ABANTE

1 0 0
                                    


Sa Araw ng mga Kababaihan
Ating ipahayag at ipalaganap
Ang landas ng katotohanan
Na tayo ay pantay-pantay, walang aangat

Dahil kahit anong kasarian, babae man
Kakayahan ay huwag mong diktahan
Dahil kahit nahihirapan
Kayang-kayang makipagsabayan

Kaya't
Abante babae,
Hindi lamang basta babae
Hindi lang sa Pilipinas, itatangi
Kundi sa buong bansa'y ipagmamalaki

Kaya't
Abante babae,
Hindi lamang basta babae
Kalakasan ay hindi imposible
Katalinuhan ay hindi magpapahuli

Kaya't
Abante babae,
Hindi lamang basta babae
Likas na kagandahan at kabutihan
Pagtulong sa kapwa, ipupunyagi

Kaya't
Abante babae,
Hindi lamang basta babae
Katulad ni Gabriela na may katapangan
Ipaglalaban karapatan ng mga kababaihan

Kaya ngayong ika-walo ng Marso,
Taong dalawang libo dalawapu't tatlo
Ating ipinagdiriwang ang Buwan ng mga Kababaihan
Isang pagpupugay, pagsaludo sa pagbibigay kulay at pagharap sa hamon ng buhay.


All Rights Reserved
©2023

Writers:
Rose Anne Oblepias
Bennedick Dequito

POETRY COLLECTION Where stories live. Discover now