Ivan's POV
"Gusto mo?" Eto na naman ang makulit kong katabi. Sinisira ang Echo diet ko. Skyflakes lang dapat ako eh. Ang isang 'to sobrang daming stocks ng pagkain. Takot yata magutom.
"Sige! Nag almusal ako eh." May pahawak hawak pa ako sa tiyan para maniwala siyang busog talaga ako.
"kay! Sabi mo eh. Alas nuwebe na oh. Siguradong tunaw na 'yong kinain mo." Pangiti ngiti pa siya habang sinasabi 'yon.
"Tss." Tanging sagot ko na lang. Mahirap na, baka bumigay ako. Kahinaan ko pa naman ang pagkain.
"Ayaw mo talaga? Ang sarap kaya nito. Eto na, hati na tayo." Pangungulit ulit ni Fridy.
"Haixt! Ayoko nga sabi." Papikon kong sagot para makumbinsi ko siyang ayaw ko talaga pero ang totoo...
"Wei! Sige na. Kunwari ka pa eh. Oh!" At inabot niya sa'kin ang buong Fudge. "Kalahati lang ha." Dagdag pa niya.
"Sinabi ng ayoko eh." Pero kinuha ko 'yong part ko. Grasya rin 'to. Masamang tanggihan.
"Wala ka talaga eh. In denial. Hahahah!" Halos mabulunan na siya kakatawa sa ginawa ko.
Ganyan 'yan. Ganito kami. Sa loob ng limang buwan naming pagiging seatmate ay gano'n lage ang eksena kapag nag aalok siya ng pagkain. Magbibigay siya, tatanggi ako, mang aasar siya and at the end, bibigay ako.
Nagseselos na nga sa'kin 'yong girl bestfriend niya na katabi rin niya dati. Di na kasi siya ang binibigyan ng pagkain nito ngayon. Mapili kasi sa pagkain ang dila ng isang 'to. Ako tuloy taga ubos o tagakain ng share niya. Kaya 'di siya tumataba eh. Ako, mukhang kailangan ko ng mag exercise. Di kasi uso diet nitong katabi ko.
"Wow! Ayaw daw eh parang isang kisapmata lang eh ubos na agad ang binigay ko sa'yo." Daldal talaga neto. Lahat pa pinupuna.
"Syempre lalaki ako. Ano pa aasahan mo?" Malamig kong sagot sa kanya.
"Ay ganun. Lalaki ka pala? Hihi!" Dinig kong bulong niya.
"Narinig ko 'yon. Gusto mo masamplean?" Alam kong matataranta siya pag 'yan na ang sasabihin ko.
"..." Hindi nagreact? Malingon nga.
Ayun! Tuloy sa trabaho. Aba! Marunong na! Dati nagwowalk out 'yan o kaya nagpapanic.
"Huy Fridy!"
"..." Ayaw pa rin. Siguro natatakot na 'to. Di lang pinapahalata.
"Fridy!"
"..." Sinusubukan talaga ako ng babaeng 'to.
"Fridy, huy! 'Pag ikaw di lumingon..." Ayan, lumingon din.
"Ay ako ba tinatawag mo? Akala ko may kausap ka sa phone." Haisht! Hindi pala talaga ako napansin.
"Bakit, may iba pa ba'ng Fridy rito?" Pikon na ako.
"Ahh. Fridy pala tawag mo sa'kin kaya 'di ko nagetz. Huy sir! Goldy Frie po ang pangalan ko at hindi Fridy." Siguro kung nakatayo 'to, nakapamewang na 'to.
"Tss. Pareho lang 'yon. Bagay din naman sa'yo kasi favorite day mo 'yon. Hahahah!" Maasar ka ngayon.
"Bakit ikaw, hindi? Mas favorite mo kaya 'yon." Parang bata niyang angal sa sinabi ko.
"Saturday po ang favorite ko at hindi Friday."
"Pareho lang 'yon! Sa Friday night, naeexcite ka na for Saturday kaya parehong araw na excited ka."