CHAPTER 9: SWEET SMILE

3 0 0
                                    


Reanne's POV


Andito kami ngayon sa rooftop.. Sa isang mala'paraisong hardin na kung saan 

nakatira ang isang Tokwang Hudas.. in short "Maputing Demonyo" >_<



"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya habang hawak-hawak parin niya ang braso ko.. Ang sakit kaya.. medyo namumula na nga yung braso ko eh :/



"MAG-UUSAP!" inirapan lang niya ako tapos nagpatuloy sa paglalakad patungo sa isang bench..



"Umupo ka" paguutos niya sakin..



"Ayoko nga!"



"Umupo ka sabi!"



Ayoko nga.. hmp Tinalikuran kulang siya...



"Oh sige tumayo ka magdamag diyan. U'upo lang ako!"



Agad naman akong nairita sa sinabi niya.. ANo?! Ako? Ta'tayo MAGDAMAG?!

Tiningnan ko siya ng masama >_< Akala mo kung sino!! Argghh!!



"Oh Bakit? Diba sabi mo ayaw mong umupo.. Edi sige pagbibigyan kita."



Aba talaga tong lalakeng to! Wala sa Vocabulary ang word na GENTLEMAN! >_<



"Pwes! Nagbago na ang isip ko"



Uupo na sana ako nang bigla niya akong pinigilan.. Aysh!



"Ooopss! Teka lang.. Walang bawi'an.. Hindi ka pwedeng umupo."



"Aba! Anong akala mo sakin?! Pwede maging estatwa sa harapan mo na hindi napapagod sa katatayo?!" sumusobra na siya ah.. matapos niya akong gawing stroller bag sa pagkakaladkad sakin papunta dito tapos ngayon gagawin niya akong estatwa?! Aba hindi ako papayag noh!



"Eh kanina pinapa'upo kita, ayaw mo! Tapos ngayon mag-iinarte ka!"



Kasi naman ayaw kong makatabi ang isang TOKWANG HUDAS na katulad mo.. Pweh!

BROKEN DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon