Roses are Red

279 5 11
                                    


Roses are red

Violets are blue

May sekreto ako

I love you.

-Hi Crush! :)

Yan ang sinulat ko sa isang 1/8 piece of bondpaper. Ginandahan ko pa ang penmanship ko para naman hindi akalain ng crush ko na basura ito. Plano ko kasing i-insert ito sa notebook niya. Lame ba? Old school noh? Ang kulit kasi ng lahi nitong mga kaibigan ko. Sabi nila, astig daw. Sabi ko naman, hindi na uso ang loveletters. Pero at the end, nakumbinsi pa rin ako. Kaya para akong sira dito. Grabe! Kinakabahan talaga ako sa gagawin ko.

"Celine, bilis na," tulak sa akin ni Nova palapit sa upuan ng crush ko.

"Wag na lang kaya?" Atras ko.

"Ano ka ba? Pinag-usapan na natin to," halatang nakukulitan na sa akin itong kaibigan ko.

"Hoy! Dali na guys!" Mahinang sabi sa amin ni Julie na nagbabantay ng pinto.

"Bilis na," tulak ulit ni Nova pero nagpupumiglas ako. Tumigil siya sa pagtulak pero hawak niya pa rin ang dalawa kong braso. "Sige ano gusto mo? A. Ilalagay mo yang note sa notebook niya bago pa siya dumating, B. Hihintayin mo siyang dumating at personal mong ibibigay sa kanya, C. Gagawin mo ang A, at D. Gagawin mo ang B?"

"E. None of the above. Halika na."

"Arte neto!" Ayun. Nainis na si Nova. "Bahala ka nga dyan! Pag magsisi ka, wag kang lalapit sa akin ha?!"

"Oo na oo na. Eto na nga oh."

"Susunod din pala eh."

Hay. Eto na. -.-

Mag-isa akong lumapit sa upuan ni Edward. Nandun sa ibabaw ng armchair niya ang isang notebook. Alam ko namang kanya yun. Nakita kong nilagay niya yan sa upuan niya bago siya lumabas bago mag-recess. Ako, si Nova at Julie lang ang nasa classroom ngayon. Nasa canteen ang iba naming classmates. Ang iba naman nasa cashier nagbabayad kasi exams na bukas at sa makalawa. Ito lang ang pagkakataon ko para mapansin naman na ako ni Edward bago pa man mag-christmas party. Bago ko i-insert yung papel, hinalikan ko muna para pampa-goodluck. "Please. Please. Please." Kinakabahan ako nung nilagay ko na sa notebook niya. Sa first page ko nilagay para pagkabukas na pagkabukas niya ng notebook, yun ang agad niyang mababasa.

"Andito na siya!" Sabi ni Julie. Tumakbo ako agad sa upuan ko sa harapan. Si Edward kasi, doon ang permanent seat niya sa likod. Tinabihan naman ako ng mga kaibigan ko. Kunwari nagkukwentuhan kami.

Nagsipasukan yung ibang mga kaklase namin pero si Edward wala pa rin. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Pano nalang pala kung nahuli ako.

"Bawiin ko nalang kaya?" Tanong ko sa mga kaibigan ko. Tiningnan naman ako nila na parang nababaliw na ako.

"Sira ka ba? Andyan na yung mga classmates natin noh!" Saway ni Nova. Kahit kelan talaga ang tigas ng ulo nito.

"Eh kinakabahan ako. Nakakahiya."

"Ngayon ka pa mahihiya eh andun na. Atsaka it's about time naman ano," sabi naman ni Julie.

"Paano kung mabasa niya at... at malaman niyang... malaman niyang ako yun?!" Oh my God! My life is over!

Binatukan ako ni Nova. "Aray ko naman!"

"Nganga! Para saan pa yung paglagay mo ng sulat kung hindi niya malalaman na ikaw?!!" Sabi ni Julie. "Wag mong sabihing pangarap mong maging admirer niya forever and always."

Nilingon ko ang upuan ni Edward. "Hindi naman sa ganun." Pagtingin ko sa pintuan, bumungad na sa akin ang araw. Joke! Syempre si Edward! XD ❤

Kasama ng girlfriend niya. </3

Hi Crush! (One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon