04

40 2 0
                                    

"what do you want to know first bad or good news?" My twin zhack ask

"Bad news"

"Good decision twin" he said while taking something out in his brief case
"The first bad news was your DZ hotel in Italy" kunot ang noo na tinignan ko siya
"Wala nang mag papatakbo dun kaya pinasara ni dad..... For temporary habang hinihintay pa namin kung kailan ka makakalabas dito" tumango ako sa sinabe nito

"The second bad news was... About your girl....." Hindi nito tinuloy ang sasabihin niya at naka titig lang sakin kaya napa kunot ako nang noo

"What about her?" Tanong ko nang ilang minuto na itong hindi sumagot

"Pinalayas nang nanay niya.... Hindi rin siya pumunta sa bahay mo and worst umalis siya nang trabaho niya" that's a little bad news

"Give her a work... A decent WORK" matigas na sabi ko sakanya

"Ofcourse i will give her a very decent work.. pag nahanap ko siya" tumatawang sabi niya.

Knowing my twin zhack. Pag sinabe mo na mag bigay ito nang trabaho ay bibigyan ka naman nito. Yun lang ay ipapasok ka niya sa bar niya bilang waiter oh kaya ay table girl nang bar niya.

"What do you mean pag nahanap?" Kunot ang noo ko nang marinig ko yun

"Oh..... hindi ko ba nasabe na hindi siya mahagilap nang radar ko?" Natatawa pa'ring sabi nito sakin. Kunot ang noo ko dahil sa sinabe niya

"Sinabe ko naman diba na bantayan mo siya" matigas at walang emosyon kung sabi sakanya. Napatigil ito sa pag tawa at tsaka siya bumuntong hininga

"Nalingat lang ako dahil kailan ako ni ian tsaka hindi ko naman inaasahan na tatakas pala ang babae mo" problemado ito nang sabihin niya sakin 'yun "ah oo nga pala isa pa yun na bad news.... Na aksedent siya last week pa... Hindi pa alam kung anong dahilan" sabi nito sakin

"How about the good news?"

"Actually my dear twin brother there was no good news for today"

"Tarantado ka ba wala naman palang good news pinapili mo pa ako" seryoso na sabi dito. Pero ang tarantado tumawa lang.

Ilang oras pa kami nag usap tsaka ito nag paalam sakin may kailangan pa daw kasi itong kausapin at gawin


"Its a boy" masayang sabi nang doctor na nag pa anak sakin "congrats misis dalawang lalaki ang anak mo tsaka mukang maganda ang lahi nang ama nila" namula ako sa sinabe nito tungkol sa ama nang mga anak ko.


Nagising ako sa pamilyar na kwarto, puti ang kisame nito amoy alcohol at gamot ang kwarto na ito

"Mabuti gising ka na" napatingin ako sa nag salita "ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Nag aalala na sabi niya sakin napa ngiti naman ako

"Nang hihina lang ako.... pero ayos lang" sagot ko kay chester

"Mabuti naman kung ganun..... dadalhin nila dito mamaya yung mga bata" sabi nito tsaka niya ako inabutan nang mansanas na nahiwa na.

Hindi rin naman nag tagal ay pumasok na ang dalawang nurse dala ang anak ko.

"Ano po ang ipapangalan niyo sakanila?" Tanong nang nurse na may hawak na paper board

"Sino ang na una sakanila?" Tanong ko habang tinitignan ang baby na hawak ko light blue ang kumot na naka balut sakanya tsaka ako tumingin sa baby na hawak ni chester dark blue naman ang naka balut sakanya

" Yung hawak po ni sir ang panganay sunod naman po ang hawak niyo" ngiti nitong sabi sakin

"Zeus Hacer Rodriguez...Fo...forchelrian and Zeus Hanzo Rodriguez Forchelrian" ayoko mang idugtong ang apelyedo niya ay wala aking magagawa dahil may karapatan naman siya sa mga bata

"Wag mo idagdag yung Forchelrian" napatingin ako kay chester nang sabihin niya iyun, tumingin ito sa mga bata tsaka siya tumingin sakin "Rodriguez ang magiging apelyedo nila.... Rodriguez" sabi nito

Nag tatanong ang mga mata nang nurse naka nakatingin sakin, bumuntong hininga na lang ako tsaka tumango para ipaalam dito ang desisyon ko

"Tatangalin ko na po ang Forchelrian bilang apelyedo nila at papalitan po nang Rodriguez" paninigurado nang nurse na agad ko naman ikinatango

Ilan pa ang tanong nang nurse bago ito umalis

"Akala ko ba ayaw mo na makilala niya ang anak niyo?" Tanong nito pero hindi ito naka tingin sakin. Nanatili ang tingin nito sa panganay na ank ko

"May karapatan siya sa anak namin" sagot ko sakanya habang kumakain ako

"Tsk! Nakalaya na siya hindi ba? Bakit wala siya dito? Bakit ako yung andito?Bakit hindi ka niya hinanap? " Hindi man nito ipakita na galit ito ay ma hihimigan mo naman sakanyang boses

"Hindi ko alam" napa yuko ako dahil sa hiya.

"Look veron kung importante ka sakanya hahanapin ka niya, kukunin ka niya-kayo pero nasan siya ngayon wala diba... Wala siya dito" linunok ko ang kinakain ko hindi pa din ako nag aangat nang tingin dahil na hihiya ako sakanya.

Tama naman siya kung importante kami sakanya ay hahanapin niya kami, pero muka namang hindi kami importante sakanya dahil hindi niya kami hinanap. Siguro ay tama lang na itago ko ang anak namin, ako naman ang nag hirap para sa mga bata hindi siya.

"After 3 months aalis na tayo dito sa baguio" sabi ni chester

"Saan tayo pupunta?" Kunot noo na tanong ko sakanya, dahil nung asa manila kami ang sabi niya ay mag stay kami dito sa baguio hanggang manganak ako at lumaki sila tsaka kami babalik sa maynila

"Basta kailangan natin umalis dito after 3 months, hindi tayo pwede mag stay dito.... Baka mahanap ka pa" hindi ko narinig ang huli nitong sinabe dahil pabulong na 'yun siniwalang bahala ko na lang baka hindi naman importante

"Baka hindi pa kami pwede bumayahe nian" nag aalala kung sabi sakanya

"Pwede na siguro 'yun kailangan mo lang ipahinga ang katawan mo nang apat o anim na linggo" sabi nito tsaka niya nilapag sa tabi ko si hacer dahil tulog na ito

"Babalik na ba tayo sa maynila?"

"Hindi tayo babalik nang maynila"

"Kung hindi sa maynila ang punta natin saan?" Tanong ko dahil curious ako kung saang parte kami nang pilipinas pupunta

"Sa Italy"

HIDING MY TWIN FROM THERE EX-CONVICT FATHERWhere stories live. Discover now