Chapter 2 : Love From The Past

4 0 0
                                    

Napangiti si Sarahbelle nang makita ang pagkabigla sa mukha ng lahat ng taong naroroon sa party niya. Siya, si Sarahbelle Agustin, na kilala sa pangalang Shara Queen sa mundo ng showbiz, ang may-ari ng bagong Resort-Hotel na itinayo sa lugar kung saan lingid sa kaalaman ng nakararami ay ang lugar kung saan siya isinilang at lumaki.

Nagpasya siyang magtayo ng business sa lugar na iyon para sa alaala ng lanyang ina. Panagarap noon ng kaniyang ina na magkaroon ng kahit maliit na karinderya dahil mahilig itong magluto. Inay...

Nakarating na siya sa entablado kung saan nag-aabang ang kaibigan niyang si Charmella Mendez. Noong nakatira pa siya sa lugar na iyon ay naging kaibigan na niya ito. Sa pamilya nito nagsilbi ang kaniyang ina bilang kusinera at katulong, ang pamilya rin nito ang sanhi ng kabiguan niya noon at hanggang ngayon ay hindi nabubura ang galit na iyon sa puso niya. Ngunit hindi niya idadamay ang inosenteng kaibigan dahil lang sa kagagawan ng pamilya nito. Alam ni Charm ang lahat ng saloobin niya at alam niyang loyal ito sa kanya kahit ang pamilya nito ang itinuturing niyang salot sa buhay niya. They are still best of friends.

"Welcome home, ate Sasa," nakangiting bati nito sa kanya kasabay ng pagyakap nito.

"Thank you, Cha," niyakap niya rin ito ng mahigpit. Matagal rin silang hindi nagkita dahil sa busy niyang schedule. "This party is fabuluos, all thanks to you."

"Nah, it's nothing," humiwalay na ito sa kanya. "I should be the one thanking you for this oppurtunity. You trusted me with your business and no one trusted me like you do, aside from my brother."

Natigil siya sa sinabi nito. Naramdaman din nito ang nangyari kaya't ngumiti ito sa kanya ng alanganin. "I'm sorry, ate, I didn't mean to—"

"Its okay, Cha," ngumiti na rin siya rito. Hindi niya dapat ihalo ang personal sa business ika nga. "This is a party so we should be in our best behavior."

Natawa ito sa sinabi niya at biglang natigil nang makita ang kasama niya. Napangiti siya nang ito naman ang natigilan.

"Oo nga pala," binalingan niya ang dalawa. "You already know Charmella Mendez, right Gino?"

Si Gino ay singer din katulad niya at ito ang kadalasan niyang kapareha sa pagkanta. Naging kaibigan niya ito simula nang pumasok siya sa showbiz dahil halos magkasabay lang sila at pareho ang humahawak sa kanilang manager. Marami ang nag-aakalang may namamagitan sa kanilang dalawa dahil parati silang magkasama kahit hindi dahil sa trabaho. But she knew better, they're just like brothers and sisters, especially this time.

"Yeah," sagot ng binata na kanina pa nakatitig kay Charm. "It's nice to see you again."

"S-same here," nag-aalangang sagot naman ng dalaga. "It's been what, five, six years?"

"More or less," sagot naman ng binata.

Napansin niyang hindi na kumportable ang kaibigan kaya't sumingit na siya sa usapan.

"Mabuti naman at hindi ko na kayo kailangang ipakilala... ulit," pabirong singit niya sa dalawa na nagpatawa lang sa mga ito.

"Well, you're here already so you might as well say something to the people para matuloy na ang party," ani Charm sa kanya. Humarap ulit ito sa madla at nagsalita. "I know everyone is shocked tonight and I know you all want to hear what she has to say tonight. So, here she is. Miss Shara Queen."

Inihatid siya ni Gino sa harap ng mikropono bago umatras sa tabi ni Charm. Napangiti siya sa inaasal nito. Her friends are just so cute together, their past combined, that it made her smile brighter than usual and it unintenionally made her guests happy.

Still Loving You (Then, Now, and Forever)Where stories live. Discover now