A/N: I just discovered na my first job here in Thailand is sa hometown pala ni Faye... Like for real, sa Prachin Buri. Napa isip ako na laking probinsya talaga si Faye kaya ang down to earth niya ...if she is from there ang liit lang ng Prachin Buri. I drove around there pag weekend and 1 hour lang siya away from Freen's province sa Chacheongsao. I've been there too. Nakakatuwa namang malaman lang.
Kinalma ni Faye ang sarili at umalis sa kandungan ni Yoko at pumulupot sa kabilang dulo ng sofa. Ayaw niyang makipag-eye contact kay Yoko kaya nilalaro niya ang kanyang mga kuko.
"Faye...please tingnan mo ako?" Sabi ni Yoko habang papalapit siya kay Faye. Dahan-dahang itinaas ni Faye ang kanyang ulo. "I'm sorry for what I did. I really am. I thought since you broke up with me na mas madali para sa ating dalawa... kung alam mo lang.... gaano kahirap ang hindi tayo mag-usap. I mean knowing the you don't love me. Sa totoo lang hindi ko alam na masasaktan ka ng ganito. Akala ko napakalakas mong tao kaya magiging madali para sa iyo. Sinasabi ko ngayon sa harapan mo kung gaano ako nagsisi."
"I never stop loving you or being in love with you. Yokie. Hindi yun ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sayo."
"Love... naisip ko lang."
"'Wag na, kalimutan mo na lang na may sinabi ako, Yoko. It's not a big deal. Matutulog na ako." Sabi ni Faye sabay tayo at may luha sa kanyang mga mata at dahan-dahang tumulo habang papunta siya ng silid.
Mabilis siyang nagpalit ng sweats at tank top bago bumagsak sa kanyang kama. Tumingin siya sa orasan at nakitang 1:30am na. She loudly groan at nakatitig sa kisame nang maramdaman ang mainit na luhang kumawala sa kanyang mga mata ngunit nagpasya siyang huwag na itong punasan.
Damn. Good job, Lertprasert. Napaisip si Yoko habang nagpalit ng shorts at t-shirt for bed. Sinimulan niyang hilahin ang sofa bed ngunit nagpasya siyang pumunta at tingnan si Becky. Mabilis siyang kumuha ng tubig sa kusina at pumunta sa guestroom para painumin ng aspirin si Becky para hindi siya magkaroon ng matinding hangover sa umaga. Marahan niyang hinimas ang likod ni Becky para magising siya.
"Take this, Becky."
Napaungol si Becky at gumulong-gulong para itago ang kanyang mukha.
"Come on, Bec, take these really quick at papatulugin kita muli. I promise." Dahan-dahang iminulat ni Becky ang kanyang mga mata kay Yoko na nakangiting may hawak na 2 maliit na aspirin at isang bote ng tubig. Napangiwi si Becky sa pagkakaupo ngunit kinuha ang dalawang aspirin at ininom ang kalahati ng bote ng tubig bago dahan-dahan siyang humiga sa kama. "Night, Bec." Tahimik na lumabas ng kwarto si Yoko.
Bumaba na si Yoko ngunit nang madaanan niya ang silid ni Faye ay may narinig siyang maliit na ungol.
"Faye?" Bahagyang kumatok si Yoko sa pinto bago ito binuksan.
Nakita niya si Faye na nakatagilid at nakatalikod sa pintuan. Pansin niya sa paraan ng paggalaw ng katawan ng Faye ito umiiyak. Dahan-dahan siyang pumasok sa silid at maingat na humiga sa kama sa likod ni Faye at niyakap niya ito. Napasimangot si Faye sa una at nanginginig ang kanyang katawan. "Ako ito, Faye...relax." Naramdaman niyang medyo lumuwag ang pagkapit ni Faye sa kanyang mga bisig. "Hindi ko sinasadyang takutin ka. I'm sorry."
BINABASA MO ANG
Intro (End of the World)
FanfictionBumalik muli si Yoko sa buhay ni Faye pagkamatay ng kanyang mga magulang. Sundan natin ang buhay ng FayeYoko sa muling pagbabalik nila. Inspired by the song Intro (End of the world) by Ariana Grande If the sun refused to shine Baby, would I still be...