*Leana's POV
Hay! Another araw para simulan ang buhay ko at paniniwala ko na walang FOREVER.
Una sa lahat magpapakilala po ako sa inyo. Hi! Ako si Maria Lea Patricialene S. Rodriguez , ako ay 4th year student sa Beverly High school. Scholar ako ng lugar namin kaya tawag nila sa akin (Scholar ng Bayan) Isa akong writer ng libro isang sikat na publishing company. At meron akong isang ay dalawa pala na salita na nakatatak sa isip ko hindi ako naniniwala sa FOREVER (Walang Forever) Mas lalong hindi ako naniniwala sa Happy Ending alam niyo, (syempre di niyo pa alam) Never akong maniniwala sa bagay na ganyan depende kung mangyari sa akin.
Siguro malas ako o sadyang yung ang binigay ni Papa God na rason para hindi ako maniwala sa FOREVER at HAPPY ENDING. Lahat ata ng kamag-anak at kadugo ko kung hindi mag-aasawa ulit,magdidisgrasya o di naman kaya mabubuntis, Kadalasan naghihiwalay. Katulad ko naghiwalay na ang totoo kong Tatay at Nanay. kasama ko ngayon ang Nanay ko at yung kinakasama niya. May anak sila at yung totoo kong tatay? Ayun may asawa na rin at may anak. Ako? Anak ako sa pagkadalaga ni mommy kase hindi naman sila Kasal ng tatay ko.
Nakikita ko ba ang tatay ko? Opo, nakikita ko siya. Hay! Siguro ganun talaga ang buhay hindi perpekto. Masakit isipin na sa murang edad ko eh kailangan kong magpakamature. Attitude ko? Masayahin akong bata. Period.
Kaya alam niyo mas pipiliin kong maging matandang dalaga kesa mag-asawa. Once na akong nainlove at dahil sa love na yun pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal basta basta. Pipiliin ko na yung taong mamahalin ako. Tsaka tuwang tuwa ako dati kapag nakakakita ako ng red balloons. Kasi yun yung last thing na binigay sa akin ni mommy at daddy nung sila pa.
Komplikado man ang buhay ko. Wala eh kailangan eh. Dati favorite kong pinapanuod ang love story ng mga princess at sinabi ko sa sarili ko na hahanapin ko din ang prince ko sa tamang panahon. Pero nagkamali ako akala ko siya na yung Prince charming ko pero hindi pala. Yung malaman mo na pinagpustahan ka lang? Sakit di ba?
Hindi ako yung taong lumalapit sa lalaki o nagpapacharm para lang mahalin nila. Simple lang naman ako eh.Ang mahalaga sa akin. Yung mabuhay ako at maging masaya.
"Patchot!!!!! Bumaba ka na dyan. Tumulong ka na sa Karinderya natin!! Bilis! Aalis kami ng Nanay mo. " kilala niyo kung sino yun? Yun yung pangatlo kong tatay. Buti pa nga sila eh. Happy Family. Nandyan si Mommy , yung asawa ni Mommy ngayon at yung anak nila. Ako? Wala ng natira sa akin eh.
Anyway, hindi ko naman kailangan malungkot. Basta nandyan si Papa God okay na. Hirap pala kapag ganun no? Anyway, suportadoako ng mommy ko kahit saan. Kahit pageant sinasalihan ko.
One time nga eh sumali ako sa pageant nung Grade 7 ako (Miss United Nations) Syempre excited ako kasi may extra curricular activity ako at ibig sabihin nun may dagdag grades.Since, U.N. yun sa Araling Panlipunan siya nakalagay. May +1 sa direct grade kapag nakapasok at kapag nanalo +3 direct sa card so, nakapasok ako sa Finals dahil pang first ako sa Semi-finals. Talent ko? marunong ako magballet at kumanta at nung Finals na ayun, gutom at pagod lang ang inabot ko dahil nadaya ako. Sabi sa akin ng staff pwede na daw akong umuwi at puro 4th year na lang daw ang pasok sa top 4 edi ako NGANGA at ayun. Inabot ako ng pangungutya ng mga kaklase ko at syempre ng asawa ng Mommy ko sabi niya sa akin wala daw pala akong sinabi. NapakaTANGA ko daw.
"Arayy! Ano ba yan Miss? Bulag ka ba?" sabi sa akin nung 2 chubby na babae nabunggo ko kasi sila.
"Nako, pasensya na po kayo. Sorry po talaga." sabi ko at nung pagtalikod ko isang lalaki , ayyy hindi ako nagkakamali siya si.....
Takkkkbooo! Taggoooooo!
Phillip Liance????!!!!!!
Author's Note
Hi guys :) Sorry super lame ng story . Promise ko sa inyo hinding hindi kayo magsisisisi sa pagbasa ng story na to. MagUD agad ako. Any suggestions and comments are accepted. Keep Voting. Kindly tweet me @CeFelimor for suggestions. Loveyaaaahh?! GodBless!
-Jheyshileen
