Chapter 1: Who's that guy?

16 1 0
                                    

BILISAN MO KUYA DRIVER!

Gusto ko na isigaw yan sa jeepney driver na nasakyan ko. Panay na tingin ko sa oras sa cellphone ko. Kung kailan malapit na ako bumaba saka pa siya nagpa-gas. Di ko na kaya 'to. Bumaba na ako ng jeep.

Halos habulin ko na ang hininga ko sa pagtakbo. Baka hindi ko abutan si seller sa meetup place namin at ibigay nya ang rare photocard ni Suga sa ibang buyer.

Hindi pwede!

Matagal kong pinag ipunan to. Ilang beses ako ng overtime para dito.

Well, hindi naman ganun ka-laking halaga ang photocard na ito pero yung taong nasa photocard is worth more than a million dollars for me. Can't relate? Well, kami kaming fangirls and boys lang nakaka-gets nito.

Turning 25 na ako sa November pero i'm proudly say na i'm still a fangirl.

Simpleng pagcollect ng merchandises, pakikinig ng music nila at panonood ng shows and other videos nila ang stress reliever ko.

"There you are! Aira, right?"

Napangiti nalang ako kay Ate Seller. Di na ako makahinga sa sobrang hingal. Feeling ko ilang milya tinakbo ko.

Matapos ang transaction, umalis na si Ate. Naiwan ako sa meetup place namin habang umiinom ng iced coffee at nakatitig sa photocard na binili ko.

Haaay bakit ang mahal nyong mahalin, BTS.

Biglang may naghiyawan sa labas ng coffee shop. Ahh... may mall-show nanaman pala ng pinoy artists.

Come to think of it, wala na halos akong kilala sa mga artista natin, especially sa new sets of artista, mga batang mestiso at mestiza na usually pabebe pa umarte at laging nakalipsync 'pag kakanta on stage.

'Di sa pangbabash ha pero I can't help to not compare them sa Korean artists.

Out of curiosity, lumabas na ako ng coffee shop para makinood sa nasabing mall show.

Ahh...si Barbie Forteza pala at.... sino?

Who's that guy? David Licauco? Baguhan?

Hmm... infairness, chinito. Kaya siguro nagkakagulo ang mga kabataang 'to. Maya-maya pa ay nagsalita na ang host.

May lumapit sa akin na babae. Judging from her looks, mukhang staff ng event.

"Hi! Sponsor po namin yang coffee brand na iniinom nyo, do you still have your receipt para mabigyan ka namin ng pass for a seat? May raffle po tayo later."

Swerte ba talaga or nagkataon lang na hindi ako basta basta nagtatapon ng resibo tuwing may bibilhin ako?

"Ah.. yes, here po." sabay abot kay Ate ng nakatuping resibo.

"Thank you! Here's your pass po then pakihanap nalang ang seat number mo. Enjoy the show!"

Gosh! Nasa unahan pala yung seat ko. Tipong kita ko na pores ni Barbie at nung leading man nya. Hehe!

Please welcome on stage, Barbie Forteza and David Licauco!

Grabeng sigawan yan. Nag tayuan pa sa upuan. Nakakahiya naman na ako lang nakaupo so tumayo nalang din ako.

In fairness ha. May hitsura si Kuya nyong David. Pero hindi pa rin papantay kay Baby Suga ko.

The show goes on. Typical meet and greet. As usual, they performed a song pero lip sync. Very pinoy style.
Played games with a fan on stage. Panay na tingin ko sa oras.

We'll now proceed to the raffle! 1 lucky girl and guy fan will win a date with Barbie and David. Take note of your seat number guys! Baka kayo na ito!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Project DavidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon