4

13 0 0
                                    

[A/N: Rizell Ammber Martin on top!!! ^_^]

Aldale~

Monday na naman. TT.TT magkikita nanaman kami ni Kylzen. -_-

*1 Text Message Received*
Biglang nag beep ang phone ko at tinignan ko kung sino yung nag text.
Oh, it's emmie.

From: Emmie

[Hey Als, may meeting tayong student council, kasama si Zell. Don't be late! Hindi na kita susunduin, kaya mo na sarili mo :P you're a big girl na. Haha joke! Kbye.]

-_- may meeting nanaman. De joke! Ngayon na nga lang ulit nagka meeting eh. < (~.^) v

To: Emmie
[K. Ikr. Kfyn. Kbye.]

HAHAHA MAINIS KA BRUHHH!!! XD he hates it when i textback na puro "k" lang. HAHAHA

From: Emmie

[-_-]

Tsss. Non-sense textback naman neto. Maka ligo na nga..
*1 Text Message Received*

NANAMAN!?!? EMMIE TALAGA!! BABATUKAN KO 'TO PAG SYA NANAMAN YAN!

From: Unknown Number

[Good Morning, Sofiea! I'll pick you up. Be there in 5 mins. :) -Kyl]

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Whaaaat?!
Loading...
Loading...
Loading...
"Good Morning, Sofiea. I'll pick you up. Be there in 5 mins. -Kyl" bulong ko sa sarili.
WHAT!? SUSUNDUIN AKO NI KYLZEN!?!? Nang ma realize ko iyon ay agad akong tumakbo papunta sa banyo para maligo.

Hoo! Naka ligo na ako, wala man atang 3 minutes. Kung susunduin man nya ako-
"Ang tagal mo namang maligo, sofie." Sabi ng lalaking naka upo sa sofa ko. HUWAT!?!?!?
"Pano ka naka pasok!?!? Trespassing yan ah!!!" Sigaw ko.
"May binigay na spare key saakin si Emmie, para kahit may mangyari sayo mapapasukan ka namin." Sabi niya at pinakita ang spare key.
"P-papasukan nyo ko!? Bastos!!!!!-" sigaw ko at binatuhan ko sya ng throw pillow.
"Hey! Aray! Natatamaan si Chii, and it's not what you think, GREEN MINDED GIRL." Sabi niya at nag wink. Waaaahhhh nakakahiya!! Makuha ko na nga yung bag ko, pero pinigilan ako ng isa dyan -_- sino pa ba...
"Tara na, baka ma-late ka, all I know is meron kayong meeting." Sabi nya at kinuha ang bag ko. Pano nya nalaman?! Ahh, okay. Walang iba, sinabi ni Emmie yan, for sure. -_-
"No need, you BEAST! May sarili akong car." Sabi ko at inagaw ko yung bag ko sakanya.
"Talaga? Okay, sabi mo eh. Geh, mauna na ako." Sabi niya at iniwan nya na ako, tatawa-tawa pa ang loks. Grrr. Pumunta na ako sa car ko at ini-start pero, ughhh ayaw nya mag start! Kainis! At si kylzen ay paalis na. Tinry ko ulit i-start pero ayaw talaga, aarghhh, wala ng gas! Kainis!
Agad ko namang hinabol si Kylzen kasi kakaalis nya pa lang.
"Kyl! Kyl! KYYYYYLLLLL!!! I HATE YOU!!! YOU BEAST!! IDIOT!!!!!" Sigaw ko, pero hindi na talaga sya bumalik.
*Beep!*
Busina ng kotse sa likod ko, ay naka harang pala ako sa daan. Kahiya. O baka naman nagandahan lang sakin! BWAHAHAHHA!! >:3
*Bugsh*
Ay, kelan pa nagka wall sa gitna ng daan? Shemay. Tigas naman nun. Eh malamang semento!
"You okay?" Tanong ng wall sa daan. What the- ? Kelan pa nagsalita ang pader? Inangat ko ang ulo ko, ohmygulay!!! Takteeeee! Lalake! Gwapo! Naka aviators pa! Waaaaaaaahh! This can't be.
"Y-yeah" sabi ko at umiwas ng tingin sabay lakad palayo.
"A-aldale? Aldale, it's you!" Sabi niya, luh? Ganun ba ako ka-sikat at kilala nya talaga ako?
"Ah, he-he. Ye. Pano mo nalaman pangalan ko?" I Answered.
"Aldale, hindi mo na ba talaga ako matandaan?" Tanong neto. Tangeks ata 'to. Ngayon ko nga lang nakita ehh. And I shaked my head that means 'no' as an answer. Tinaas nito ang kanyang salamin- OHHH!!
Those hazel eyes! "It's me! Nath(neyth) Shi-an Yu. Also known as HAZEL." Sabi nito at nakangiting abot tenga. Cute!
"Nath?! Ohmygoooosh! Long time no see!" At napayakap ako sakanya, agad ko namang tinanggal.
"So.... Where's your destination? Sabay na tayo" anito.
"Ahh papasok na ako sa school eh. Sa MSU." Sabi ko.
"Wow! Loyal ka ah! Well, I have a good news. Doon na rin ako papasok ulit! Ngayon palang ako papasok. Tara sabay na tayo, parehas lang pala tayo ng destination, ahahaha" sabi nito at pumasok na kami sa car nya.

"So, kamusta na kayo ni Raizen? Still strong?" Tanong niya habang nag mamaneho.
"H-he's gone." Maikling sagot ko.
"Ah, sorry. Andito na pala tayo." Sabi niya at nag park na.

Pagka baba namin ay may biglang humatak sakin.
"Hoy! Bitawan mo ko!" Sigaw ko sakanya. Sino? Edi yung beast dyan na kj! Si KYLZEN!
"Sino sya? Boyfriend mo?" Tanong ni Nath arghhh ma-eskandaloso naman 'tong si Kyl! Pati ako dinadamay!
Sasagot na sana ako pero inunahan nya ako! "Oo, bakit? may angal ka?" Ohh nakakainis sya diba?
"Woah! Take it easy dude! I'm just asking" sabi ni Nath. Sasagot na sana ako pero inunahan nanaman ako.
"Tara na, Sof. FC ng isa dyan, maka dude. Tch." Sabi ni Kylzen at inakbayan ako, pero pasimple syang tinutulak tulak naman nya ako.

Bago ako iwanan ni Kyl sa SC(Student Council) Room ay kinausap ko muna sya.
"Why did you do that, Kylzen?" Seryosong tanong ko sakanya.
"Ah, bye Sofie. Baka hinihintay na kasi ako ni Den. Bibilan ko pa sya ng chocolates, sweet 'no?" Sagot nya at nag wink, at umalis. Kainis!
Bubuksan ko na sana yung pinto pero bigla itong nag bukas.
"Mygosh, Als! You're 15 minutes late!" Sabi ni Emmie at hinampas ang kamay nya sa ulo nya.
"Good Morning, too! Bestie! Ganyan ka na ba mag greet bestie?" I said in a sarcastic way.
"Hayst. Nevermind. Tara pasok na tayo, kanina ka pa namin hinihintay." Sabi niya at pumasok na kami.
"Hi Everyone! Sorry I'm late. Nasiraan kasi ako ng kotse and traffic." Sabi ko.
"Anyway, Ms. Tenaza, maupo ka na, so we can start." Sabi ni Ate Zell at nginitian nya ako.
"Pa-importante, tch." Narinig kong bulong nung babaeng inggit na inggit sakin.
"Oh, Ms. Reyes, i heard you said na maganda ako, thank you. And it was never new for me." Sabi ko, hahaha nainis ang inggiterang froglet! She just rolled her eyes. Me-deleng ke sene! Bwehehehehe!(Ma-duling ka sana! BWAHAHAHAHA). I'm so mean, sorry guys! Wahahahahahahahahaha!!!
"So guys, this December, bago ang christmas break nyo, naisipan ko na magkaroon ng play. I-aact nila yung 'Beauty & the Beast', you president ikaw ang mag aanounce sa play na yun, then vice president, president and the secretary kayo ang mamimili ng characters sa mga mag-aaudition sa kapwa nyo kaklase or sino pa man, and the rest kayo ang manghihikayat sa mga kaklase nyo or friends nyo na mag audition. Yun lang naman, I just want you to inform about the play, starting this day open na ang AVR para sa mga may gustong mag audition as Belle and the Beast." Sabi ni ate Zell. Ohh, that's a good idea, para naman hindi masyadong nalulunod yung mga estudyante sa academics. Simula kasi nung pinakilala namin si Kyl ay sobrang strict na ng mga professors namin sa academics, minsan bibigyan kami ng complicated na seatwork, minsan naman tatambakan kami ng assignments.
"That's a good idea, Ma'am." Pagsangayon ni Emmie, wuuuushuuu If I know meron lang syang hidden desire kay ate Zell. Nag post pa nga si Emmie ng picture ni ate Zell sa facebook eh.
"Okay you may all go now. Yun lang naman, thanks!" Sabi ni ate Zell at nagsi-tayuan na kami at lumabas na.

2 days later...

"Oh, wala pa rin ba kayong napili sa lahat ng nag audition?" Tanong ni ate Zell, andito kami ngayon sa AVR, ang dami ng nag audition pero hindi pumasa. Kaya umiling nalang kaming tatlo. President, me and sec.
"Aha! I have an idea! How about Nath? Sya nalang kaya si yung beast? Nag acting workshop yun dati, kasi nung bata pa kami lagi akong pumupunta sakanila pero nag woworkshop daw sya." Masayang sabi ni ate Zell. Hmm.. Pwede? Kakausapin nalang namin mamaya.
"Oo nga 'no! Pwede! Siya nalang, pero.. Sino ang gaganap bilang Belle?" Pag sang-ayon naman ni Emmie.
At sabay silang tumingin saakin.
"Ma'am Martin! Pres. Emm! Si Vice Pres nalang po kaya?" Ngingiti ngiting sabi ng secretary na kasama namin.
"No! Hindi ako magaling mag acting!" Sagot ko agad.
"Pero Als, marami ka ng utang ng loob samin, hindi naman sa hinihingan ka namin ng kapalit, pero gumanap ka lang na bilang si Belle ayus na saamin." Sabi ni Emmie, well tama sya. Pero... Argh, sige na nga.
"Okay, fine." Sagot ko na at nag yehey sila at nag high five silang tatlo.=_= parang bata lang.

~~~~~~~~~~~~~~

Hiiii! Don't forget to comment, vote and reccomend! Thanks sa support ng mga readers. Ahahaha!
Sana tuloy tuloy niyo lang basahin ang kwentong ito, yun lang sapat na. Hahaha.
Thanks uliiiiit!

makulit na author,
-@jnll_cx

Ms. AssumeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon