01

82 4 0
                                    

Breaking new!!!
Anak nang kilalalang billionaire
Kulong matapos umano nitong gahasahin at patayin. Ang kasintahang nag dadalang tao............

Rinig ko mula sa sala kung saan nanood ang tatay ko ngayon. Nilapag ko ang mga pinamile ko at tsaka kumuha nang orange at nag lakad papunta sa sala kung nasaan ang tatay ko

Pag dating ko dun ay na istatwa ako nang makita ko kung sino ang nasa balita ngayon. Ang gwapo nitong muka ay halos wala kang mabasang emosyon bilangko ang kanyang muka habang naka-tingin.

"Kabataan nga naman ngayon mag papakasarap mag papainit tapos ay papatay dahil naka buntis at di kayang panindigan ang bunga" iling na sabi ni tatay na siyang nag pabalik sakin sa katinuan "kaya ikaw" tumingin sakin si tatay "wag ka mag papabuntis at mag papagalaw sa hindi mo asawa. Mag pabuntis ka kapag kasal ka na" sabi nito at binalik ang tingin sa tv

"Tay ang lalaki po na napapanood niyo sa tv ay nakuha na po ang inaalagaan ko mula bata ako" gusto kung isagot sakanya ngunit hindi pwede dahil pag sinabi ko ay baka itakwil o di kaya ay ma atake ito sa puso

"Aayos ko lng ho ang mga pinamile ko" sabi ko tsak ko ibinigay sakanya ang orange na dala ko kanina

Pumunta ako sa kusina at inayos ang mga pinamile ko kanina. Habang nag aayos ako nang mga stock namin ay narinig ko ang malakas na kalabog nang pinto

"VERONICA!!!"sigaw ni mama sa pangalan ko kaya hininto ko ang pag aayos at lumabas para makita ang niya ako.

"Nasan ang sinahod mo?"tanong ni mama habang naka hawak sa bewang niya ang mag kabilaang kamay nito. Magulo ang buhok ni mama at maamoy mo mula sa hininga niya ang alak. Amoy sigarilyo din ito

"Pinapanglengke ko ho ang na sahod ko ma at pinang bayad ang iba sa utang" magalang na sagod ko sakanya at ngumiti pero agad din yung nawala nang sampalin ako nito

"WALA KANG KWENTANG ANAK!!!" Yan ang laging katagang sinasabe sakin ni mama tuwing wala ako nabibigay sakanya na pera, nakakapang durog nang puso at nakaka sakit man ang salita na lagi niyang binibitawan ay binabaliwala ko ito dahil alam kung hindi ginusto ni mama sabihin ang mga yun sakin dahil mahal na mahal ako nito.

"Tigilan mo na nga iyan! Mag pasalamat ka na lang at may anak tayo na kayang bayadan ang mga utang mo!!" Sabi ni papa na tinago nito ako sa likod niya

"Aba! WALANG UTANG NA LOOB YANG ANAK MO!! MATAPOS KO SIYANG PALAKIHIN, PAG ARALIN AT BIHISAN, HINDI MAN LANG AKO ALAM BIGYAN NANG PERA!!!" Sigaw ni mama at tinuro-turo pa ako nito.

"HUWAG. MONG. ITURO-TURO. ANG. ANAK. KO. GAMIT. ANG. MADUMI. MUNG. DALIRI." Galit na sigaw pabalik ni papa kay mama at tinamapal ang kamay ni mama na naka pinang turo nito sakin.

"Tama na ho ma!!"kalamado kung sabi dahil napansin ko na napahawak sa dibdib si papa

"ABA HINDI AKO TATAHIMIK HANGGAT HINDI MO BINIGAY ANG SAHOD MO SAKIN!!!" Sigaw uli ni mama na

"HINDI!!!." Madiin na sabi ni papa "HINDI NIYA IBIBIGAY ANG SAHOD NIYA SAYO" sigaw uli ni papa sa totoo lang si papa lagi ang nag tatanggol sakin kapag umuuwi si mama galing sa pakikipag sugal.

Mahilig mag sugal si mama at mag inom dun niya lagi dinadala ang pera na nakukuha niya sakin kaya gipit kami

"Papa!!" Sabi ko nang makita ko na nanginginig ito habang hawak ang dibdib nito agad ko sinalo si papa nang akmang matutumba ito pero dahil mabigat si papa ay napa upo ako habang si papa naman ay napahiga

Nag angat ako nang tingin kay mama na hawak ang bag ko. Ewan ko kung pano niya yun nakita. Kinuha nito ang envelope sa bag kung saan nakalagay ang pera na sinahod ko. Nang makuha nito ang pera ay walang sabe sabe ito na lumabas nang bahay.

"TULONG!!!.....TULONGAN NIYO KAMI" sigaw ko nang maka alis si mama. May dumating na mga kapit bahay na tumulong sakin dahil si papa sa hospita.

Agad tumulo ang luha ko nang maalala ang inasta ni mama kanina habang si papa ay ina-atake sa puso.

Lumabas ang doctor mula sa ER kaya napatayo ako at agad na lumapit sakanya

"D-doc kamusta ko si papa?" Tanong ko

"Im sorry iha i we everything" sabi nang doctor habang umiiling ito "we try to revive him.....pero Bumigay ang puso niya" sabi nito at nag paalam upang e check ang ibang patient

Pakiramdam ko ay para akong tinakasan nang kaluluwa ko sa narinig ko mula sa doctor na ito.

Napa iling ako habang habang inaalis ang mga salitang sinabe nang doktor sakin. Tumulo ang luha ko

"Hindi pwede mawala si papa!!" Sabi ko sa isip ko habang nag pupunas nang luha

Humakbang ako habang nakatingin sa pinto nang ER. Akamang hahakbang uli ako nang makaramdam ako nang panlalabo nang paningin ko hindi ko ito pinansin kaya ay nag lakad ako mga ilang hakbang lang ay biglang nag dilim ang paligid.

Nagising ako at bumungad sakin ang kisame na puti. Agad ako napa upo nang maalala ang nang yare. Na patulala ako saglit nang bumukas ang pinto at pumasok dun ang isang babae naka coat ito

"Gising ka na pala" naka ngiti ito at lunapit sakin "i have a good news to you"masayang ani nito. Nilagay niya ang mga kamay nito sa bulsa nang sout nitong coat

"A-ano ho iyun?" Tanong ko sakanya

"Your 2 weeks pregnant" masaya at naka ngiti nitong sabi sakin "congrats"sabi nito

'hindi ako pwedeng ma-buntis hindi pwede! Ano na lang ang sasabihin ni papa? Pag nalaman niya'

Sa pag iisip ko ay hindi ko napansin na umalis na pala ang babae na doctor at iniwan akong tulala

"Congrats!" Napalingon ako sa nag salita

Isang lalaki matangkad ito matangos ang ilong brown eyes at may mapulang labi at tulad nang babae na pumasok may coat din ito

"Sino ka?"tanong ko sakanya

"Im Dr.Mark Gonzalez"

HIDING MY TWIN FROM THERE EX-CONVICT FATHERWhere stories live. Discover now