unang gabi

1.1K 22 19
                                    

Nagsimula ng tumugtog ang malalaking speaker at sabay na nagdadatingan ang mga kabataan.. Mag-boyfriend, mag-girlfriend at mga magbarkada.. Nagdatingan din ang mga naggagandahang mga kababaihan. Kaya mas lalo silang ginanahan... Tumabi ang tatlo sa 3 babaeng natitipuhan nila...

"mga girls, tara sayaw tayo.. tama na muna shot baka hindi na tayo makauwi nyan ^_^" Biro ni Kelly

Pagtapos sumayaw ay kumain naman sila at itinuloy na din ang pag-inom ng alak. Hanggang sa makaramdam na sila ng hilo. Tinatamaan na sila sa alak na iniinom nila.

"Tol, uwi na tayo? Nahihilo na ako eh" sabi ni Kelly

"Sige tol, ako rin eh.. " Sagot ni Benedict

"oh, pano mga girls nextime  ulit  ~_~" sabi ni Leo habang nahiihilo na at natutumba- tumba pa

Nginitian lang nila ang mga babae sabay talikod at tinahak na ang daan pauwi..

Malayo layo pa ang bahay ni Leo sa Barrio kung saan sila dumayo ng sayawan..

Bungad ni Benedict: "ang saya naman pala pumasyal sa ganun:D" 

"Natuwa ka naman kasi daming magagandang chicks ! Halos maluwa ang mata mo!" kantyaw ni Kelly at Leo..

10pm na ng gabi.....

Naglalakad sa isang mahabang kabukiran na ang tanging maririnig lang ay ang mga kuliglig. Puro  talahib at puno ang nasa paligid.. Walang matatanaw ni isang bahay malapit sa lugar na iyon,,

"Hmmmm!!! Sarap ng simoy ng hangin!" Sabi ni Benedict..Habang ang dalawang kasama ay dinadama din ang haplos ng hangin sa kanilang katawan at mukha..

Habang dinadama nila ang masarap na hampas ng angin, may napansin si Kelly na parang may sumusunod sa kanila..

"Teka tol.. putol ni Kelly"

"Bakit?" Sabay na tanong ng dalawa

"Tol, parang may sumusunod satin..... " ani Kelly

"Ha?? sumusunod?? san?"

Tumingin sa likod si Benedict at leo..

"Tol wala naman! wag ka nga magbiro ng ganyan!" Sagot ni Benedict

"Lasing ka lang tol ^_^" Biro ni Leo

"Hay nako! tara na nga..."

Naunang naglakad si Kelly. Sumunod si Leo at Benedict.

Ilang minuto lang ang nakalipas habang naglalakad ng mapansin ni Benedict na may aninong sumusunod sa kanila! aninong hindi nya malaman kung kanino!

Hindi nya pinapahalata sa mga kaibigan nya na may nakita syang anino..

Tinignan nya parin ang bandang gilid nya, nakikita nya parin ang anino!

Biglang bumilis ang tibok ng puso nya

Hindi nya malaman knug sasabihin nya ba kila Kelly ang nakita nya..

Ngunit hindi nya na kinaya ang tensyon.. Tinignan nya sa bandang likuran knug ano nga ba talaga ang aninong yun at kanino

Pagkalingon nya, buong gulat nya nalaman kung anong nakita nya..

tatlong kabaong! OO tatlong kabaong na may kandila sa ibabaw! tatlong kanidla ang nakalagay sa bawat isa at sa isip-isip nya, ay para sa kanila ang 3 kandila na nakatirik sa ibabaw ng kabaong..

"Takbooooooo!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Benedict

Nagulat ang dalawa ng mapalingon sa likod dahil nakita nilang papalapit na sa kanila ang mga kabaong!

Barrio DalugdogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon