Chapter 1: Ang Pagkikita

6 0 0
                                    

Jeremiah's Point of View

5:00 AM
Beeep! Beeep! Beeep!

Ngayon lang ginanahang gumising ng maaga, maybe because today is the first day of school na noon ay normal lang sa akin dahil noon pa ako pumapasok dito. Yet ang pinagkaiba na ngayon ay isang na akong senior!

Nasa senior high school na ako na mula sa HUMSS strand dahil balak kong i-pursue ang kursong related sa abogasya. Sapagkat noong nasa junior high pa lang ako, I want to give justice to those people na inaapi, and I'm willing to solve any injustices na hanggang ngayon ay napaka-relevant na issue pa rin dito sa Pinas.

Bumangon na ako mula sa aking kama  dahil ipinangako ko na talaga sa lahat na pag-abot ko sa senior ay hindi na ako magiging late palagi.

5:00 AM na akong nag alarm dahil malayo sa amin ang pinag-aaralan kong school, sa Muntinlupa National High School, kaya nalelate ako palagi. Sa loob-looban ba naman kasi bahay namin eh naknam.

At nag-ayos na ako ng sarili ko like naligo, nagbihis, etc. etc. Eh pati ba naman yun ide-demonstrate ko pa? Hindi ba't ito naman lagi nating ginagawa kapag papasok? Don't tell me yung iba sa inyo hindi? Char.

Tinignan ko muna sarili ko sa salamin para mamangha sa kagwapuhan kong ito na kahit moreno ako, marami pa ring naghahabol sa akin sheesh! bago bumaba para sa almusal.

Naging normal lang sa akin ang mga nagdaang sandali, kabilang na doon na hinahatid-sundo pa rin ako ni dad sa school kahit na... Senior na nga ako huhu :_)

Sabagay, hindi lang kasi ako ung hinahatid, pati ang mga kapatid ko, ako ang panganay sa amin share ko lang. But I don't mind that though, as if they'll care noh.

Nakarating na ako sa school at sa pagtapak ng aking sapatos sa building... hindi ako nagbibiro guys, habulin talaga ako ng mga babae man o lalaki, nababakla daw sila sa kapogian ko.

Hindi naman ako nandidiri kung may mga lalaki mang nagkaka-crush sa akin, I'm glad hindi ako lumaking homophobic because my mom herself is a part of LGBTQ community, and fortunately mahal pa rin sya ng dad ko, I'm so lucky to have this family.

Nang makarating na ako sa classroom na kabilang ako sa section na ito... NGEK! NAGI-INTRODUCE YOURSELF NA SILA AGAD????

Tinignan ko naman agad ang wrist watch ko, shet, nakalimutan ko palang i-set sa time, pulso kasi ang nagpapagana rito eh.

NYETAAAAA! GINAGASLIGHT KO LANG PALA SARILI KOOOO! HUHUHU!

Not until nagsalita na si Sir Peralta, nasa Senior High Department na pala siya, "Oh? HUMSS strand pala ang kinuha mo Jeremiah. Welcome!"

Huh? Hindi man lang ba niya ako ipapahiya na nalate ako?

"At Himala! Hindi ka nalate ah, sana tuloy-tuloy na yan"

At ayun na nga... Eh? Hindi daw ako nalate????? Nagpapanic lang pala ako sa wala!

Eh? Bakit agad na silang nagsisimula???

Ah ba't parang hindi naman kilala tong si sir, maaga lang talaga siyang nagsisimula kapag first day. Pero feeling ko mukhang balak niya lang ako pagtripan.

Bumati na ako sa kanya at umupo sa second row tabi sa ka tropa ko at agad naman ako niyang binati nang lumitaw ako sa kanya, sabi nya kapag daw magpapakilala ka sa harapan, bukod sa name at basic info mo, dapat i-state mo rin daw yung reason kung bakit ka nag HUMSS strand, gustong kong malapit sa blackboard dahil malabo ang mata ko. Speaking of tropa, mukhang nagkahiwalay-hiwalay kami sa dami ba namang section ng HUMSS, but I don't think that's the main reason.

As usual tuwing first day may mga familiar na mukha, mayroon ding hindi, means mga transferee sila.

Fina-familarize ko na ang mga transferee na nagpapakilala sa harapan namin kasi malay natin maging kaibigan namin sila saka mga classmates na natin sila kaya why not?

Until someone introduced herself to us, na familiar talaga sa akin.

Pero hindi maalala kung nagkakilala na ba kami, ewan ko ba kung may short term memory loss ba ako or ano?

"Good morning! My name is Sally Xiam E. Agoncillo, I am 15 years old, born on December 5, 2007. So I choose this strand because some of my skills are belong here such as writing literary works, and public speaking. And I plan to pursue Journalism when I'm in college."

Ang unique... ng name niya, sheesh para siyang reporter nang nag-introduce yourself ah! Kaya siguro Journalism ang kukunin niyang course soon.

Pero wait lang, mukhang naaalala ko na...

"Jer! May nagka-crush na naman sayo oh!"

"Si Sally daw!"

"Ayieeee! Crush ka daw ni Sally!"

"Sallyyyyy"

Ahhhh! So siya nga! Siya yung nagka-crush sa akin noong grade 6. Mamayang recess kakamustahin ko siya, baka kaya it took me a while para maalala siya since we never had a chance to talk to each other. Well, itinutulak lang kami ng kaklase namin sa isa't isa.

Noong unang kita namin noong elementary, naka-bangs siya, ngayong nagkita kami muli, naka-bangs pa rin siya. Trademark niya ata yan eh, kaya nagmumukhaan ko siya.

Ang tanong nakikilala pa rin ba niya kaya ako?

"Ikaw na ang next Jeremiah!" tawag ni sir sa akin.

Pumunta na ako sa harapan para magpakilala.

"Ako po si Jeremiah Peter F. Rosario, 16 na taong gulang, at ako po ay ipinanganak noong ika-1 na Agosto ng taong 2006 sa Taguig City. Pinili ko po itong strand na ito dahil sa balak kong kumuha ng kursong pang-abogado at ang strand na ito ay naaayon sa naturang kurso."

Kung kay Sally straight english, sa akin purong tagalog, plus points kay rizal yarn, char. But I can speak english fluently naman kung kinakailangan.

Napatingin ako sa puwesto ni Sally para malaman ang reaksyon niya kung nakikilala pa ba ako. Well... wala siyang ni react sa akin like ang expressionless ng mukha niya pero nakatingin lang siya sa akin.

Pinaupo na ako ni sir pagkatapos kong ipakilala sarili ko, gusto ko siyang pagmasdan pa kaso nasa likod eh nasa 4th row sa right side.

Hindi ko alam kung bakit ako na disappoint, siguro dahil iba siya sa Sally na kilala ko noon.

To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon