Nung isang araw ako ay sumali ng UN or united nations sa aking paaralan.Ang aking nabunot ay indonesia.Hangang sa lalakad na ko upang magpakilala sa stage.
"Hi, ako nga pala si Kevin Moreno ng grade 10-Infinity represent of Indonesia" sabay kindat ko sa lahat ng tao bilang pang aakit.
Nagtilian ang mga tao at walang akong ibang naririnig kung hindi ang nakakabinging tili at sinasabi pa nilang "babe uwi ka na, babe tayo na. i love you kuya, fafa kevin ang hot mo. Natatawa na lang ako sa mga ginagawa nila. Sana nga manalo ako. Di naman sa nagyayabang ngunit alam kong malakas ang appeal ko. Dahil sa sobrang proud ko sa sarili ko, muntik na kong matapilok dahil pababa na sana ako ng stage upang magbihis para sa pagandahan ng costume na gawa sa recycle.
Paakyat na kami upang magpakita ng costume. Ang damit ko sa pang itaas ay medyo kita ang katawan ko kaya kita ang dibdib ko at aking aking mga abs. Sa pangbaba naman ay mga walis na maraming pinaligid sa bewang ko. At nagsalita na ang host."Ayan, nakita niyo na ang mga costume ng ating pambato. May napili na na kayo sa kanila?"
Nagtilian nanaman ang mga tao at sinisigaw nilang
"Indonesia..., indonesia....., indonesia!!"
Number 7 at number 1 ang tinitilian ng mga tao. Number 7 ang as contestant number ko. At sino naman yung number 1?Tinignan ko ang number 1 na lalake. Tinignan ko mula ulo hanggang paa at nakita kong may itsura pala itong kalaban ko. Patay may kalaban ako. Lalo ko pang gagalingan sa pagpapakilig ko sa kanila manalo ako. Nagulat ako ng i aanounce na yung best in costume.
"Ang nanalo sa best male in costume ay si..."
Ang dibdib ko ay tumitibok ng pabilis ng pabilis sa sobrang kaba ko.
"Number 1, from Japan"
Biglang nanahimik ang lahat at maya maya sumigaw ang mga manonood ng malakas na
"boo...number 7 dapat...."
Nagulat ako sa pag support nila sakin. Siyempre konting tumawa ako, hindi naman sa nagmamalaki ako kasi maraming nagsusuporting sakin. Nang biglang.
"Ah hmm.excuse me ah im sorry for the mistakes to announce,but the best in costume is contestang number 7 indonesia not number 1 from japan.Ah im sorry ah its my fault.
Biglang naghiyawan ang mga tao sa tuwa nang dahil sa ako ang naging best in costume huhuhu lord god salamat thank you. Pero naaawa ako sa number 1 kasi napahiya siya parang na Pia wurtzbach siya hahaha.
Habang nasa backstage kami humungi ako ng paumanhin sa kaniya dahil sa nangyare kanina.
"Ah hmm..kuya?"
"Ohw?bakit?"kitang kita ko sa mukha niyang napahiya at nadismayado siya.
"Ah sorry kanina ah"
At bigla siyang natawa..
"Oh bat ka natatawa?may nakakatawa ho ba sa sinabi ko?"nagtataka ako sa kaniya.
"Bat ka kasi nanghihingi ng sorry ikaw ba yung host dun?"sabay tawa siya ng tawa.
"Ahahahaa"tawa ko din.
Para nga akong baliw na nagsosorry sa kaniya ng walang dahilan.Ang abno we noh?
"Bro, im Kyle" pagpapakila niya sakin at kinamayan niya ako.
"Ahm. Kevin nga rin pala"
"Ah,hmm. baka gusto niyong maistorbo ko muna kayo kasi malapit na ang pag aaward sa mananalo ng Mr and Ms. Un 2016 baka gusto niyo nang magbihis mamaya na kayo magpakilala sa isat isa" pagputol samin ng isang babae ng nag titip kong malapit na kaming bumalik sa stage.
"Oh kevin pano ba yan bro kita na lang mamaya ah?"sabay alis niya ng mabilis at nagbihis na.
Bakit?anong meron?para saan?ang weird neto ni kyle parang ogag lang tong lalakeng toh.
Nagbihis narin ako. Pagkatapos ko,pila pila na ang mga contestant na kasama ko sa mr and ms.un 2016 pipili na sana ako nang biglang
"Uy bro,sana manalo tayo"sabay ngiti ni kyle sakin
"Sira!isa lang mananalo ogag!"sabay batok ko sa ulo ko.
"Aray ko bro ang sakin nun ah?"seryoso siya ngayon at di na siya natawa
Naputol ang batukan namin nung sabihin ng host na
"Ito na po ang mga contestant natin na nagbabalik upang maibatid na namin kung sino ang karapat dapat na maging 4th,3rd,2nd,1st runner ups,and especially winner"
Sabay hiyawan nanaman ang mga tao.At sinisigaw nanaman yung name ko.
"Kevin number 7,kevin number 7,kevin number 7"
Nagulat nanaman ako,Pero kinakabahan ako.
"Ang una ko pong tatawagin ay top 5 male na pasok sa finalist.Uulutin ko top 5 na male ah?male lalake na pasok sa finalist"nililinaw ng host.siguro nahiya na siya sa nangyare kanina
"Okay!matuwa ka na contestant number.."pabibitin ng host.
"11,4,2,7,12 congratulations!"sabay ngiti ng host sa mga audience.
Nashock ako at natutuwang di makapaniwala na ako ay makakapasok sa top 5 male finalist whoo...
"Sa female naman ay 2,5,8,22,11".
At ang iba namang sinawimpalad na makapasok sa top 5 male and female finalist ay umalis ng malungkot na pagod na pagod.
By the way balik tayo sa nagaganap sa stages na isasalang na kami sa question and answer.Nang ako na ang tatanungin.
"No.7 handa ka na ba sa aking katanungan?"
"Opo"habang kinakabahan ako.
"Okay,kung ikaw ang tatanungin,payag ka ba sa ipinatupad ng ating pangulong duterte na ipapatay lahat ng adik?"
"Ahm.para sakin wag daanin sa dahas upang masugpo ang droga,pwede namang hulihin na lang at doon pwede silang magbagong buhay.Kasi ang tao pwede pang magbagong buhay.Maihahalintulad ang tao sa bagay kasi ang bagay pwede rin namang magbago.Parang klima lang yan eh minsan pabago bago ang panahon"
Sabay malakas na tili ang naririnig ko pagkatapos kong sumagot sa q&a.Pagkatapos sumagot lahat ay tatawagin na kung sino ang tatanghaling winner at mga runner up lang.
"Ready na ba kayong marinig kung sino ang mga mananalo?"
"Oooooo ready na kamiiiii"tili ng lahat ng mga tao.
"Ang sasabihin kong mananalo ay una muna ang lalake at sumunod ang babae"
"Okay,4th runner up is contestant no.12 and 8
Pumalakpak ang mga tao
"3rd runner up goes to,no.4 and 2"
"2nd runner up is goes to,2 and 22"
"And now,ang tatawagin kong contestant ay winner ah winner"paglilinaw muli ng host
"The mr and ms un 2016 is goes to,11 and 11 congratulations!"
Nagulat ako,naiinis ako pero hinayaan ko na lang ang pagkatalo ko wala na kong magagawa eh!Okay lang sakin yun kung yun talaga ang para sakin eh.
Pagtapos nun nagbihis na ako at siyempre aalis na ko.Papasakay na ako nang jeep at habang naglalakad ako may biglang umakbay sakin.
"Uy bro,congrats kasi 1st runner up ka lang"si kyle pala.
"Oo nga eh,hahaa pero salamat kyle,wait san ka sasakay?"
"Jeep din!di mo ba alam magkatabi lang tayo ng street?"
"Ohw?really pre?
"Oo nga nakikita nga kita eh."
At sabay na kaming pumasok sa jeep at pagkauwi ko diretso sa aking kwarto at sa sobrang pagod ko di na ko nagshower.
BINABASA MO ANG
Tadhana Siguro?
RomanceSa isang napakalawak na mundo nguni't sa isang iglap ay walang hindi mo madiskubre ang kasiyahan at kagalakan na iyong nadarama. Masasabi mo bang ang tadhana ay isang aksidente o sinadya ito? Tunghayan at sama-sama nating tuklasing at abangan at pin...