Maagang nagising si Meilene, unang araw kasi ng kaniyang trabaho bilang isang guro sa isang pribadong paaralan na malapit lang sa kanila. Kaga-graduate nya pa lang kasi at kailangan niya ng karanasan bago siya makapag-apply sa Public School.
Messenger :
To: Boyfieeee: Good morning hon, first day of work ko today. Wish me luck. See you later. Love you.
Pagkatapos ko magcheck ng aking mga social media bumangon na ako sa aking higaan at naghanda para pumasok. Ayoko yatang ma-late noh, nakakahiya.
Bago ako bumaba ay tumunog ang cellphone ko.
Messenger:
From: Boyfieee: Daanan kita dyan sa inyo. Hatid na po kita, Mahal ko. J
Bahagya akong ngumiti. Di talaga kumukupas ang mga paraan nito para pakiligin ako. Jusko. Abot hanggang tenga nanaman ang ngiti ko.
Lumabas na ako ng aking kwarto at nag-almusal na. Maya-maya pa ay narinig ko na ang busina ng motor ni Eric, ang boyfieeee ko. Legal po kami pareho sa pamilya namin. After all, pareho kaming tapos na mag-aral. Ang kaso kasi, sya kumuha pa ng kurso sa pagpupulis. Kaya ngayon, may pasok pa sya. Luckily, dadaan muna sa work ko bago sya makarating sa school nya. Kaya ang convenient diba?
Lumabas muna ako.
AKO: (Nagbeso kay Boyfieeee) Pasok ka muna. Almusal tayo.
ERIC: (Tinanggal ang Helmet at inayos ang buhok saka bumaba ng motor) Kanina ka pa gumising tapos nag-aalmusal ka pa lang.
MAMA: (Nagdidilig ng halaman) Pano, ang bagal-bagal kumilos.
AKO: (tiningnan si mama na parang, ako ang anak mo diba? Dapat sakin ka kumakampi look) Maaaaa....
ERIC: (Nagmano kay mama) Good Morning po tita.
MAMA: Kaawaan ka ng Diyos. (Humarapsa'kin) yan, ang bagalmokasingkumilos.
Saka naman ang paglabas ni Papa na papasok na sa trabaho.
ERIC: (Nagmano) Magandang Umaga po, Tito.
PAPA: Magandang Umaga naman. Mag-almusal na kayo nang makaalis na rin kayo at baka abutan pa kayo ng mahabang traffic. Mauna na ako sa inyo.
AKO: Yung baon nyo po papa. nadala nyo na po ba?
PAPA: Oo na. Naihanda na ng mama mo. Mauna na ako.
MAMA: Ingat ka.
Pumasok na kami sa loob para tapusin ang almusal. Saka nya ako inihatid sa trabaho.
ERIC: Sunduin na lang kita mamaya. Saan mo gusto magdinner?
AKO: Jollibee? (excited kong sabi)
ERIC: (nangingiti-ngiti) Okay.
Hinalikan nya lang ako sa pisngi saka umalis. Dala nya helmet ko.
Pagpasok ko agad akong sinalubong ng mga studyante at bumati ng "Good Morning" Dumiretso naman ako sa Faculty office kung saan naroon ang iba pang mga guro at principal ng school.
Nagpalitan lang kami ng magagandang salita, kaunting orientation. Elementary to Senior High School and students ko. May subject akong English sa Grade 5&6 since yun naman talaga ang major ko. May PE subject naman ako sa Grade 9&10 dahil player ako noon ng Volleyball, baseball, basketball and marunong din ako ng iba't ibang sayaw plus, marunong rin ako sa music. Arts lang ako hindi magaling. And may Humanities ako sa Grade 11&12. Diba, Hectic schedule ko.
Lumipas ang kalahating araw at lunch break na. Since wala pa naman ako masyado ka-close sa mga co-teacher ko ay mag-isa lang akong pumunta sa cafeteria. Pagka-order ko ay humanap ako ng bakanteng upuan, kaso wala akong mahanap. Nakita ko naman yong isang co-teacher ko na kumaway sinyales na may available pang upuan doon. Kaya kahitnahihiya pa akolumapitnarinako.
SIYA: Teacher Ella, Math Major. (pakilala nya)
AKO: Teacher Myh, English Major
ELLA: Nice to meet you. Nakita na kita kanina sa office, nagmamadali kasi ako at may nag-aaway nanaman sa mga studyante ko. Kaya di na kita nabati.
AKO: Ai, no worries po teacher. Hehehe.
Nahihiya ako, pero dahil friendly naman sya, siguro magkakasundo kami. Marami pa kamingnapagkwentuhan sa maikling oras. May fiancée na pala sya na nasa China. Anytime pwede na sya kunin, inaayos lang ang mga papel na kailangan nya at ang school na papasukan nya. Nai-kwento ko na rin na may boyfriend na ako. Mas matanda sya sa akin, matagal na rin syang teacher dito sa school na ito. Binigyan nya rin ako ng mga tips kung alin ang mga section na very naughty and alin din naman ang section na talagang hindi ka pwedeng pumasok na hindi ka prepared.
Sa hapon naman ay puro PE ang subject ko, kaya nagpunta na ako sa locker ko para magpalit ng PE Uniform ko. Sa gym kasi kami ngayon.
Syempre kailangan mag Physical Test muna kami tulad ng laging ginagawa sa PE. Mabuti na lang at nag-enjoy naman ng mga estudyante ko ang araw na ito. Masaya na rin ang ganito.
Bago ako nagdismiss ng klase ay ipinaligpit ko muna sa kanila ang mga ginamit na equipment. Dumiretso na rin ako sa locker ng faculty room at nagshower. May shower area dito sa school. Malaki ang building ng school ee. Maggagabi na rin kaya inayos ko na ang sarili ko.
Habang nasa sofa ako ng faculty lounge ay nilapitan ako ni Teacher Ella.
TEACHER ELLA: Kumusta ang first day?
AKO: Mapagod, pero okay lang po.
TEACHER ELLA: Fresh Grad ka?
AKO: Opo.
TEACHER ELLA: Kaya pala napaka optimistic mo pa. Keep it up.
AKO: Kelangan. Para sa ekonomiya.
Nagtawanan lang kami.
TEACHER ELLA: Sya, mauna na ako. Need ko pa mag-online ng 6:00pm. Para maka videocall ko si Mak.
AKO: Susunduin rin ako ni Eric. Magdi-dinner daw kami sa Jollibee mamaya.
Natawa naman si Teacher Ella. Maya-maya pa ay tumawag na si Eric at sinabing nasa lobby na daw siya ng school. Kaya sabay na kaming bumaba ni teacher Ella.
Pagdating sa baba.
AKO: Teacher Ella, si Eric, boyfriend ko. Eric si Teacher Ella, co-teacher ko.
TEACHER ELLA: (Nagshake hands)Hi!, Good evening. Ella
ERIC: (Nakipag shake hands) Eric.
TEACHER ELLA: Oh, pano, Mauuna na ako sa inyo. Nandito na rin sundo ko. Bye. (Patawa nyang sabi ng dumating yung Grab Taxi na binook nya)
Sumakay na si Teacher Ella sa grab taxi. Ako nama'y nagsuot na ng helmet at sumakay na sa motor.
Pagdating namin sa Jollibee nag-order agad si Eric ng pagkain. Nagba-browse lang ako ng facebook ko habang hinihintay ko sya. Pagdating ng order namin kumain lang kami, nagkuwentuhan at umuwi na.
BINABASA MO ANG
MR SUPERSTAR AND THE DANCING QUEEN
RomanceMadalas nating sinasabi na walang tama o mali pagdating sa pagmamahal. Basta wala tayong naaapakan na ibang tao at wala tayong inaargabyado at masaya tayo ay sobra sa higit pang pasasalamat. Madalas rin tayong nagkakamali, nasasaktan, umiiyak, mawaw...