Flames 1

7 1 0
                                    


Frie's POV


"Nice moves, Fridy! Hahahah!" Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko. Slow mo kasi akong umaakyat kanina, at ngayon ay nakasilip sa pinto ng office namin.

"He! He! He!" Sarkastiko kong sagot sa nilalang na nasa likuran ko. "Will you stop calling me Fridy, Vanville. Oopz!" Ngiting aso ko siyang tiningnan.

"I won't if you'll call me with that name too." Seryoso ngunit mapang asar niyang sabi.

"Arrrg! Eh nasanay na akong 'yan ang itawag sayo." Parang nagmakakaawa ko pang sagot.

"So quits na tayo." Nakakaasar talaga 'tong Vanville na 'to.


Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na sa office. Patapos na kasi ang halos dalawang linggo ko nang tinatakasan, ang morning prayer. Uy, wag kayo. Mabait ako noh pero hindi ko pa kayang magpray sa maraming tao. Wala akong gift to bless them with my tongue. Team kasi namin ang nakaassign this month kaya iwas iwas muna. Kunwari late.


At 'yon nga po ang tinutukoy ng aking frienemy.


"Amen!" Nakisabay pa ako sa pag e-amen after ng prayer. Hindi naman nila alam na gano'n ang style ko di 'ba?


"Wow! Maka-amen wagas!" Dagdag panira ng araw na namang sabi ng aking dakilang katabi pagkaupong pagkaupo namin. Oo, you read it right. Katabi ko lang naman ang walanjong lalaking 'yon.

"Hmp! Paki mo. At least kasama ako sa prayer." Kunwari ay walang pakialam kong sabi.

"Parehong pareho talaga kayo ng style ni Aspire." At dahil do'n ay...

"Hoy Ivan Brent Maraville. Hindi kami pareho kasi ako, nakikipray pa ako. Eh siya?" And speaking of the maarteng nilalang na hindi ko alam kung bakit laging binabantayan galaw ko at halos maabo na ako sa mapang apoy niyang titig. Kakarating lang naman niya. Ang alam ko, halos sabay lang kaming nag in. Grabe, 20 minutes sa CR?

"Hahahah! Good morning Aspire!" Malambing niyang bati kay Aspili na nginitian naman siya with matching pacute pa.

"Patweetums!"

"Selosa!"

"Aba't!"

"Affected? May sinabi ba akong ikaw?"

"Sinong may sabing affected ako. 'Yong ipis po kasi, pumasok sa stapler ko. Heto nga oh." At ibinato ko sa table niya ang stapler ko na truelalo, may ipis. Hahah!

"Goldy Frie Purevir! Kadiri ka!" Diring diring sabi ni Ivan sabay bato pabalik ng stapler ko.

"Ang gay talaga ng mga reactions at expressions mo 'no. Ayaw mo pa talagang umamin na nagkakagusto ka sa kapwa mo lalaki. Hahahah!" Pailing iling ko pang sabi.

"Frie ha! I'm warning you." Mukhang galit na si Manong.

"Guilty!" Walk out na. Kunwari eh kumuha ako ng tubig ko. Mahirap na. Baka manakaw pa first kiss ko. Ahahahah!


Pagkabalik ko ay nginitian ko siya ng parang wala ng bukas.

"Ano'ng ngiti 'yan?" Asar pa rin.

"Peace offering?" at nagpeace sign pa ako.

"Psh! Kuha mo rin muna akong tubig." Mapagsamantala 'to ah.

Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon