ate eh, huh?" Naibili ko na kasi ng walong kilong bigas.

Tumango lang sya at umalis na. "Ibibili ka na lang ni Ate sa susunod na buwan!" Sigaw ko pa.

Parang ako na nga ang panganay sa pamilyang 'to eh. Imbis na si Kuya Gerald ang dapat na nag-aasikaso sa mga nakababata nyang kapatid; ako ang gumagawa.

Ang masaklap lang talaga para sa akin; masyado kaming marami. Si Kuya Gerald, ako, si Gini, si Gina, si Glenda at si Gerome. Lalo pa't pare-parehas na nag-aaral ang mga kapatid ko maliban sa akin at kay Kuya.

Mahirap kasing magpaaral ng dalawang college at dalawang high school. Maaga pa pero para na 'kong isang magulang na may sampung anak. Oo, sampu talaga dahil napaka-pasaway ni Kuya at dinaig pa sila Gerome. Ts-

09876543210 Calling...

Ay! Ano ba yan; nag-eemote pa 'ko dito eh.

"Hello? Sino po sila?"

["Is this Gabriella Samonte?"] So, lalaki pala yung caller.

"Yes, why? How can I help you?" Oh, ha? Marunong din ako mag-english kahit 1st year college lang ang narating ko noh?

["I'm Fred Zoldyck. Ako yung bestfriend ni Toni."] Zoldyck? Ang sosyal naman ng family name nitong lalaking 'to.

"Ah, yes."

["Gusto ko nasa Silva Inc. ka bukas ng 3:45 PM, sa office ko. Got it?"] Saan naman yon?

Toot... Toot... Toot...

Bastusan lang? Tss, kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera; hindi ko sya pupuntahan.

"Gini, saan ba yung Silva Inc. na yan?" Baka may alam 'tong kapatid ko.

"Waaaaaaaaaah! Natanggap ka bang employee doon, Ate? Yiiieee- Aray naman!" Talagang isa pang tili nya; hindi ko lang sya matutuktukan.

"Ano bang problema mo? Tinatanong ko lang kung saan yon." Tss, ka-badtrip!

"Sa Laguna yon, 'Te. Grabe, sikat kayang businessman yung humahawak nung kumpanyang yon. Palagi nga syang nasa Yahoo dahil gwapo pa- Aray! Masakit na ah?"

"Hala, sige na't mag-aral ka doon sa taas. Lalandi pa eh." Diyos ko po! Laguna? Ang layo!

Napaisip isip ako masyadong malayo ang laguna pero pag pera usapan go lang ng go.

"makatulog na nga maaga apa ako bukas."

Alas 2 palang gising na ako nagluto muna ako ng pagkain ng mga kapatid ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret, No Clue!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon