Okay. Lagot nanaman po ako neto kay Dylan.
Hayss.
Sabi ko na e. Kaya pala parang may mali. Yun pala yun.
Hinayaan ko nalang matapos yung pag papa spa namin. Syempre kung humabol man ako sa date namin, hindi na ako aabot. 4pm yun, eh duh anong oras na ngayon? 5:30 na po. As if namang aabot pa ako. Pupuntahan ko nalang sya sa house nila. Para makabawi. Hay nako. Mag aaway na namin kami. Ako ang may kasalanan kaya dapat mag sorry ako.
Nung tapos na ung pag papa spa namin, nagpaalam na ko sa kanila.
"Girls, I have to go na. May importante lang akong kailangan asikasuhin." sabi ko.
"Okay girl. Take care!" Sabi bi Courtney
"Key girl! Don't forget bout tomorrow huh." sabi ni chanel
"Yes. Makakalimutan ko ba yun? :)" Sabi ko.
Nag pasundo na ako kay Ate Eunice. Tutal mag si Six pm narin.
*car
"Ate sa bahay tayo ni Dylan." sabi ko.
"Okay. Pero bilisan mo lang, gabi na rin eh." sabi ni ate eunice.
"Ge po." sabi ko.
*Dylan's house
Ding dong
ding dong
Ding dong
Sa wakas lumabas narin yung maid akala ko magdamag akong magdodoor bell dito e.
"Hi mam! Si sir Dylan po?" sabi nung maid. Kilala na ko ng mga maid dito :)
"Oo sana. Nandyan po ba siya?" sabi ko.
"Ah opo. Pasok po." sabi nung maid.
Dumiretso na ako na room nya.
*knock knock
"Pasok."sabi nya
Dahan dahan kong binuksan yung pinto.
"Hi." sabi ko
"Oh. Kaw pala." sabi nya
"oo. uhm. Dylan, sorry." sabi ko habang nakayuko. Hindi ako makatingin sa kanya. Malamang nagtatampo kasi yan e.
"Ah okay." sabi nya. Okay. Spell COLD.
Hindi ko nalang pinatulan un. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa inuupuan nya.
Pero bigla naman syang tumayo at lumipat sa kabila.
Nilapitan ko ulit sya. Lumayo ulit sya. FUDGE .
Okay. alam ko ako may kasalanan kung bakit kami ganito ngayon. Kaya nga ako nag sorry diba?
"Bakit ka ba ganyan? Nagtatampo ka kasi hindi natuloy yung lakad natin. Okay. Diba nagsorry na ko sayo? Problema mo?" sabi ko
"Fany. Naghintay ako. Pinaghintay mo nanaman ako. Ilang beses na. Lagi nalang. Lalabas tayo, tapos ako maghihintay sa wala, tapos pupunta ka sa bahay para humingi ng sorry. Hindi ka ba nag sasawa? Ako? Sawang sawa na ko. Palagi nalang ganito. Naging routine na natin to." sabi nya
"Okay. Dylan. Im so sorry talaga. Sorry na talaga babe. Hindi ko sinasadya. Nakalimutan ko lang talaga kasi nga diba, 1st year anniversary namin ng mga kaibigan ko. Sorry talaga. I really forgot about it. Im so sorry." sabi ko.
"Hah. KPOP nanaman. KPOP. KPOP. KPOP. For Pete's sake Fany! Hanggang kelan? Hanggang kailan ka mababaliw jan sa KPOP na yan?" sabi nya.
"My God. Bakit naman nasali dito ang KPOP? Dylan naman!" sabi ko nang naiinis na.