Crush

16 3 1
                                    

Allene's

Shuta, di ko padin makalimutan yung nangyari kagabi, lord help HAAHAHHAA.

Naligo ako after kong magising and soon after, dumating na yung pagkain. Kaya kumain nadin ako.

Si Amy? Nandun, sa kabilang kwarto nakikipagtawanan kasama yung iba, si Justin, pumasok sa kwarto namin ni Amy dahil ang ingay daw dun HAHAHAHA.

"Goodmorning, 'musta tulog?" bungad ng umaga ko maganda heheh.

"Maganda naman tulog ko, how about you?" tanong ko,

"Ayus lang, pero mas maayos ang umaga ko." TANGINAAAAAAAAA

Nagkwe-kwentuhan kami habang nakain ako, kumain na daw sya kanina kaya hinayaan ko nalang.

Ang cute cute nya what the fuck, suko nako sa ka-cutan nya shet.

A few hours later, nasa tubig nanaman sila, ako nasa upuan lang, naka-tunganga and ayoko muna maligo sa dagat, pagod ako te.

Biglang lumapit sakin si Justin na may hawak na Buko, yown!

"Heto oh, buko. Mukhang uhaw na uhaw ka at ang init dito, kaya binilhan na kita nyan!" eheheh

Ininom ko ang buko juice at shuta ang sweet, sweet katulad nya.

Tumambay muna kami dito sa silong, init init pota mamaya ma-sun burn pako HAHAHAHA.

Nag enjoy lang kami sa view namin- mga gagong nag tatampisaw at nag aaway sa tubig HAHAHAHA.

Pero kanina ko pa napapansin na naka-tingin sakin si Justin habang natawa ako or na-ngiti HAHAHAHAAH EMEGED LORDDDDD

Di ko na keri ang pangyayaring ito huhu.

The day comes to an end, nag pe-prepare si Amy sa confession na gagawin nya, syempre ginoodluck ko HAHAHAHA.

"Pre, good luck ah? Wala munang you know. Kaya mo 'yan!" oh diba ang supportive ko hehe.

"Salamat pre, tangina sana ma crushback ako!" sigaw nya, naneto kahit kelan maingay talaga.

Lumabas sya ng room and kinatok nya si Zoe para simulan ang confession na magaganap sa dalampasigan.

Habang nanonood ako ng ATEEZ, may kumatok sa pinto, binuksan ko ang pinto at nakita ko si Justin, may dalang unan.

"Huy? Nagawa mo dito? Bat may dala kang unan?" tanong ko, nakaka-awa naman 'to HAHAHA.

"Dun na matutulog si Amy, na-crushback lang dito nako pinatulog ampota HAHAHAHA." tawa nya, ang cute talaga ng tawa nito, kung alam nyo lang.

"Gago, na-crushback si gago? Ampota?!" gulat ako te, first time nyang makinig sakin and gumana? nuks!

"Oo, kaya dito nako pinatulog. May gagawin daw sila.. Secret na daw yun sabi nya HAHAHAH.."

Shet ang awkward dito.

"By the way, gusto mo ng maiinom? or chips? nanonood kasi ako ng ATEEZ eh, binge watch ko yung Treasure Film GAHAHAHA."

Ngumiti sya at kinuha ang cracklings, favorite ko 'yan kaya kumuha nadin ako HAHAAHA.

We both spend the night watching Treasure Film, and natapos namin agad kaya natulog na kami afterwards.

Kinabukasan, huling araw na namin sa Hotel.

Nag empake na ulit kami and naligo muna ako sa dagat ng saglit and nag palit na ng pang-alis. Saglit lang kami dun dahil 1:00pm ang out namin.

Kaya heto kami, pauwi na.

Nag enjoy kaming lahat sa kagaguhan namin, lalo na yung dalawang love birds sa likod namin ni Justin.

Puro sila babe, tangina akala mo naman mag jowa na, manliligaw palang yan si Amy HAHAHAHA.

Kami naman ni Justin, tahimik lang.

Ako kasi, nanonood ng Stranger Things. Kaya tahimik talaga ako. Si Justin, nag dr-drive.

Makalipas ng ilang oras, naka-uwi nadin kami.

Pagod na pagod ako sa byahe, kaya after kong mag ayus ng gamit, natulog agad ako.

Pag gising ko kinabukasan, tinatamad pako kumilos kaya umidlip muna ako saglit, pero puta tumawag sakin all of a sudden si Justin.

"Hello? Goodmorning! Sorry kung istorbo ako kung may ginagawa ka, pero kailangan ka ngayon nila Zoe at Amy.. may ginawa kasi silang katarantaduhan.." ANAK NG POTANGINA AYOKO NGA KUMILOS.

In-end ko yung call and naligo, nag bihis, at agad pumunta sa bahay nila Amy.

Kumatok ako sa pintuan and binuksan ito ni Justin, dali dali akong pumasok and nakita sina Amy at Zoe sa sala.

"Huy accla! Ano 'yun? Tumawag sakin si Justin. Anong nangyari?" tanong ko, mukha silang.. traumatized?

"Ate.. nag aayus kami ng gamit kagabi.. tapos ano..." shuta nag aalala nako.

"Ano?" tanong ko,

"Ate, 'wag ka magalit ah? Ano kasi... nabasa namin yung diary mo.. iniwan mo kasi sa bag ni Amy, akala ko notebook ko, kasi mag-kahawig eh.. and ano.. nabasa namin lahat.."

ANAK NG POTANGINA??????? DALA KO PALA DIARY KO?

Well, buti nalang di ko pa nasusulat lahat ng secret ko tungkol kay Justin, kaya safe.

"Huy, 'kala ko naman kung anong nangyari na. Ano kaba, ayus lang!"

"Akala ko naman kasi magagalit ka, ate!" naneto ni Zoe oh.

"Gaga, ayus lang!"

Ngumiti ako sa kanila and sinabi ko sa kanila na huwag na mag alala, di ako galit.

Alam kasi nila na private ako sa mga gamit ko, and mabilis ako magalit.

Nag kwentuhan muna kami saglit and napag-desisyunan ko na umalis na.

"Allene, pag may problema ka sabihin mo lang sakin ah? Huwag ka mahihiyang mag sabi." biglang bumulong sakin si Justin,

TANGINA MO JUSTIN BAT KAILANGANG IBULONG????????

Tumango nalang ako and umalis.

What a great way to start the day, kinikilig nanaman ako tangina.

𝘗𝘢𝘴𝘪𝘭𝘺𝘰.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon