Chapter 5: "I LIKE YOU"

1 0 0
                                    


Natatarantang humihiwalay siya rito ngunit hindi siya nito pinakawalan. Nagugulo na ang isip at damdamin niya sa ginagawa nito. May kung anong kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing dumidikit ang balat nito sa kanya. Parang kuryente na hindi niya malaman kung saan nanggaling...

"B-bitawan mo nga ako! Ano ba---"

"You're mine, Sarahbelle," diretsahang pag-amin nito sa kanya. It left her breathless and stunned for a moment. "You're mine, remember that well."

"A-ano bang p-pinagsasabi mo?"

"I like you," anito na mas dumagdag sa pagtindi ng mga nararamdaman niya sa mga oras na iyon. "So, I won't allow any other guy to get near you and have you. You're MINE from now on. Get it?"

Hindi na siya makahinga sa mga pinagsasabi nito dahil hindi niya mapaniwalaan ang mga sinasabi niya.

"N-nagbibiro ka ba?" tanong niya rito dahil alam niyang imposible ang sinasabi nito. "P-paano naman mangyayari iyan, eh, i-isang beses pa lang t-tayong nagkita at ngayon lang tayo n-nagkakakilala, di'ba?"

"I'm not kidding!" mukhang naiinis na rin ito. "Will you take me seriously, lady? I like you and I don't care if this is just the first, or... or the second time we've met. The point is I like you, so just live with it."

Hindi niya masyado nagustuhan ang paraan ng pagkakasabi nito sa nararamdaman nito kaya't napikon na rin siya. Itinulak na niya ito palayo at matapang na hinarap ito.

"What do you think of me? An easy girl?" galit na tanong niya rito kaya't nabigla ito at ang dalawa pa nilang kasama. "Hindi dahil gusto mo ako ay sa'yo na ako. Kung ganyan kayo sa America, ibahin mo dito sa Pinas, ibahin mo ako. Dahil ba nalaman mong nagtatrabaho kami sainyo ay aakalain mo nang kaya mo akong makuha? Dahil mahirap lang kami? Well, sorry to burst your bubble but I don't like the way you talk about me like I'm just a mere object that you'll get if you want. Tao ako at hindi bagay. You like me? Well, sorry, but I don't like you!"

Halos humingal siya sa haba ng sinabi niya. Ngunit dahil sa galit niya ay hindi na niya iyon alintana. Kahit ang mga ito ay hindi nakaimik sa mga sinabi niya.

"I didn't mean to make it seem that way," paliwanag ni Chrome nang makabawi ito at marealize nito mal sa mga sinabi nito. "I really do like you, and not because of what you think. I just simply like you and even I don't know the reason why. I just felt it, so please believe me. And I don't care about your status, and you're definitely not an easy girl. You are nice... you are... you are special. Forgive the words I used if it sounds bad to you."

Tinitigan siya nito nang mataman at nakita niyang nangungusap ang mga mata nito na paniwalaan niya ang mga sinasabi nito.

Pero paano niya iyon gagawin kung hindi talaga iyon kapanipaniwala para sa kanya... at lalong lalo na sa ibang tao. Sigurado siyang masama ang magiging resulta kung bibigyan niya ito ng pagkakataon, kung bibigyan niya ang sarili ng pagkakataong paniwalaan ito. Lalo pa't parang kakaiba ang nararamdaman niya sa binata. Naguguluhan siya at hindi niya alam kung ano ang dapat isipin at dapat gawin sa pagkakataong ito.

"Sarahbelle," napalingon silang lahat sa pagtawag ng inay niya.

Nagpapasalamat siya sa pagdating nito dahil nagkaroon siya ng dahilan na iwasan ang sitwasyong kinalalagyan niya sa mga oras na iyon kaya't dali-dali siyang lumayo kay Chrome bago pa makalapit ang nanay niya.

"Nay," bati niya sa ina.

"O, tapos ka na ba diyan anak? Dalian mo at," napatigil ito sa pagsasalita nang makita ang magkapatid na Mendez. "Nandito ho pala kayo," nakangiting bati nito sa magkapatid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Still Loving You (Then, Now, and Forever)Where stories live. Discover now