Secret Admirer

8 2 0
                                    

Allene's

Shuta, balik school nanaman. Mainit yung ulo ko dahil sa sobrang stress.

Pagdating ko sa locker ko, napansin ko na may letter na naka-paskil sa pinto nito.

Kinuha ko ito at binuksan, gago para sakin?

"Dear Allene,

Hindi mo ako kilala, that's a good sign.

I just wanna say that have a nice day, and don't think about negative thoughts.

Sooooo, binilhan kita ng chocolates para gumaan loob mo.

Huwag ka sana ma-stress, bad 'yan.

Be sure to smile today, or always!

------."

Anak ng?

Sino 'to?

Wala man lang pangalan kung kanino galing 'to? Luh.

I grabbed the chocolate and started to eat it.

For the rest of the day, naka-simangot lang ako.

Si Justin on the other hand, maligalig.

Nakita nya ako na mag-isa kaya nilapitan nya ako.

"Uy! Hellooo!" naol masaya.

"Hi." nuks ang cold ko HAAHAHAHA.

"Oh, bakit ka badtrip? Dapat walang badtrip. Tungkol saan ba'yan? Sabihin mo lang sakin." naneto pinapakilig ako kung kelan naii-stress ako.

"Nakaka-stress lang yung mga ginagawa natin ngayon sa school. I mean, 7 na reportings, 13 assignments na kahit isang subject ewan ko, may 2 o 3 binibigay? tas potangina, may roleplay pa."

I was ranting about schoolworks and yung reportings, and he listened.

After ko mag rant, marami syang sinabi na motivational quotes, and yeah.. probably gumaan loob ko? idk.

"Yun lang masasabi ko ah, gumaan ba loob mo?" tanong nya,

"Oo, gumaan naman kahit papano. Salamat ah?" oh diba, basta ikaw, ayus nako HAHAHHAHAH.

"Buti naman, I'm glad to help. Gusto mo ilibre kita mamaya pag-uwi?" gago nag yayaya 'to

"Bahala ka."

"Sige, sige. Kita tayo mamaya sa gate ah? Aabangan kita dun. Goodluck sa studies mo ah? Kaya mo 'yan!" ay ehe kuya ano ba

Nag bye-bye sya sakin at pumunta na sya sa room nya, same goes for me.

Pagkatapos ng school, pumunta ako sa gate, kung saan nakita ko sya nag hihintay sakin, tas may dalang bulaklak? aba'y pwede nakong mamatay peacefully.

"Uy, kanina ka paba nag hihintay? hala gago, sorry.." natataranta nako

"Ayus lang, sinamahan ko lang mga kaibigan ko na pumunta dito sa gate, sakto, may date din tayo." HA ANONG DATE ANONG DATE ANONG DATE

".. So ano? Tara naba?" WAIT

"Sige, saan ba?" heh 

"Kahit saan mo gusto, basta sumaya ka." IKAW GUSTO KO GAGO

"Sige.. ano, sa McDo?" gago ninenerbyos ako

"SIge, libre ko ah, walang kukuha ng wallet." ANO BAAAAAAAAAAAA

Di kita sugar daddy pero.. sige?

Habang papunta kami sa McDo, syempre walktrip dahil ang lapit lang, nag-iisip yung utak ko.

Sya kaya yung nag-bigay ng sulat kanina sa locker ko? I mean, yung mga kaibigan ko lang nakakaalam kung anong chocolate favorite ko. Pero yung sulat, hindi sa kanya. O baka nag kataon lang na alam ni Secret Admirer yung favorite chocolate ko..?

Well, kaka-isip ko, nakadating na kami.

Pumasok kami sa loob- ladies first daw. And then nag hanap kami ng upuan. Pagka-upo, tinanong nya ako kung anong gusto ko, sabi ko, McFillet lang. Nag order nadin sya and nag kuwentuhan na kami hanggang sa dumating yung pagkain namin at lumamon na kami.

After namin kumain, binigyan nya ako ng chocolate, pero Cookies and Cream, akala ko nga sya.

"Thank you nga pala ah, pano ba kita mababayaran? Nakakahiya kasi sayo eh.." nahiya kapa anteh

"Uy gagi, hindi na, hindi na. Ayus lang yan sakin, basta maging masaya at gumaan loob mo."

Namumula na yata ako, omsim.

We bid each other goodbyes and sumakay ako ng pedicab pauwi.

Pag-uwi ko, as usual, nag wash-up, ginawa mga assignments and boom tulog.

Next day, may nakita nanaman akong letter na naka-sabit sa locker ko, anak ng.

"Heyy !! :>

I wanna see your smile today, dapat happy kalang. Tama 'yan, healthy 'yan.

I hope you're doing well, 'wag kang susuko ah? Laban lang!

S.A"

S.A? As in, Secret Admirer? May nagkaka-gusto sakin?

This shit has been going on for 2 months, tangina.

Hindi ko 'to sinasabi kela Amy and Friends dahil mga chismosa yang mga yan, lalo na kay Justin.

Hindi naman ako paasa kay Justin, kung may gusto syang iba, let him be.

Pero hindi ko talaga ma-recognize 'tong sulat na'to.

Patuloy na nangyayari ito sakin, and binabasa ko naman yung Letters, and kinakain ko din yung chocolates at tinatanggap ko din yung mini-gifts na kasabay ng Letter. 

Sino kaya 'to?

One time, naabutan ako ng Justin na binabasa yung sulat, tangina kagulat.

Dali-dali kong tinago ang Letter sa loob ng locker ko and yung mukha nya HAHAHAHHAH, parang nag hahamon ng away ampota.

"Ano 'yun? Tingin nga." aba no

"Nah, pass." HJEHEHEHHEHE

"Anong pass ka jan, patingin." aba

"Naur, privacy jiguem!" loe mark lee loveyou

"Fine, pero just tell me the reason kung bakit ka kinikilig, kanina ka pa naka-ngiti habang tinitignan mo yung hawak mo." demanding yarn.

"Fine, naka-ngiti ako dahil may sinabi lang sa Letter na pampa-gaan ng loob ko. Ayus na?"

Duda sya e, ayaw mo maniwala edi don't.

"Siguraduhin mo lang ah, tamo tamaan ka samin nila Amy pag iba 'yan." 

NANGHAHAMON KABA NG AWAY??????

Galit na hindi si crush AHAHAHHAHA. Okay, ganyanan pala ah?

Sige.


𝘗𝘢𝘴𝘪𝘭𝘺𝘰.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon