One

133 18 2
                                    

Important note:

Naka 3rd person's point of view po ito. Inuulit ko, 3RD PERSON'S POINT OF VIEW PO.

Hi sa mga nag babasa nito! J Alam kong biglaan ang pag release ng story ko na 'to. Pero sana suportahan niyo rin tulad ng pag suporta niyo sa iba kong story. So, yeah, alam ng karamihan ng mga nakaka-usap ko sa Facebook ay Vampire ang paborito kong Genre kaya nagulat sila kung bakit Zombie ito, haha! Kaloka sila. Pero serious talking, I'm trying this dahil gusto ko machallenge.

Kaway kaway sainyo diyan! Mahal kayo ng nanay ko, hahahaha! lol

One

Maagang nagising si Allyson sa araw na 'yon. Naramdaman niya ang pag-sikat ng araw. Tuwang tuwa siya nang masilip niya sa maliit na siwang ng makapal at pulang kurtina ng bintana ng kwarto niya ang sinag ng araw. It was Friday, last day this week sa eskwelahan. Kung ang mga normal na tao ay excited pumasok dahil pwede na silang magpakasaya ngayong malapit na ang weekend, pwes, hindi ganun si Allyson.

Aly likes spending her time out in the public. Sa ilalim ng sikat na sikat na araw. Kung ang karamihan sa atin ay ayaw na ayaw sa araw dahil mainit at nakakasunog ng balat, Aly always wished to feel the same way too. Pero gusto niya ang araw dahil ito ang nag bibigay buhay sa katawan niyang matagal ng patay.

Nang imulat ni Al yang mga mata niya, ramdam niya ang paninigas ng mga balat niya. Parang nababanat ito sa sobrang patay na. Tuwing hindi siya nasisinagan ng araw, kadalasan tuwing gabi, unti-unting namamatay ang body cells niya. Kaya nagiging resulta ito sa pag lagas ng kanyang mga buhok o kaya naman ay na da-dry ito. Ang kanyang mga balat naman ay nakakaroon ng crack sa iba't-ibang parte nga katawan; sa mukha, paa, braso, leeg o dibdib. Ang iba ay natuklap na kaya makikita mo na ang puti na puting laman nito.

Wala na siyang kahit na anong gumaganang organs. She's a living dead. A zombie. She was in this situation for over 10 years this month. Nasanay na siya sa takbo ng buhay niya na ganito.

Gigising siya na hirap kumilos. Bubuksan ang kurtina at bintana sa kanyang kwarto at ihaharap ang buong katawan sa tapat ng sumikat na araw. Naramdaman niya na unti-unting uminit ang katawan at mukha niya. Pinikit niya ang mga mata niya hanggang maramdaman niya iyon.

Naramdaman niya ang lumalabas na usok sa kanyang katawan. Unti-unting nawala ang crack ng kanyang mga balat tila nag gegenerate mula sa loob hanggang labas. Namula ito at nag mukhang buhay na. Normal na maputi ang kanyang balat. Ang mga balat niyang natuklap ay bumalik sa dati na para bang walang nangyari. Naging perpekto na ulit siya. Naramdaman niya ang mga ugat niya na gumalaw sa loob ng katawan niya. It was starting to get back life again. Unti-unting nawala ang sakit ng katawan niya.

Nag stretch siya ng balikat, leeg at mga tuhod niya bago siya humikab at nag mulat ng mata. Tumama ang liwanag ng araw sa kanyang tuyo na mata. Her eyes slowly looked alive and teary. Muling naging kulay tsokolate ang kanyang mga matang kulay itim kanina. Her cells started regenerating again inside her. Nararamdaman niya iyon lahat. Nararadaman niya ang mga nag babago sa labas at loob ng kanyang katawan.

Wala naman kasi siyang mararamdaman bukod doon. Hindi siya masasaktan kung sasaksakin mo siya. She won't feel any pain kung madadapa o madadaganan siya ng kahit na anong bagay. Ang tanging gumagana lang sakanya ay ang utak niya. Iyon nalang ang may silbi sa loob niya. Kaya ito, namumuhay siya bilang normal na estudyante.

"Aly!" Six-thirty ng umaga nang kumatok ang kanyang kakambal na si Andrei. Bakas sa boses nito na bagong gising siya at inaantok pa. "Six thirty na, bumangon ka na!"

Akala nito ay tulog pa si Aly pero ang totoo, she was fully awake. Ang buhok niya na kanina ay halos maagnas na at walang buhay at kulay ay ngayon kulot na muli at kumikinang ang brown na high lights nito sa ibabang bahagi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Zombie's Side StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon