Without You : Kabanata 2

4 0 0
                                    

Without You : Kabanata 2 



Kabanata 2 - Hindi Inaasahang Pagkikita





"Mom bat ba tayo umalis duon agad wala pa nga tayong nabibili tas naiwan pa natin yung robot ko mom! " nakasimangot na saad nito habang nakaupo at nakatingin sa mga batang naglalaro duon sa playground .


"Baby kasi naisip ni mama na maganda dito sa park tsaka mahangin pa." kunwaring palusot ko dito dahil hindi pa ako handang makita ipaalam sakanya na may anak kami . Tumayo ako at bumili na lamang ng dirty ice cream na itinitinda. Pag-balik ko naman duon ay malungkot na nakatitig si Andrei sa isang pamilya duon na masayang  kumakan sa damuhan . Lumapit na lamang ako sakanya at inabot ang binili kong ice cream sakanya . 


"Mom where's my Daddy?" malungkot na tanong nito sa akin . 


"He's in far far away baby ! Far away from us because he have a work there he want us to leave him there kasi nakakapagod daw dun ayaw niyang magkaroon tayo ng wrinkles sa noo kakaisip ng mga nakakapagod na bagay dun."  nakangiting saad ko sakanya habang hinahawakan ko ang noo niya at pagkatapos kong hawakan ang noo niya ay saka ko naman siya niyakap ng mahigpit.


"Mom I can't breath ! " natatawang saad nito . 


"Sorry baby! " natatawang tugon ko rin dito at ginulo na lamang ang kanyang buhok at masayang nanuod sa mga naglalarong bata. 


"Mom ang bait naman ni Daddy kasi ayaw niya tayong magkaroon ng wrinkles dito " turo nito sa noo niya . Nagulat naman ako sa biglang sinabi nito . Minsan nga napapaisip ako kung ilang taon na ba itong si Andrei kasi parang matanda itong mag-isip di kaya matanda na to yung katulad sa palabas yung Orphan yung bata dun nagpapanggap na bata yun pala matanda na talaga . Napatigil naman ako sa mga iniisip ko ng marinig ko ang tawag ni Andrei. 


"Mom!!!Halika na." nakita ko duon si Lucas na hawak-hawak ang kamay ng anak ko habang pasakay na sila sa sasakyan nito . Ang lalim siguro ng iniisip ko at naisip ko pa yun sa anak ko. Tumayo na lamang ako at inayos ang gamit ko. Napangiti na lang ako naaabnormal na naman ako .


 Lumapit naman ako duon at sinalubong ako ni Lucas at hinalikan ang noo ko at binuksan ang pinto sa likurang bahagi ng sasakyan . Duon ko lang napagtanto na may kasama pala itong si Lucas . Pumasok na lamang ako at nakita kong nahihiyang nakangiti sa akin ang kasama ni Lucas kung hindi ako nagkakamali eto yung girlfriend ng Kuya Lucas ko. Ngumiti lamang din ako sakanya at inabot ko ang aking kamay sakanya at nagpakilala.


"Hi Im Briana Sermento and this is my son Andrei Sermento " nakangiti kong saad sakanya at itinuro si Andrei . " You are ?" balik na tanong ko dito .


"Im Shanna kai- " Nahihiyang saad nito at inabot ang kamay ko ngunit agad din iyong naputol ng biglang magsalita si Lucas na nakapasok na pala .


"Bree,She's Shanna and she's my girlfriend ! " saad nito at ini-start na ang sasakyan paalis.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon