TSWWRT

64 5 0
                                    

"Some people are hard to discourage"

"Then again," Jacob said thoughtfully, "sometimes persistence pays off."

"Most of the time it's just annoying, though"

-- Bella, New Moon, Chapter 19

Yeah, naka-relate ako kay Bella. Kayo ba, naka-experience na kayo ng ayaw kayo tantanan ng isang tao? Yung kahit anong klaseng pantataboy ang ginagawa mo, eh para siyang tukong nakakapit at lintang di matanggal ang pagkakadikit? Yung parang pusa na kahit anong gawin mong panliligaw eh, bumabalik pa rin? Yung hindi makukumpleto ang isang araw nang hindi ka maasar at makukulit? Aba ako? Mapupurga na ako sa taong yun.

Pero sinabi niyang mahal niya ako

at ang tanga ko

hindi dahil naniwala ako

kundi dahil nahulog na sa kanya ang damdamin ko.

---==-==-==-==-==-==-==-==-==-==---

NOTE: The CHARACTERS, SETTINGS, and EVENTS are FICTITIOUS. Any resemblance to PERSONS, PLACES, and HAPPENINGS are COINCIDENCE. Some NAMES used, though, were known to the author.
❤❤❤❤❤❤

"Hi Uncle! ^____^" bati ko pagkapasok ko sa Internet shop.

OK nice talking, happy listening! >__> Di ako pinansin. Paano ba naman eh nagdo-DotA. -_____-''

"WHOOOOOO!" yun hiyawan nila. Para lang mga tanga noh? Umagang umaga pa lang, yan na inaatupag ng mga boys dito sa shop. At wag na kayo magtaka kung bakit pati Uncle ko naglalaro kasi apat na taon lang ang tanda niya sa akin. Siya ang server dahil sa kanila ito.

"Kuya! Ayaw gumana ng mouse dito!" sigaw nung babaeng nag-rent.

"Ah-hoy! Kailangan ko ng item, bok! M, pakitulugan naman yung customer," utos ni Uncle. At dahil masunurin akong bata, sumunod ako. Tinry ko kung ano problema. In-adjust ko yung chord sa system unit pero ayaw pa rin. Kumuha naman ako ng bagong mouse sa cupboards sa may server at tinry isalpak sa likod ng system unit. Ang problema, hindi ko maabot. >___< Hindi lang mataas yung kinalalagyan ng system unit pero natatakot ako makuryente! Hehehe

May bigla namang humawak sa kamay ko at inagaw yung mouse.

"Ako na nga," sabi niya. Isinalpak niya tapos tinesting. Gumana naman. "Oh, ayan okay na miss," tugon niya sa customer at nginitian ako. "Good morning, Honeypie! ^____^"

Tumingin na lang ako sa ceiling without tilting my head tapos I gave him a half smile.

"Isang nakakamatay naman na ngiti diyan, pizzapie," request niya. Sheez! Kung nakakamatay nga lang ang ngiti ko, edi sana matagal ko nang binigay sayo para di mo ako binubwesit sa pagmumukha mo. >___

"Hoy Stick! Na-dead ka na!" sigaw ni Grandee.

"Kita mong dumadamoves pa ako sa Cherrypie ko eh! -_____-''"

"Maglaro ka na nga lang," pagtataboy ko sa kanya. Tinignan ko yung screen, "pine-firstblood na hero mo."

"Hayaan mo na. Ma-respawn din yan. ^___^ buti pa sa hero kong namatay concern ka, eh paano naman tong puso kong patay na patay sayo, Maria?" >////

"Yun oh! HAHAHAHA" sabay sabay yung mga naglalaro. Then Stick and Grandee fist each other. -_____-" Ibinalik niya ang tingin sa akin na ang lapad lapad ng ngiti. Hindi kaya mapunit bibig nito kakangisi?

"Sige lang titig ka lang, libre naman," sabay kindat pa ha?

"Lakas talaga ng tama mo eh noh?"

"Oo naman, sayo!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hi Crush! (One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon