*/FUNFICTION
After Con - December 18, 2022 - 11:45pm
Alexa: Hi Josh! Kamusta na. Asan ka?
Josh: Oy, thankyou haha. Mga 1am pa kami makakapunta sa hotel. May mga papers pa kami na need pirmahan and nag aaya si Direk ng post-event party.
Alexa: A ganon ba? Enjoy ka, deserve nyo yan dahil sobrang successful ng homecoming concert nyo. Congrats🔥
Josh: Wait! Pano mo nalaman? Nanuod ka ba?
Alexa: Oops. Secret!
Josh: Luh? Ung totoo? Bakit hindi mo sinabi? Naipag reserve sana kita ng magandang spot. San ka don? Bakit hindi kita napansin?
Alexa: Ok lang yan, gusto ko rin naman makihalo sa crowd para maramdaman kung gano nila kamahal ang group nyo.
Josh: Buti hindi ka nasaktan at napagod. Saan ka ba kasi naka pwesto?
Alexa: Malayo sayo para hindi mo ko kita. Sinadya ko un, para atleast naka focus ka sa role mo. Baka kasi ma distract ka pag nakita mo ko.
Josh: Hala, baliw ka ba? kelanman hindi ka magiging distraction sakin.
Alexa: I'm so proud of you Josh! Grabe ibang iba ka na sa dating Josh na nakilala ko. Laki na ng improvement mo. Dati magkakalaro lang tayo sa tabing kalsada, ngayon sobrang sikat mo na.
Josh: Well, thanks to you Alexa kasi isa ka sa dahilan kung bakit nagkaron ako ng self confidence at kung bakit ako nandito ako ngayon.
Alexa: Hahaha ikaw talaga apaka humble mo.
Josh: Nagsasabi lang ng totoo! Really appreciate you a lot. Sana magkita tayo bago ka pa umalis ng Manila.
Alexa: Wag ka mag-alala, kahit hindi mo ko nakikita. Andito lang ako nakasubaybay sayo. Present ako lagi sa lahat ng events nyo. Lagi lang akong nakatanaw sayo / sa inyo. Ikamusta mo na lang ako sa banda.
Josh: Huy! Grabe naman. Nakakatampo to, magpakita ka na kasi sa amin. Kahit saakin na lang, promise walang lalabas na pictures or video or kahit anong proof na magkasama tayo! Walang bashers at paparazzi.
Alexa: Wag na muna, satisfied naman na ko sa nakikita ko kayong successful kahit sa malayong distansya ko sa inyo.
Josh: Alexaaa kasi! Miss na kita. I mean, miss ka na ng banda. Sana maka-jam ka namin kahit isang saglit pa.
Alexa: hahaha. Darating din tayo jan, pero hindi muna ngayon. Mag-ingat kayo at magpahinga. Ikamusta mo ko sa tropa! 🥰
*to be continue..