Five Peso Coin

14 2 2
                                    

Sophia's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang classroom. Never akong nalalate, maaga nga ako palagi sa room kasi masipag ako pumasok at isa pa scholar ako dito sa school. Private nga 'to e Bellevue University ang pangalan. Oh dba? Kakaibang kakaiba ung pangalan, yayamanin.  Never ko na-imagine na makakapasok ako sa ganto kagandang school kasi mahirap lang naman kami at hindi namin kayang bayaran ang tuition dito. Ang puhunan ko lang dito ay ung utak ko. 4th year college na ako kaya bali halos 4 yrs. na akong scholar at hindi ko hinahayaan na mawala ung scholarship ko kaya sobrang tutok talaga ako sa pag-aaral. Tsaka isa pa konting push na lang makakagraduate na ako at matutulungan ko na ang magulang ko. Wala akong panahon sa ibang bagay lalo na sa pakikipagrelasyon. Sakit lang sa ulo at puso ang makukuha ko dun. Bakit ko nasabi? Kasi ung nag-iisang kaibigan ko dito e ganun palagi nangyayari sakanya. Baka ganun din ang mangyari sakin kapag nakipagrelasyon ako at mahirap na baka maapektuhan pa pag-aaral ko.

"Besty!!!" Paglingon ko si Lily, bestfriend ko, tumatakbo papalapit sakin. Sya lang ung kumaibigan sakin dito sa school. Kahit mayaman sya pinili pa rin nya akong maging kaibigan. Ang dahilan nya kasi ayaw daw nyang makipag-plastik-an sa mga mayayamang maaarte. Sobrang bait nito sakin, pinagshoshopping nya nga ako ng damit kapag sinasamahan ko sya sa mall. Ayoko naman tanggapin kasi sobrang nahihiya ako pero pinipilit nya at magtatampo daw sya kapag hindi ko tinanggap, so no choice kaya kukunin ko. Sobrang tanggap din ako ng parents nya.

"Oh, nagtatatakbo ka na naman. Nakapalda ka pa man din!" Dito kasi sa school walang uniform kaya kahit ano suot mo ok lang. Kahit nga magpanty't bra ka ok lang. Hindi, joke lang. :D

"Ok lang yan noh. Syempre para maka-attract! Hihihi." Inambaan ko naman sya parang kukurutin. "Aray! Joke lang, eto naman." Tapos nagpout sya.

"Wala pa nga, aray agad? Tara na nga, akyat na tayo." Nagdirecho na kami sa elevator dahil sa 4th flr pa kami. Kapagod kapag naghagdan. "Bes, nagreview ka? Quiz natin ngayon."

"Ayyyy!" Sabay peace sign.

"Lilyyyyyy!" Sigaw ko sakanya.

"Aray ko naman bes. Pakopya na lang ako, cge na. Ngayon lang naman." Madalang lang naman sya mangopya kapag nakalimutan nya talaga na may quiz. Matalino 'tong best friend ko, wag lang atakihin ng katamaran.

"Hmpf! Kurutin na talaga kita jan eh!"

"Cge na bes, please? Please? Please?" Tapos nagpuppy eyes sya, papa-cute.

"Hayyyy, oo na. Basta wag kang magpapahuli ha?!"

"Oo, promise! Thankie!" Sabay yugyog sakin. Nakalabas na pala kami sa elevator nun at papasok na ngayon sa room. Kami pa lang dalawa kaya nagdecide kami na magreview kahit saglit lang.

Julius's POV

Katamad pumasok! Wala pa akong dalang sasakyan kaya nagtaxi na naman ako! Minsan nga jeep lang e. Hindi sakin pinagamit ng parents ko dahil may gulo na naman akong kinasangkutan kahapon sa bar. Sanay na ako dun. Tuwing may gulo akong nasasalihan, 1 week nilang hindi ipapagamit sasakyan ko at liliitan ung allowance ko. Pero hindi ako nagtatanda dahil sanay na nga ako sa mga punishments nila. Bumaba na ako ng taxi at pumasok na sa loob ng school. Bellevue University ang pangalan ng school. Hindi ko nga alam kung saan nakuha yan ng owner ng school na 'to e.

*beep*

May nagtex. Pagtingin ko ung barkada ko nagtex.

From: Kenneth

Bro! Hindi ako makakapasok ngayon. Ayaw akong palabasin ng parents ko dahil sa nangyari sa bar kahapon. Nagtex din sakin sila Miguel, hindi rin daw sila makakapasok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Five Peso Coin (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon