What the hell was I thinking, sleeping with Newton Oliveira? Kaya nga ako nag-install ng dating app dahil mas mataas ang possibility na hindi ako makakaencounter ng kakilala ko roon, but what happened?
I shut my eyes tightly as I drank on my glass of whiskey. Today is Verona's birthday and we threw a birthday party for her. I had to convince Tito Ramses and Tita Isabel to let Verona spend her birthday night with us so we can all catch up. Luckily, they agreed. Madalas kasi silang nagcecelebrate na silang tatlo lang over dinner or an out of the country trip. Ineexpect ko na hindi sila papayag pero laking gulat ko nang pumayag sila.
"Are you guys gonna drink?" si Tita Isabel.
"Uh, yes, Tita. Me and some of her friends, for sure. But don't worry, I'll monitor Verona. I'll make sure she won't get drunk."
Nagkatinginan silang dalawa ni Tito Ramses. I noticed that my uncle's weight is slowly decreasing. Noon ko pa napapansin pero iniisip ko lang na baka nagdidiet siya or whatever. Pero ngayong kaharap ko na siya at nakikita ang paminsan-minsan niyang pag-ubo at mukhang nahihirapan pa...medyo naaalarma ako.
"Hindi ko naman po pababayaan ang pinsan ko."
Tumango si Tito Ramses. "We know that, Clementine. But you of all people should understand that she has a condition. She shouldn't be consuming hard alcoholic drinks. Malaki ang tiwala namin sa'yo kaya hahayaan namin kayo na i-celebrate ni Verona ang birthday niya kasama kayo."
"Thank you for trusting me, Tito."
Mabuti na lang at bumukod na si Verona kaya hindi niya agad malalaman na nasa Pilipinas na ako ngayon. Kakausapin ko rin siya mamaya kung pwedeng sa kaniya muna ako tumuloy habang wala pa akong nahahanap na condo. Mabait naman ang pinsan kong iyon kaya sigurado akong hindi niya ako matatanggihan.
"Ano nga pala ang sinabi ng mga magulang mo ngayong nagpasya kang dito ka na titira?"
Muntik na akong masamid sa iniinom ko dahil sa tanong ni Tita Isabel. Halata ang gulat sa mata niya nang nasagot ko ang tanong niya dahil sa reaksyon kong iyon.
"They don't know you're here?" she exclaimed. I nodded.
Binaba ni Tito Ramses ang dyaryong binabasa niya at binaling ang buong atensyon sa akin. "Nasaan ba sina Mauricia at Oliver ngayon?"
"I don't know. Somewhere in Europe, maybe? It's been 3 days since I talked to them and they're on a business trip for the whole week."
"And why did you decide to move here?"
Nagtagal ang tingin ko sa kanila. Ayokong sabihin sa kanila ang totoong dahilan ng pag-alis ko ng New Zealand. Ni hindi nga ako nag-oopen up sa mga magulang ko kapag tinatanong nila ako kung may problema ba ako. I'd rather share my sentiments to a stranger rather than with my relatives because they won't understand me.
"I miss everything here." iyon na lang ang tangi kong sinabi.
And by "I miss everything", taking care of my drunk cousin isn't included on the list. Her friends convinced me to give her the hardest drink we have right now as a birthday gift for her. I regret it now. Aminado akong lasinggera ako pero hindi ko pa nararanasang magsuka or magwala sa inuman. Aware pa ako sa mga nangyayari kahit may tama na ako. Si Verona, akala mo sinapian ng ibang tao.
"Hey! Where are you going?" sabi ko nang napansing naglalakad siya paalis ng rooftop.
She yanked her arms away. "I'll just pee!"
"Samahan na kita---"
"Hindi na! Kaya ko ang sarili ko. Dito ka na lang muna. Babalik din ako."
Pero lumipas na ang isang oras, hindi pa rin siya bumabalik. Nagpatulong na ako sa mga kaibigan ni Verona para hanapin siya. Wala siya sa unit niya, sa lobby, sa pool, sa garden, o sa gazeebo. Halos halughugin na namin ang buong tower sa paghahanap pero hindi namin siya makita.
BINABASA MO ANG
Stand by Me (Dauntless Series Spin-off #1)
RomanceClementine is a happy-go-lucky woman. She's down to do things that are controversial for other people but you'll never see her complaining because that's what makes her happy. She believes that you only live once, so you must spend it however you wa...