"MATULOG KA NA ANAK, GABI NA." sumilip si Mama sa pinto.
"Sige po." pinatay ko na ang ilaw at tanging lamp shade na lang ang nagsisilbing liwanag sa aking kwarto.
Nagising ako nang may gumalaw sa aking kama. Nang imulat ko ang aking mga mata ay una ko agad nakita ang isa sa taong pinaka mahalaga sa'kin. Si Leo, boyfriend ko.
"May dala akong pasalubong." excited niyang saad at iwinagayway pa ang bitbit niyang mga supot.
Natawa ako ng mahina dahil kada gigising na lang ako ay yan ang lagi niyang pambungad sa'kin.
"Baba na tayo, tignan mo may muta ka pa at panis na laway. Gusto mong hilamusan pa kita?" natatawa niyang saad.
"Kaya ko naman mag isa HAHAHA." sabi ko.
"Ito naman binibiro lang, pero sige bababa na ko para makapag handa ako ng almusal mo mahal na señorita." pabiro pa niyang saad.
Tatlong taon na kami ni Leo pero kahit kailan hindi nagbago ang pakikitungo namin sa isa't isa. Minsan nag aaway pero napaguusapan naman. Napaka boyfriend material talaga niya at mabait siya sa lahat ng tao na nagustuhan ko rin sa kanya.
"Ang ganda mo." saad niya. Umiwas na lang ako ng tingin dahil kahit papa'no nakakakilig din!
"Ayusin mo na nga lang yung pagmamaneho mo jan, mamaya mabangga pa tayo eh." nagyaya kasi siya ngayon ng dinner dahil may sasabihin daw siyang importante sa'kin.
Nang makarating na kami sa restaurant ay agad kaming sinamahan ng isang waitress sa aming table na ipinareserve ni Leo. Talagang pinaghandaan.
Sinabi namin ni Leo ang order namin sa waitress at sinabing maghintay na lang daw kami dito sa table.
"Ano na kasi yung sasabihin mo?" tanong ko.
“Mamaya na kapag kumakain tayo mahal, wag ka masyadong excited hahaha!" saad niya.
"Ewan ko sayo." sabi ko.
Dumating na ang order namin at nagsimula na rin kami kumain.
"Mahal, Manager na 'ko." saad ni Leo.
Bigla akong napaangat ng tingin sa kaniya. “M-manager?” saad ko habang sumisilay ang ngiti sa aking labi.
Tumango siya at hinawakan ang kamay ko sa tapat ng table. “Nagustuhan nila yung performance ko pati mga drawings at designs ko nung nag meeting kami, kaya ayun tinaas na nila yung position ko. Dating empleyado lang pero ngayon Manager na 'ko ng Team ng Arts and Design sa kompanya.” nakangiti siya all the time na sinasabi niya 'yon.
Nagtatrabaho siya sa isang publishing company kaya may iba't ibang team ang naroon, ngayon manager na siya sa Arts and Design Team. Mahilig siyang magdrawing at talaga namang napakaganda ng mga disenyo niya.
"Congratss!" lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. "I'm so proud of you love! Unti unti ng natutupad yung mga pangarap mo."
"Pero meron akong isang pangarap na hindi ko pa nakakamit at gustong gusto ko na talagang makamit." sabi niya.
"Ano 'yon?" umayos ulit ako ng pagkakaupo.
“Ang pakasalan ka.” nakatitig na siya ngayon sa'kin.
Ngumiti ako sa kaniya. "Matutupad din natin 'yon, sa ngayon focus ka muna sa trabaho mo. Hindi naman ako tatanggi eh, sa katunayan nga gusto ko na ring pakasalan ka kaso may mga bagay pa tayong dapat unahin." Saad ko.
Isang buwan ang nakalipas simula no'ng naging manager si Leo sa Arts and Design Team nila. Naging maayos pa rin ang pag uusap namin at so far wala naman nagiging problema. Mas lalo pa nga siyang nagiging sweet sa'kin katulad ngayon, nag aya siya na mag date kami dahil may mahalaga ulit siyang sasabihin sa'kin.
Nagcommute na lang ako papunta sa sinasabi niyang place dahil nasira yung kotse ko. Pagdating ko do'n ay sinamahan agad ako ng waitress sa nireserve ni Leo na table. Kapansin pansin ang magagandang bulaklak kinuha ni Leo na table kumpara sa iba.
Itinext ko si Leo na nasa restaurant na 'ko. Sinabi niya sakin kanina malelate daw siya dahil may dadaanan pa daw siya, kaya naghintay muna ako ng ilang saglit.
20 minutes na ang nakakalipas pero wala pa rin si Leo. Inabutan na 'ko ng tubig ng waitress dahil kanina pa daw ako naghihintay.
Isang oras na ang nakakalipas at naghihintay pa rin ako. Sinubukan kong tawagan si Leo pero hindi siya nasagot. Baka busy dahil nagd-drive.
Dalawang oras na 'kong naghihintay at wala pa ring nagpapakita sakin na Leo. Kaya napag desisyonan ko na umalis muna at sumakay ng taxi dahil baka makasalubong ko ang kotse niya.
Napatigil ang sinasakyan kong taxi kasi medyo traffic dahil parang may naaksidente ata. Dinungaw ko ang bintana at tinignan ang aksidente, nakita ko ang isang pamilyar na kotse na nakabunggo sa poste.
Lumabas ako ng sasakyan at pinuntahan ang aksidente. Nakita ko ang kotse at ang plate number nito.
"Ate!"
Nanlaki ang mata ko ng maalala ang plate number ni Leo na kapareho ng plate number ng kotse na naaksidente dito.
"Ate gising!"
Kahit nanghihina ang tuhod dahil sa labis na kaba ay sinubukan kong tignan ang driver's seat ng kotse. Naguusap ang mga pulis sa likod mg kotse.
"Anak, Allyssa gising!"
Tuluyan na nga akong nanlumo ng nakita ko si Leo na duguan ang ulo at nakahawak ang kamay sa manibela.
"Ate!"
Nagising ako sa isang napaka samang panaginip na halos araw araw kong napapanaginipan.
"Ate nananaginip ka na naman." saad ng kapatid ko habang hinihimas ang likod ko.
"Oh ito anak, uminom ka muna ng tubig." inabot sa'kin ni Mama ang isang basong tubig at agad ko naman iyong ininom.
Nangalahati ang tubig sa baso at binigay ko na kay Mama. Hinihingal pa rin ako at pinagpapawisan.
"M-ma s-si Leo po?" tanong ko kay mama.
Bumuntong hininga siya at malungkot na ngumiti. "Anak, dalawang taon ng patay si Leo dahil sa car accident."
"Magp-propose rin sana siya sa'yo nung araw na yon kaso nawalan ng preno yung sinasakyan niya kaya bumunggo siya sa poste."
———
Yiuance
YOU ARE READING
Short Stories
NouvellesShort stories that will take you to different worlds. Stories that make you cry, thrill, funny, curious and suspenseful. Here in Yiuance Short Stories.