*/ Alexa is a very sweet and cute little girl pa nung huling nakita nila Josh, Ken, at Jah.
Grade 6 - 10 years old lang si Alexa non at turning 19 years old naman si Josh. 18 si Pablo at 17 si Stell. Habang si Ken naman ay 16 years old at si Jah na 14 years old ng huli silang magkita kita. Since bata ay magkakasama silang lumaki until one day, nagkahiwa-hiwalay ang landas nila. Napunta sa Imus si Josh at Pablo. Habang si Stell naman ay sa Las Piñas. Si Ken ay dinala sa Zamboanga. Si Jah ay nasa Manila pero madalas umuwi sa province nila sa Laguna kaya tuwing summer nagkakaron pa rin sila ng bonding ng batang si Alexa.
Malikot ang imahinasyon ng batang si Alexa dahil hindi sya nasubaybayan ng kanyang mga magulang habang lumalaki ito. Mag-isa sya sa kanilang bahay at tanging mga kaibigan ang nakakasama. Ang mahalima ang naging mga malalapit nyang kaibigan dahil family friends ang mga parents nila at magkaka-partners sa iba't-ibang small business sa probinsya.
Natuwa ang batang si Alexa dahil pinangarap nya na magkaroon ng kuya. Si Josh ang pinakamatanda sa grupo at nagsisilbing knight in shining armor nya. Ito ang nag tatanggol sa kanya pag naapi sya. Si Ken naman ang Kuya na iniiyakan nya dahil bine-baby sya nito tuwing tinotoyo sya. Si Stell ang favorite nya dahil ito ay napaka daldal at napaka palabiro at makulit na kuya. Si Pablo ang kuya na kinatatakutan nya dahil masungit ito at strict. Habang si Jah naman ang pinaka crush nya dahil ito ay napaka gwapo, tahimik lang ito at madalas ay napaka corny pa ng jokes nya kaya madalas mapag tripan ng grupo pero sobrang kinikilig si Alexa pagdating kay Jah.
Ngunit nagbago ang ihip ng hangin ng mag grade 6 na si Alexa. Biglaan na kinailangan ni Josh umalis at maghanap ng trabaho. Si Pablo naman ay kelangan ng sumama sa kanyang mga magulang dahil nakabili sila ng property sa Cavite. Si Stell ay ganun din kelangan nyang ituloy ang kanyang pag aaral sa paaralan sa Manila. Si Ken naman ay kinailangang bumalik muli sa Visayas para mag aral at samahan ang kanyang mga lolo at lola. Si Jah ay taga Manila naman talaga at umuuwi lamang pag bakasyon or summer.
Ang batang si Alexa ay laging nangungulila sa kanyang mga naituring ng kuya at pamilya. Pero 7yrs later muling mag-kkrus ang mga landas nila.
~ 3yrs ago, nagkita~kitang muli ang Mahalima at bumuo ng sarili nilang banda. Laking gulat ng batang si Alexa ng malaman na ito ay ang kanyang mga Kuya. Magkahalo na lungot at pagka-miss ang nararamdaman nya. Dati sya lang ang mahal ng mga ito ngunit ngayon ay halos hindi na sya kilala.