"Mavyyyyy" tawag sakin sa malayo.
"Oh? Makasigaw naman to Nakita mo nanaman crush mo no?" Sigaw ko kay Kim .
"Omg bes Ang talino mo talaga. Haha Grabe bes Dumaan sya sa harap ko tas tinitigan niya ko. kilig na kilig ako. " sagot naman ni Kim.
Ay oonga pala. Hii haha Ako si Mavy short for Vera Marie Hernandez . At sya? Sya naman Ang Bestfriend kong Kikay at kalog si Kimberly Anne Cortez. Incoming 3rd year college na kami . Ako kase ung tipo ng babaeng Di namamansin ng lalaki. Takot sa word na commitment. Di ako mahilig makipag tropa sa boys. Although may dalawa akong Kuya. And nasa states sila . Ako lang at si Yaya belle ang nakatira sa bahay . Sila mommy at daddy kase may business trip alam niyo naman mga parents puro work.
"Hay nako Kim. Di talaga ako magtataka kung dadating yung araw na Mabaliw ka saknya kase parang patay na patay ka talaga sakanyan eh . Haha" sabi ko kay kim .
" Alam mo nagtataka talaga ako eh. Bat di mo magustuhan si Jc magaling din naman sya sumayaw tulad mo tas Chinito pa. Di ko talaga magets swear.." Sabi ni kim.
Nakalimutan ko sabihin. Dancer din pala ako ng University namin. Sabi nila Marami daw nagkakagusto sakin pero takot silang lahat manligaw kase mahilig ako mangreject . Haha Sabi ni kim. Takot na sila lahat lumapit kase alam na daw nila isasagot ko.
"Kim.. Alam mo namang ayoko na mag boyfriend dba? " sabi ko sakanya .
"Mavs college na tayo di nanaman siguro magagalit parents mo kung magkaroon ka ng bagong bf or Kahit fling manlang." Pag sermon sakin ni kim habang nakatitig ng seryoso sakin.
"Ayoko talaga eh. Tsaka Alam kong alam mong magagalit sila Kuya Jake at Kuya Chris. Although sila din nag uurge sakin na mag bf na or kahit magka crush ayoko padin. Kase alam kong sakit lang ng ulo yan mga yan.. " sagot ko naman kay Kim na halatang disappointed sa sagot ko.
"Hay ikaw bahala mavs. Siguro nga di pa talaga Dumadating ung nakatadhana sayo . Tinatakot mo kase lahat ng lalaki eh haha" sabi ni kim habang nakangiti ng mapangasar.
"Kim di ako may kasalanan kung ayaw ko silang sagutin ano ba hahaha" sabi ko naman
"Ang pogi kaya nung isang nanligaw sayo. Chinito ano nga name nun.. Yuan ba? Ung crush ng buong university. Kala ko nga sasagutin mo na eh kase ang effort nung boy.. Haha" sabe ni Kim habang nag aayos ng gamit .
"Si Yuan oo sya nga yung tinutukoy mo. Oo maeffort sya pero may hinahanap pa ako sakanya eh.." Sabi ko.
"Ano? Ung mala prince charming effect? ung matagal mo ng pinaniniwalaan na pag nag slowmotion ung oras pag magkasama kayo ay sya na nga? Masyado naman atang cliche un mavs." Sabe ni kim.
"Ewan ko siguro nga .. Haha bahala na.. Tara na kim malalate na tayo sa next class natin " Sabi ko naman habang nakatayo na at niyayaya si Kim na pumasok na sa klase .
"Oonga pala may klase pa tayo sige" sabay tayo ni Kim at naglakad na kame..
••••
Naglalakad na kame sa hallway habang nagkwekwento si kim about sa Crush niyang si JC. Nang biglang...
*BOOGSH*
"Aish di kase tumitingin sa daanan " habang pinupulot ko ung binder at folders ko pati yung mga sketches ko . Tinutulungan din naman nya ko tas nung hawak ko na ung Sketches ko. Nahawakan nya din ung kamay ko.. Napatingin ako sa kanya.. Bakit sa lahat ng pedeng bumangga sakin dto sya pa talaga..
"Oh . Hello Ms. Hernandez.. " sabi ni JC.
"Ugh Hi Mr. Bautista.." Sabe ko habang iniirapan sya.
"We meet again . Haha anyways pupunta ka ba sa dance explosion? " sabi nya habang naka smirk.
"Nope lalo na kung andun ka. Ayoko nga sa mayayabang at nangiiwan." Sabi ko naman ng naka ngiting mapang asar.
"Ang sungit mo naman Ms. Hernandez tinotoyo ka ba ngayon? Haha ganda mo na sana eh sinusungitan mo lang lahat ng lalaki .. " sabay walk out ni yabang.
"Tss epal talaga nun. Tulungan mo na nga ko dito kim natutulala ka nanaman dyan. " sabay pulot ng sketches ko.
"Omg mavss gusto ka ata ni JC eh. " sabay sabi ni kim habang nakatitig padin sakanila habang naglalakad palayo..
"Kim tara na nga late na late na tayo. " pag iiba ko ng topic sabay tayo ko ng mapulot ko na lahat ng Sketches ko.
"Oona eto na.." Sabay takbo ni kim para sumabay ng lakad sakin..
•after class•
"Mavs may nakita akong lalaki kanina lumapit sa bag mo kala ko ikaw. Haha Pero kaklase ata natin un may nilagay na letter . Haha naks may admirer. Haha "pangaasar ni kim
"Wag ako Kim. Sige tignan ko mamaya" sabi ko naman
"Mavs sali ka na sa dance explosion." Pilit ni kim.
"No. Sige na alis na ko kim andyan na si manong robert byers kim. " sabe ko naman sabay beso sakanya
•sa Bahay ng mga hernandez•
Habang tinitignan ko ung sketches ko napansin kong may kakaiba. Parang sobre tas may letter sa loob. Nung binasa ko ung nasa harap may pangalan ko nag urge ako basahin.
"Hi mavs. Takot ako. Pero alam ko dto lang ako pedeng mag sabe ng totoo. Takot ako na ireject mo na ko. Na baka Ayaw mo na talaga. Pero mavy Hernandez mahal na mahal kita pls bigyan mo pa ko ng isang chance. Hinding hindi ko na gagawin ung ginawa ko dati.. Handa akong mag antay. Pls mavy hinding hindi ko na gagawin ung mga nangyare dati.." Tumutulo luha ko habang binabasa ko sya..
•Flashback•
"Sunduin kita mamaya ha? Iloveyousomuch Marie text mo ko ha? Wag kang lalapit sa boys asa kabilang room lang ako if ever na may mangbully sayo. Iloveyou vera marie *sabay kiss sa cheeks ko*" sabe nya. Sya lang ang tumatawag sakin ng marie. Ayaw niya magpatawag sa iba nun kase dapat sya pang daw haha.
"Opo . Hahaha Iloveyoutooo boyfriend kong protective at uber ng sungit haha Byyyeee " sagot ko naman habang papasok na sa room namin.
•end of flashback•
Bat ngayon pa sya babalik kung kelan nakamove on na ko? Kung kelan nakalimutan ko n lahat ng nangyare samin dati.. Ayoko na ulit masaktan .. Ayoko na ulit maiwanan...
BINABASA MO ANG
You're Still the One.
RomanceRight love at the Wrong time ? Dalawang taong pinagtagpo pero di itinadhana? Minahal ang taong dadaan lang pala sa buhay mo? Ano nga ba gagawin mo kung ung lovelife mo On Off On Off at Lagi ka na lang napagiiwanan .. Ipag lalaban mo parin ba o susuk...