Ideal Girlfriend

154 4 2
                                    

Napatanong ako bigla sa sarili ko?

Ano nga ba ang aking tipo sa isang babae?

In other words...

 What are qualifications of being my ideal girlfriend?

Akala niyo babae lang ang may ganyan, kami rin kayang mga lalaki. Yun nga lang, hindi namin isinisiwalat. Uso kasi sa amin ang privacy. Haha. De joke lang. Basta ayaw naming ipagkalat, masyadong gay eh.

Napatingin ako sa bughaw na papel na aking hawak. Nakasulat dito ang mga katangian na hinahanap ko sa isang babae. Ginawa ko ito years ago when I was in high school. High school pa lang naghahanap na ako yet wala pa rin. Siguro hindi pa time para siya'y magpakita.

MY IDEAL GIRLFRIEND by Ryan Salvador

 

1.      Mabait

2.      Matalino

3.      Maganda kahit walang makeup

4.      Masarap magluto

5.      Understanding

6.      Malambing

7.      Mahal ko

Pito lang yan pero ang hirap na niyang hanapin. Sad to say, but that's the truth. Bakit? Sasabihin din ng mga babae na mahirap nang maghanap ng matinong lalaki sa kasalukuyan. Well, isa lang ang masasabi ko.

MAHIRAP NA RING MAGHANAP NG MATINONG BABAE NGAYON.

Itiniklop ko ang papel at nilagay sa aking drawer. Napadako ang tingin ko sa aking laptop kung saan pinapakita ang aking FB account. At may message, mula sa aking bestfriend na si Trevor.

Trevor: Bro! May lakad ang tropa bukas. Ala una, sa dating tagpuan.

Nice! Mukhang mapapasabak na naman kaming magtotropa sa isang masayang laro. Haha.

Ako: Ge. Pupuunta ako. See you.

Hindi na siya nagreply. Tapos na rin naman ang usapan eh. Ganyan ang magtropa, mabilis magkaintindihan. Hindi na kailangan ng mahabang usapan.

Nagscroll na lang ako sa news feed dahil hindi pa rin naman ako inaantok. Alas onse na pero gising pa rin ang diwa ko. Ito ang perks of being a nocturnal. Hehe. Then, a post caught my attention.

Percy Julian Santos

"Walang pamantayan sa pag-ibig dahil kapag tinamaan ka, lahat ng standards mo sa isang babae/lalaki ay mababalewala."

Totoo kaya ang quote na yun?

Sa buong magdamag, yun lang ang inisip ko at hindi ako nakatulog nang matiwasay.

"ANAK GISING NA!!!" muntikan na akong mahulog sa kama dahil sa sigaw ni mama. Bumangon ako at napatingin sa orasan. 12:30 PM lang pala. What?! 12:30 PM?! Halos magkandadapa kong tinakbo ang CR. May lakad pa kami ng tropa. Shit lang.

Wala pang limang minuto ang tinagal ko sa CR. Nagbihis kaagad ng matino at bumaba na. Sumlabong sa akin si mama na nakakunot ang noo.

"At saan ka pupunta ha Ryan Salvador?" usisa sa akin ni mama.

"Sa tropa ko po." Buong tapang kong sagot. Napatango naman si mama. YES! Nakalusot. Thank God it's Saturday.

"Kumain ka muna bago umalis." tumungo kaagad ako ng dining area at bumungad sa akin ang paborito kong ulam na Kalderetang Baka. Sorry mga brad, mukhang malelate ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Ideal GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon