Chapter25:The wedding

3.4K 89 2
                                    

Ash

Nagising ako bigla ng may narinig akong tilian. Pag mulat ko ng mata ko , may mga hindi pamilyar na mukha ang nakita ko.

Napa bangon ako. Parang may mali. Parang humaba ata ang suot ko at bakit parang... Nag halong galit at hinanakit ang naramdaman ko. Naka tingin ako sa salamin, sa malaking salamin. Parang hindi ako,parang panaginip lang ang itsura ko.
Ito ang pangarap ng mga babae na Mai suot habang nag lalakad sa Altar.

Tama... Isang puting gown ang suot ko. Isang wedding gown. Napaiyak nanaman ako. Matigas talaga siya.

"Ma'am ok lang po ba kayo?"

Tanong sakin nong isang babae.
Tiningnan ko siya ng masama.

"Mukha ba akong 'ok'?. Huh!"

Sigaw ko habang umiiyak.. wala na kong takas. Makukulong na ko.

Ihate you dad. I hate you.

.....

Sa isang Crew-ship ginanap ang kasal. Naka tulala lang ako habang pinapaliwanag sakin ang dapat kong gawin. Ipinaliwanag din sakin ni Mommy ang lahat pero... ayoko parin. Galit ako sakanila.. galit ako kay dad. Mga wala silang kwenta.

"Tahan na sky"

Tiningnan ko si mommy na walang emosyon. Kasama namin yung mga Bridesmaid ko Daw.

"Remember this Mom... I hate you"

Tyaka tumayo palabas ng Cabin. Mag uumpisa na kasi.

Ang magaling ko daw na ama ang mag hahatid sakin sa altar.

Lahat na nag si pasok. Dumating si dad Inangkla ko yung braso ko sakanya. Wala akong imik at wala din emosyo na makikita sakin. Blangko ako, wala akong paki Kung biyernes santo ang mukha ko ngayon.

Nong makarating ako sa Groom , Na ang tingin ng lahat ay napaka pogi nito.

"Ingatan mo ang anak ko. Sky"

Hindi ko na siya pinansin. Bago pa siya makaalis.

"I hate you ,dad. Ikaw na ang pinaka malalang ama ang nakilala ko"

Sabi ko bago kami pumunta sa harap ng Pari.
Napaka raming tao, Mas marami pa to kesa kahapon , walang Press pero may mga armadong lalaki kahit saan ako tumingin.

Nag umpisa na ang seremonya. I do lang ako ng I do. At nong kung ano ano na ang sinabi ng pari ay hindi ko na maintindihan dahil sa Utak kong lumilipad.

Narinig ko na lang ang pari na sinabing pwede ng halikan ang bride.
Tinaas niya yung belo ko tiyaka ako hinalikan sa Pisnge. Nakaramdam naman ako ng kaunting kuryente sa ginawa niya.

Pag katapos nun. Nag punta na kami sa Reception ng kasal. Black and white ang kulay.

Maraming ginawa pero hindi ko napansin na mag hahagis na pala ako ng Bulaklak. Wala kong gana na inihagis yun. Ang nakasalo nun ay si Caryl. Ngayon ko lang nalaman na kapatid niya pala yung tarantado, kaya pala mag kahawig sila.

Sa groom naman ay yung garter na nasa hita ko.
Pinasok niya yung kamay sa loob ng Gown. Nangilabot naman ako sa naramdaman ko. Unti unti niyang binaba iyon. At inihagis. Hindi ko alam
Kung sino ang nakasalo.

Lutang ako buong party. Ngayon may asawa nako , ano na ang gagawin ko? Pwede naman akong bumalik sa gang kahit may asawa nako. Wala siyang paki sakin at wala din akong paki sakanya.

Napag planuhan na din
Pala nila kung saan Mag ha-honeymoon.

Sa Paris. Sa city of love . Pwede bang sa Saudi Na lang para City of War? Diba laging may away dun? O kaya sa Egypt na city of loneliness dahil puro buhangin lang ang makikita mo dun.

Pagkatapos na pagkatapos ng Party ay may lumapag na Private Plane sa Barko at dun kami sumakay. Walang imikan, tahimik lang kaya naka tulog agad ako.

Ms.Gangster vs Mr.MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon