1

110 0 4
                                    

A/N: Writing again... because why not, diba? ika nga write as a breather. Life update, eto buhay parin and ang init parin dito sa Thailand.





Come on Malisorn kaya mo ito. Sabi ni Faye habang nakatingin sa salamin pagkatapos nag hilamos ng malamig na tubig. Habang tumatagal ang pagtitig niya sa salamin ay mas nahihirapan siyang pigilan ang kanyang mga luha at hindi maiwasang mapahagulgol na lang siya ng tahimik sa sarili.

May kumatok sa pinto ng banyo na sinundan ng bahagyang nakangiting mukha. "Mommy, umiiyak ka ba?" Ang kanyang 4 na taong gulang na anak na si Sam ay kumapit sa kanyang binti at niyakap ito ng mahigpit. "Don't cry, mommy. Don't be sad."

Hindi napigilan ni Faye na lumuha pa, super protective sa kanya ang anak niya. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha at inabot ang kamay para buhatin ang bata at pinaupo niya ito sa may sink.

"Okay lang si Mommy, baby." Ngumiti siya ng bahagya sa bata at niyakap ito ng mahigpit. "Isuot mo na ang sapatos mo anak at aalis na tayo." Marahan niya itong hinalikan sa noo bago ibinaba muli sa sahig at pinagmasdan niya lang ang bata habang tumakbo palabas ng banyo.

Inayos ni Faye ang kanyang make-up at muling tiningnan ang sarili sa salamin at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago lumabas ng banyo. Naglakad siya sa sala para kunin ang ilang nakakalat na laruan ni Sam nang marinig niya ang kanyang cellphone. Pinuntahan niya ito para kunin sa armrest ng sofa. Isang text iyon mula kay Becky.


Hey Bes, kamusta ka na? –Bec

I feel much better. Hindi ko lang mapigilang umiya. Ayokong makita ako ni Sam na umiiyak. It's so hard Becky. Hindi ako makapaniwalang wala na sila.         
– Faye

Awww baby, Just think that they are in a better place now. Papunta na ako. You and Sam can ride with me. -Bec

Salamat – Faye

I'll be there in 10 mins. – Bec

Ibinaba ni Faye ang telepono at kinuha ang kanyang coat mula sa closet. "Sam, come on baby we have to get going. Halika kunin mo ang coat mo."

Mabilis na namang tumakbo si Sam papunta sa sala.

"Ang gwapo mo naman, po!" Nakangiting sabi ni Faye sa maliit na batang lalaki na nakasuot ng itim na suit na may blue at black-checkered na kurbata.

Itinaas niya ang kanyang itim na coat. "Need mommy to help you na magsuot?"

"No, mommy! I'm a big boy. Kaya ko na, po." Sabi ni Sam while look at her with his brown eyes habang nakangiti.

Pinasadahan ni Faye ang kanyang kamay sa kanyang buhok at kinindatan siya. Habang nakaupo si Sam sa sofa na may dalang laruang kotse, si Faye ay umikot sa buong bahay at sinisiguradong nakapatay lahat ng ilaw at nakapatay ang mga tv. "Mommy, may tao sa pinto... I'll open it, po." sigaw ni Sam.

"No, you won't Sam. Mommy will open it." Bumalik si Faye sa sala at binuksan ang pinto abd saw Becky.

Nang makita niya ang kanyang matalik na kaibigan, naluluha na naman siya kaya hinila siya ni Becky sa gilid at hinayaang umiyak siyang muli. Malungkot siyang hinawakan ni Becky at hinila ito sa isang mahigpit na yakap.

"It's okay, Faye....shhhhh. It's okay. Andito lang ako," Hinimas-himas ni Becky ang likod ni Faye at hindi siya binitawan hanggang sa maramdaman niyang kumalma na ito.


Makaraan ang ilang minuto.

"Hey, little man. Kumusta ang aking pinakapoging anak?" Tanong ni Becky habang binuhat si Sam na nakadagan sa kanya.

Intro (End of the World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon