Encounter

5 5 0
                                    


Dara POV-

Nakasanayan ko na talagang maagang pumupunta sa puwesto ko sa palengke. Tulog pa ang mga isda sa dagat, inaayos ko na aking puwesto.

Madilim pa lang ang paligid, nagpahatid na ako kay tatay. Hindi na ako nagpatulong sa mga bitbit ko dahil magaan naman at ayoko na siyang abalahin pa. Maya-maya pa siya magpapasada kaya bago siya pumanhik pabalik, binigyan ko siya ng pambili ng pandesal.

Wala namang kakaiba sa paligid, safe ang palengke namin dito sa San Rafael at may iilang dito na natutulog sa kani-kanilang puwesto.

“He-help!” napitlag ako nang may biglang nagsalita. Napahawak ako ng mahigpit sa timba kong dala.

“Sino ka?” matapang kong saad. Hindi naman ako matatakutin dahil palagi naman akong ganitong oras kung pumunta. Marunong naman akong makipagbugbugan dahil tinuruan ako ni tatay.

“He-help. . .” muli kong dinig sa boses na ’yon ngunit mas mahina nga lang ngayon. Imposible namang multo hindi ba? Kahit ba multo nag-eenglish?

Mabilis akong tumungo sa loob kung nasaan ang mga banyera. Nang buksan ko ang ilaw, tumambad sa akin ang isang lalaking nakahiga sa pagitan ng mga banyera. Nakakulay itim ito ng damit at nakahawak sa tiyan ang isang kamay. Napansin ko ang dugong umaagos mula rito. Nakapikit ito at pawis na pawis.

Diyos ko! Ang guwapong isda naman nito.

“Te-teka, ano’ng gagawin ko sa ’yo?” tarantang saad ko. Nang makita ko pa lang ang dugo, mukhang mas mauuna pa akong mawawalan ng malay sa kaniya.

Tinapik-tapik ko ang mukha niyang napakakinis. Mukha pa ngang magmamarka ang kalyo ko sa mukha niya.

“Gising! Gising! Uy! Gising! Ano’ng gagawin ko sa ’yo?” Umungot ito at kunot-noong pilit na tumingin sa akin. Mas lalong kumunot ang noo niya nang makita ako.

Aba! Siya pa ang may ganang maurat sa mukha ko. Kung hindi ko kaya siya tulungan? Kung hindi lang talaga pogi ito, e. Hindi ko bibigyan ng kakarampot ng pag-alala.

“Pl-please hide me,” mahina at nahihirapang saad niya.

“Saan ba kasi? Diyos ko ka naman, ako na nga ang tutulong, pag-iisipin pa ba ako.” Kamot-ulo kong saad.

Maya-maya, may narinig akong mga sasakyang tumigil. Nagtaka ako, sobrang aga pa para may mamili, kung mga kasamahan ko naman, imposible namang sabay-sabay? Sumilip ako sa gilid ng dingding at nakita ko ang ilang lalaking may dalang baril. May ilang pinag-aalis ang mga takip ng ilang paninda. Kahit mga banyerang walang laman, pinagtataob nila. Tipong may hinahanap sila. Biglang may isang tumingin sa puwesto ko dahil bukas ang ilaw nito.

Paktay!

“Please just hide me! And name your fxcking prize!” demanding niyang sabi. Wow ha! Isda binibenta ko hindi laman ko.

Sa inis ko, pinilit kong ilagay siya sa isang banyerang walang laman.

“I said hide me somewhere not here! Are you dumb?” Ay hindi! Huwag kang desisyon! Walang tanga kung walang mukhang tanga.

Pinagkasya ko siya roon at hindi pinakinggan ang reklamo niya. Magtiis siya! Buwisit siya!

“Marunong ka namang huminga sa tubig ano? Ipitin mo ang ilong mo.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot nang binuhos ko ang lamang isda na punô ng yelo sa kaniya. Mukha namang nahimasmasan siya kaya lumitaw ang ulo niya at galit na galit sa akin. Kulit ng itlog nito!

“What the fu—” mabilis na linubog ko ang ulo niya nang may mga lalaking mukhang adik ang tumakbo papunta rito sa puwesto ko. Inangat ko muna ang ulo niya para sabihan kaso inulan na naman ako ng reklamo niya.

Dara Daldalera At Ang Cold na TagapagmanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon