TheoPhilo Series 1 : Without You
TheoPhilo Story 1
May 22,2015
Twitter : @TheoPhiloWp
Facebook :http:// facebook.com/TheophiloWp
Prologue|Teaser
"Hello! Asan kana ba? ". Kausap ko sa kabilang linya habang hila-hila ko ang aming maleta.
"Malapit na Bee ! ". tugon nito
"Bilisan mo! " tugon ko rito habang pinupunasan ko ng pawis ang likod ng anak ko. Tagaktak na kasi ang pawis hindi pa naman ito sana'y sa mainit dahil hindi naman dito sa Pilipinas ito lumaki . Anim na taon na ang lumipas simula ng iwan ko ang Pilipinas at siya . limang taon na ang anak nami- no scratch that anak ko lang pala dahil tinanggal ko na siya sa buhay namin ng anak ko.
"Mom why you didn't tell me? Arrgh so hot !." nakasimangot na saad nito habang nakatingin sa akin. Magkamukha talaga sila pati pagsimangot andaya nga dahil ako naman ang naghirap magdala sa anak ko tas siya pa ang kamukha.
"Sorry baby I forgot." tugon ko rito at hinalikan ito sa pisnge.
"It's o-" naputol na saad nito dahil sa malakas na pagtawag sa akin . Agad naman kaming lumingon sa pinanggalingan ng malakas na pagtawag nito.
"BEE!!!" sigaw ni Lucas
"Tito Lucas!!" patakbong lumapit naman dito si Andrei.
"Andrei dahan-dahan!" paalala ko dito dahil kumaripas na ito ng takbo papunta sa tito Lucas nito.
Inayos ko na lamang ang aming mga gamit at naglakad na papunta sakanilang dalawa na abala sa pag-uusap. Bumaling naman sa akin ng tingin si Lucas at ginulo lamang ang buhok ko at kinuha na ang aming bagahe at nilagay sa likod ng kotse . Pumasok na lamang kami ni Andrei sa loob . Sa likod sumakay si Andrei habang sa harap naman ako sumakay . Ilang minuto lang sumunod na din si Lucas sa loob ng sasakyan at pinaandar na ang sasakyan.
'Tito Lucas ang init po pala dito." saad ni Andrei habang masayang nakasilip sa labas ng bintana.
"Mainit talaga dito kaya nga maitim yang mommy mo." tatawa-tawang saad ni Lucas habang mapang-asar na sumulyap sa akin. Inirapan ko na lamang siya dahil hindi naman talaga ako maitim.
"Kakain muna tayo bago tayo umuwi para diretso na kayong makatulog mamaya . Where do you want to eat Baby Andrei ?" tanong nito sa anak ko na abala sa pagtingin sa labas ng bintana.
"Tito Lucas ! Im not a baby anymore im already five years!."masungit na saad nito
"JOLLIBEE TITO LUCAS! " masayang tugon naman nito . Yun lang ata ang namana nito sa akin dahil mahilig talaga ako sa Jollibee.
Kakauwi lang namin galing sa Jollibee at si Andrei naman ay natutulog na dun sa kwarto para sa amin . Kay Lucas itong condo na ito at pinagamit na muna sa amin ni Andrei dahil wala namang nakatira dito at nasa bagong condo na niya siya tumutuloy malapit sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya .
"Bee aalis na ako ." paalam nito sakin at hinalikan ang noo ko .
"Sige salamat kuya sa pagsundo sa amin ." tugon ko rito.
"Hindi mo ba sasabihan kay Zaimon na andito kayong mag-ina sa Pilipinas ?" Tanong nito na nagpainit sa ulo ko.
"Bat pa kailangan niyang malaman na andito kami! Tapos na kung anong meron samin binigay ko na ang gusto niya ang iwanan ko siya sa taong mahal niya." mariing saad ko kay Lucas.
"Karapatan pa din niyang malaman na may anak siya sayo." saad nito sa malumanay na tono. "Pero kung yan ang gusto mo sige aalis na ako ."
"Salamat kuya." yakap ko sa kapatid ko dahil lagi siyang nasa tabi ko. Kambal kami pero mas nauna siya sa akin ng two minutes pero minsan ko lang siyang tawaging kuya.
"Sige aalis na ako." saad niya bago umalis.
Nagpunta naman ako sa kwarto namin ng anak ko at nakita siyang mahimbing na natutulog sa kama . Lumapit ako dito at pinagmasdan siya . Nakatutuwa na ang ulo niya ay wala na sa unan at ang paa niya ay kung saan-saan na nakararating .Napangiti na lamang akodahil sa likod nitong matulog at tulog mantika pa ito pero kapag kayakap ko ito hindi naman ito malikot matulog dahil siguro alam niyang nasa tabi niya ako. Masasabing kamukha nga siya ng ama niya dahil para itong batang version niya. "Masaya na kaya siya ?" Ang matagal ng tanong sa isip ko . Siguro masaya na siya dahil kasama na niya ng taong mahal niya na higit na mas mahalaga pa kesa sa amin ng anak niya. Napapikit ako at inalala ang nakaraan..
Ipagpapatuloy...

BINABASA MO ANG
Without You
Lãng mạnSi Briana ay minsan ng umibig sa lalaking si Zaimon Montenegro na walang ibang mahal kundi ang mahal din nitong si Yna Sermento . Dahil sa mapaglarong tadhana si Briana ay nakasal kay Zaimon ang mahal nito simula ng pagkabata nila ngunit dahil din s...