*Leana's POV
Sa lahat pa ng makikita ko eh yung ulitimate na crush ng bayan tsaka siya ang pinakahate ko sa lahat. Gwapo sana kaso mayabang, mayabang, mayabang nasabi ko na ba na mayabang siya? Hahahaha. Oo yun ang totoo eh. Gwapo rin siya may dimples basta gwapo. Hahahaha kaya nga lang yun nga mayabang.
"Sorry miss." sabi niya. No this can't be kailangan di niya ako makilala. Tumakbo ako pabalik sa loob ng bahay namin. Hay! Buti na lang talaga.
"Oh? Bat ka nandito Eana (Yana) di ba sabi ng Tatay mo magbantay ka ng karinderya? Bumalik ka na dun baka pagalitan ka pa." sabi sa akin ni Ate Lineth. Lumapit ako sa kanya at binulong ko at napasinghap siya.
"Talaga??!!" pagsisigurado niya sa akin. Ultimate crush siya ni Ate Lineth.
Nagnod lang ako sa kanya at kumaripas na siya ng takbo palabas sa bahy namin. Hay! Life talaga. Ako na lang lagi ang nagiging tulay :(
Umakyat ako sa kwarto ko tapos tiningnan ko isa-isa yung frames na may picture ko. Grabe ang bilis ng panahon. Dati baby pa lang ako ngayon ang laki ko na.
Napahinto ako sa nakita ko na picture yung lalaking yakap yakap ako si Iane (Iyan) yung kababatang bestfriend ko. Magkasama kami sa kalokohan at sa time na sobrang down namin.
