Balon

262 5 0
                                    

(tatlong araw ang lumipas..)

Madaling araw ng magising si Kelly.. nagtungo agad siya sa c.r upang umihi..sumunod sa kusina, dahil nakaramdam siya ng gutom..

"ayy, nagugutom ako..ano bang pwedeng makain dito.." ani kelly habang aktong nghahanap ng makakain.

nang makakita ng pagkain ay agad siyang nagtungo sa lamesa upang dun kumain. habang kumakain ay sumilip siya sa cellphone at tinignan ang oras..
"aba, alas 2:30 palang pala ng madaling araw.." gulat na sambit ni kelly

habang sarap na sarap sa pagkain, ay nakaramdam siya ng panlalamig.. parang lumalaki ang ulo niya.. pero pinipilit niyang inirerelax ang sarili..

"anu ba ito.. anlamig naman, makuha nga ang jacket sa taas" dagli dagling nagtungo sa kwarto ang binata upang kunin ang jacket niya.

pagkakuha ay napasilip siya sa bintana ng kanilang kwarto. nagtaka siya dahil mayroong babae na nakaupo sa balon.
sinilip niya uli at tinitigan kung sino ang babaeng naroon..

"si aling caridad pala ang nasa balon.... pero tekaa.. anong ginagwa niya doon ng ganitong oras?" pagtatakang tanong ni kelly sa sarili.

isinuot na niya ang jacket dahil nakadama ulit siya ng panlalamig na hindi niya maipaliwanag kung saan nanggagaling.

habang pababa ng hagdan, naisip ni kelly na baka kaya naroon si aling caridad ng ganitong oras ay dahil nag.away ang mag.asawa..

muli niyang sinilip ang balon sa bintana sa bandang sala..
nakita niyang humihikbi ang babae..

nakaputi ito at nakatalikod hindi niya makita ang mukha ngunit sinisigurado niyang umiiyak ito..
malamang nga nag.away sila ni mang fredo kaya nasa labas si aling caridad.. baka nagpapalipas lang ng oras.." ani kelly

hindi niya matiis na makitang umiiyak c aling caridad habang nilalamig sa labas.. nakaramdam siya ng awa kaya't kumuha siya ng kumot sa kwrto nila at dali daling lumabas patungo sa balon na kinaroroonan ng babae..

nasa bandang gilid ng bahay nila mang fredo nakapwesto ang balon.

pagbukas ng pinto, ay agad sumalubong ang malakas na hangin na nagbigay ng dahilan kay kelly upang mas lalong lamigin. tiniis niya ang lamig at nagtungo sa balon. malayo pa lamang siya ng matanaw niya ang babae.. nakatalikod ito sa kanya..

"aling caridad, ano pong ginagawa mo dito? malamig napo ang hangin baka sipunin po kayo.." sabi ni kelly

nagtaka siya dahil hindi siya nito pinapansin.. naalala niya ang kumot na hawak nito..

"aling caridad, ito po ohh kumot.. para po hindi kayo lamigin.." dagdag pa niya.

ngunit ni isa sa sinabi niya ay wala itong sagot..
patuloy lang itong umiiyak.. humihikbi habang nakatalikod sa kanya..

nang tawagin niya ito uli sa pangalan... ay agad itong tumigil sa pg.iyak...

nagtaka siya dahil bigla itong tumayo.. at hindi na humihikbi..

tinawag niya uli.... nang biglang lumingon sa kanya.. umikot ang katawan at napansin niyang nakalutang ang babae!! hindi nakasayad ang mga paa nito sa sahig..!

nanigas siya sa pagkatakot at hindi makapagsalita..
hindi niya malaman ang ggawin..

nakaharap na ang babaeng kanina ay nakatalikod sa kanya at umiiyak.. akala niya noong una ay si aling caridad ngunit hindi pala! nagkamali pala siya! isa pala itong multo! isang white lady!
ng makahanal ng timing ay tumakbo siya papasok ng bahay.. agad niyang ni.lock ang pinto at agad na nagtungo sa kwrto..
hindi niya malaman ang ggawin kaya nagtalukbong siya ng kumot..
nakiramdam..palinga linga siya.. habang pinakikiramdaman ang paligid..

ng mahimasmasan,, ay dahan dahan siyang nagtungo sa bintana ng kwrto.. sinilip niyq ang white lady na nasa balon.. buong gulat niya ng naroon parin ito! nakatingin sa kaniya..
takot na takot si kelly ng mga oras na yon.. hindi niya alam ang gagawin.. kahit takot na takot na siya, ay patuloy parin siyang nakatingin dito kahit na alam niyang nakatingin din ito sa kanya..

maya maya pa ay pumihit patalikod sa kanya ang white lady.. nakangiti ito sa kanya..habang nakalutang papuntang kakahuyan.. nakita niya mismo ng dalawa niyang mata kung papaano naglaho parang bula ang white lady..

nanigas siya sa pagkakatayo sa bintana dahil sa nasaksihan niya.. ng mglaho ang white lady ay agd siyang napaupo sa sahig at naiyak.. hindi niya lubos maisip kung totoo ba yung ngyari sa kanya o imagination lang.

nagising si Leo..
"pre, anong ginagawa mo dyan sa sahig at bakit namumutla ka?" tanong niya

"ahh ehh.. wala to pre." depensa ni kelly.. habang patuloy na nilalabanan ang panginginig..

"alas tres na ng madaling araw gising kapadin.. mgpahinga kana at my pupuntahan pa tayo mamayang umaga.." dugtong ni Leo sabay balik sa pagtulog.

ayun nga ang ginawa ni kelly..dahil may lakad pa sila pagka. gising.. tumungo na siya sa higaan at inirelax ang sarili hanggang sa mahanap na niya ang antok..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Barrio DalugdogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon