Without You : Kabanata 1
Kabanata 1 - Past
Kanina pa ako naghihintay kay Zaimon dito sa sala mag-aala-una na wala parin siya . Napatingin ako sa kusina . Nagluto pa naman ako para sa amin akala ko kasi uuwi siya ng maaga dahil ang tapos niya sa trabaho niya ay ala-sais ng hapon. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking yun . Napatingin na lamang ako sa aking cellphone at tinignan ang huli kong text sakanya .
To : Yeobo :)
Hi Zaimon ! Go home early please . I prefer dinner for us ! I love you :*
Message Sent : 4:59 PM
Napangiti na lamang ako sa huli kong text sakanya. At pumunta sa kusina upang kumain . Matapos kong kumain inilagay ko sa ref ang mga natirang pagkain at hinugasan ang mga pinagkainan ko. Paakyat na ako sa aking kwarto ng marinig ko ang pagbusina sa labas ng bahay. Dali-dali naman akong lumabas duon upang salubungin si Zaimon na paika-ika kung maglakad sa ayos pa lamang nito ay alam kong lasing ito. Mabilis akong lumapit sakanya at inalalayan siya sa pagpasok sa loob ngunit itinulak ako nito dahilan upang matumba ako sa sahig . May natamaan ata akong matulis na bagay at sumakit ang katawan ko ngunit agad akong tumayo ng makitang muntikan ng matumba dahil sa kalasingan niya . Inalalayan ko siyang umakyat sa hagdan patungo sa kwarto niya at mabilis ko siyang hiniga sa higaan niya. Nagtungo ako sa banyo ng kanyang kuwarto at kumuha ng planggana at bimpo upang punasan siya . Pagkatapos kong kumuha ay lumabas na ako sa banyo at nagtungo sakanya upang siya ay malinisan na . Tinanggal ko muna ang sapatos niya at medyas bago punasan si Zaimon. Unti-unti kong tinanggal ang butones ng polo niya ngunit nagulat ako ng may pumigil sa kamay ko sa pagtanggal nito . Napatingin na lamang ako sa sa mukha niya . Napangiti naman ako ng malungkot pagkakita sa mukha niyang napakaamo ngunit kabaligtaran naman ito kung gising siya . Natigilan ako ng ngumiti ito sa akin at hinila ang mukha ko palapit sa mukha niya at hinalikan ako ngunit naputol ito ng magsalita siya .
"Yna!" usal nito.
Katulad kanina napangiti na lamang ako ng malungkot dahil sa siya parin ang babaeng mahal nito ang laman ng puso at isip nito. Ipinagpatuloy ko na lamang ang paglilinis sakanya at pinunasan ang luha na pumatak sa mata ko at pinalitan siya ng sando . Matapos ko siyang linisan ay inayos ko na ang ginamit ko at lumabas na ng kwarto niya at nagtungo na sa aking kwarto.
Nagising na lamang ako sa marahang pagyugyog sa aking balikat at pagkamulat ko ng aking mata mukha agad ni Andrei ang sumalubong sa akin.
"Mom, Im hungry na! ." nakangusong saad nito . Tumingin ako sa orasan at tinignan kung anong oras na.Nagulat na lamang ako ng makitang alas-diyes na pala ng umaga napasarap ata ang tulog ko dahil na rin sa pagod sa biyahe kahapon.
"Ok baby go to sala na and wait for me ." malambing kong saad dito at nagpatuloy na ito sa paglabas sa kwarto.
"Mom what is this?" turo nito sa niluto ko . Napatawa naman ako kasi may nakita akong daing sa ref ni Lucas ewan ko kung sakanya yun basta nandun sa loob . Niluto ko na lang dahil sayang ang magtapon ng pagkain.
"Daing yan baby ! " masayang tugon ko rito dahil talaga namang inaamoy niya pa iyon at binubusising maigi.
"What's daing mom? " naguguluhang tugon nito.
"Isda yan baby na pinatuyo sa araw tas nilagyan ng asin masarap yan Drei ." masayang tugon ko rito at hinimayan na siya. Pinapakain talaga kami ni mama ng mga ganyang pagkain dahil laki siya sa hirap . Malungkot na napangiti naman ako ng maalala ko si mama .
"Mom why are you crying?" alalang tanong saakin ng anak ko. Agad ko namang pinunasan ang luha sa mata ko hindi ko alam na lumuluha na pala ako sa pag-alaala sakanya.
"Napuwing lang si mommy baby." Nagtataka ba kayo bakit saakin hindi nagagalit si Andrei pagtinatawag ko siyang baby kasi siya lang daw ang baby ko malungkot naman akong napangiti dahil sa salitang 'siya lang naman ang baby ko.' .
"Andrei finish your food then and follow me in our room ha baby!" malambing kong saad sakanya at nagpatuloy nasa aming kwarto upang ayusin ang mga gamit namin sa aparador. Dito muna kami titira pansamantala .
"Mom,Look!" turo nito sa robot na nakadisplay sa labas ng stall at hinila ako papasok dun . Nandito kasi kami sa SM para makapasyal naman din itong si Andrei dito .
"Mom I want that!." masayang saad nito habang kinukuha na ng saleslady ang laruang itinuro niya . Ipinaiwan muna namin duon ang laruang itinuro ni Andrei napadpad naman kami sa mga laruang pambabae napangiti naman ako ng makakita ako ng mga manyika . Hinawakan ko ito at napaisip na sana nakahawak man l— .
"LANCE!!!!" Napatigil naman ako sa naiisip ko ng makitang may batang lalaking mabilis na tumatakbo at kasunod nuon ay ang tumatawag at humahabol dito. Nagulat naman ako ng makilala ang bulto ng lalaking matagal ko ng hindi nakikita sa loob ng anim na taong pag-alis ko dito .
_______
Ipagpapatuloy ...
P.S Enjoy? Haha! Btw Thank you sa nagbasa and sa magbabasa ;)
Add me on facebook: TheoPhiloWp

BINABASA MO ANG
Without You
RomantikaSi Briana ay minsan ng umibig sa lalaking si Zaimon Montenegro na walang ibang mahal kundi ang mahal din nitong si Yna Sermento . Dahil sa mapaglarong tadhana si Briana ay nakasal kay Zaimon ang mahal nito simula ng pagkabata nila ngunit dahil din s...